Gusto kita

10 0 0
                                    

Gusto kita

Noong una kitang makita agad akong nahumaling sa mga ngiti mo.
Mga ngiti mong nakakawala ng pagod ko.
Mga ngiting mong kahit hindi para sakin ay pilit kong inaangkin.
Ang mata mong maganda kapag tumatawa ka o kahit yata nakatulala ka.
Lahat na yata ng parte ng mukha mo ay may masasabi ako.
Masyado yata akong nahumaling sayo kahit sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na duling ako dahil hindi ka naman daw gwapo.
Pero anong magagawa ko masyado akong nagayuma na tila kahit pag angat mo ng iyong buhok ay hinahangaan ko.
Lalo na tuwing nakikita kitang naglalaro sa likod ng paaralan ng paborito mong basketball ay pakiramdam ko lalong naghuhulog ang puso ko kaso kahit anong hulog nito ay hindi mo sasaluhin.

Pero tanggap ko na na kahit kailan hindi mo ako gugustuhin.
Kasi ayon nga sayo pagaaral muna at isa iyon sa mga hinangaan ko sayo.
Pero umaasa pa rin ako na balang araw ay gugustuhin mo rin ako katulad ng pagkagusto ko sayo.
Aasa ako sa araw na sasabihin mong mahal mo na ako at sana kapag dumating ang araw na iyon ay mahal pa rin kita.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon