Hindi ako sya

4 0 0
                                    

Hindi ako siya

Ang manhid mo!
Unang linya na nabuo sa isip ko.
Diba tama naman ako?
Kasi lahat ng pagpapansin na alam ko, ginawa ko na.
Kahit magmukha pang tanga.
Pero wala ka manlang napansin kahit isa sa efforts ko.

Para akong palamuti na kahit anong pagpapaganda ang aking gawin, Hinding-hindi mo papansinin!
Para akong musikang naglalambing pero parang ang lamig mo parin.
Para akong tula, na kahit anong lalim ng salita ay hindi mo iintindihin.
Para akong kayamanan na nakabaon sa ilalim ng lupa, na kahit nasayo na ang mapa ay hindi mo hahanapin. Para akong bagay na nahuhulog, na kahit nasa harapan mo na ay wala kang balak saluhin pa.

Kasi para akong araw, para akong araw na hindi mo na titignan ng direkta kasi alam mong sasakit lang ang iyong mga mata.
Para sa'yo isa akong tao na may malubhang karamdaman na hindi mo nanaising dumikit pa.
Para sa'yo isa akong trahedya na ayaw mo maranasan kasi alam mong masasaktan ka.
Para sa'yo ako si kamatayan na dapat mong layuan dahil takot ka. takot ka na kunin ko sayo ang iyong ligaya.
Kasi para sayo, Hindi ako siya.

Hindi ako siya para titigan mo ng dalawa mong mata. Hindi ako siya, Hindi ako sya para pakinggan mo tulad ng napaka gandang musika. Hindi ako siya, Hindi ako sya para sabihan mo ng mga matatamis mong salita.
Hindi ako siya, Hindi ako siya para iyong maramdaman na laging merong "Ako" na nasa tabi mo sinta .
Hindi ako siya para lapitan mo pag kapag nagseselos ka.
Hindi, hindi mo ko mapapansin kasi hindi ako siya, Hindi ako siya na napapasaya ka .
Kasi mag kaiba kaming dalawa.

Isa lang naman ang gusto ko, Gusto ko lang na makita at mapansin mo rin ang katulad ko.
Na hindi ko na kailangan pang ikumpara ang sarili ko sa iba para lang sa atensyon mo.
Ang gusto ko tanggapin mo ako bilang ako, hindi dahil nakikita mo siya sa katauhan ko.
Pagkat magkaiba ang "Siya" at "Ako" at hindi ako kahit kailanman magiging siya.
Ako ay ako.
Kaya para sa'yo, Isa lang masasabi ko,
At marahil ito na rin ang huling linya na bibigkasin ko.
ANG MANHID MO!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon