Script Fifteen ♥

460 9 2
                                    

“Nak, magpapakabait ka dun ah? Wag mong pasakitin ang ulo ni Nyll. Wag kang masyado makulit. Nako, malaman ko lang talagang may ginawa kang katarantaduhan dun. Susunduin ka talaga namin ng daddy mo. Nakuuu.” Sermon ni mommy sa sa akin, habang tinutulungan ako mag-impake ng mga gamit ko.

Lilipat na ko sa magandang bahay naming ni Nyll. Wieeee

“Mommy, wag kang OA. Limang bahay lang ang pagitan ng mga bahay natin.” Sabi ko naman.

Totoo naman e, ang oa naman kase ni mommy, parang mag-iibang bansa ako kung maka-pagdrama, eh sa iisang village lang din naman kame. -___-

“Ewan ko sayo anak sige, umalis ka na. Nag-aantay na pala si Nyll sa sala.”

“Si Nyll? Nasa sala?” sabi ko at agad naman akong tumayo at nanalamin.

“Yie. Nagpapaganda. Anak, mahal mo na?” intriga ng nanay ko. -___-

“MOMMY! Ano ba naman yang tanong mo!” sabi ko at nagpolbo muna ako bago lumabas ng kwarto..

Pagbukas ko ng pinto..

“Oh, Sabrina. Tulungan na kita. Hello po tita! ;)” dugdugdug

Lumabas naman agad  si mommy. “AHEM mga anak, labas na muna ako. Pasok kana muna Nyll.” May pagkamahaderang sabi ng aking ina..

“ah-eh. Gusto mo ba ng makakain?” tanong ko, sakanya.

“Ikaw…” Sabi nya…

“Ha? Anong ako? Di ako pwedeng kainin.” Sabi ko.. Manyak talaga yang si Nyll aba

“Ikaw, bakit isang maleta lang yang dala mo. Dun na tayo titira diba? Dapat lahat dala mo na. saka, ano ba yang mga pinagsasasabi mo” sabi nya.

Napakamot ako sa ulo ko

“Ah, ha-ha-ha. Kala ko ano..”

“Kala mo na naman manyak ako?” seryosong sabi nya

“Hi-hindi naman sa ganun.” Napatungo nalang ako

“Gusto ko ng magnum..” sabi nya, napatingin ako sa kanya..

Nakangiti sya.. “Akala ko ga-galit ka?” sabi ko..

Lumapit sya sakin.. At inayos yung buhok ko.. “Ayan ka na naman sa akala mo, baby prostitute eh.” Sabi nya.. “Gusto ko ng magnum. Meron ba sa ref nyo?” tanong nya..

“Ah-eh. Meron. Kuha kita, wait lang.” Umalis agad ako dun.. napasandal ako sa ref, at pilit pinapakalma yung puso ko.

Bat ba ganun si Nyll? Lagi nalang nyang pinapaingay yung puso ko.. Wala naman akong gusto sa kanya diba? Ewan ko sayo Sabrina haaay

Kumuha ako ng limang magnum sa ref at dinala sa kanya..

Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko syang tinitignan yung mga baby pictures ko..

Inabutan ko sya ng magnum..

Tinignan nya yung picture ko na naka swim suit ako at yapos yapos ko yung pinsan kong lalake.

“Tss. Baby pa lang, prostitute ka na.” sabi nya.. Inirapan ko lang sya, at inirapan nya din ako.. -___-

“Wala ka nang yayakaping ibang lalake, maliban sa akin ah. Akin  ka lang.” Seryosong sabi nya.. Dugdugdug

“Nyll. Bat ka ba ganyan..” Bulong ko..

“Kase gusto kita..” bulong nya, mahina ang pagkakasabi nya nun. Sapat lang para marinig naming dalawa.

Ewan ko.. Pero nakaramdam ako ng sandaling kasiyahan sa mga salitang narinig ko mula sa kanya..

Dugdugdugdugdug.. Sobrang tahimik ng paligid.. Tanging ang ritmo lang ng tibok ng puso ko ang naririnig ko..

Tahimik lang kaming dalawa, malamang. Hindi nya sinasadyang sabihin yon..

Binalik na nya sa side table yung picture ko at tumayo na..

Dinala nya yung maleta ko..

“Hehe, syempre joke lang yun no.”  sabi nya.. Dugdugdugdug

Hindi ko alam kung bat ganun yung naramdaman ko.. Parang masakit sa puso na ewan. Kala ko kase may gusto sya sakin..

Pero kahit joke lang yun.. Feeling ko totoo eh. May iba kase sa mga mata nya e. Yung parang, hindi akma yung joke na sinabi nya sa mga mata nya. Parang nagsisinungaling sya.. Pero ayoko mag-assume ako lang din ang masasaktan haaaay

Tahimik lang kaming bumababa sa hagdan

“MOMMY! ALIS NA PO KAME!” sigaw ko.. di ko na naman Makita ang nanay ko aba..

“SIGE ANAK! PASALUBONG PAG-UMUWI KA DITO AH!” sabi ni mommy

“MOMMY!! LIMANG BAHAY LANG PO ANG PAGITAN NG MGA BAHAY NATIN!” pasigaw pero sarcastic na sabi ko, at umalis na kame ni Nyll

Nilakad nalang naming papunta sa bahay naming dalawa. Diba nga? Limang bahay lang ang pagitan haha

Kalakaladkad ko yung maletang may laman ng mga damit ko..

“Akin na nga yan, baby prostitute” sabi ni Nyll. Hayy. Buti naman

“Bakit ba hanggang ngayon? Baby prostitute pa rin tawag mo sakin?” tanong ko habang naglalakad kami

“Kase nga Baby kita diba?” >///< dugdugdug

“B-baby ka dyan!” sabi ko sabay hampas sa braso nya.. Di ko mapigilang kiligin! Kase naman.. Si Nyll palang naman ang nakapagsasabi sakin ng ganyan.. Si Nyll kaya lahat ng first ko.. >//<

“Oh? Bat ka namumula? HAHAHAHA!” sabi nya.. At tinawanan ako

“Ha? Namumula? Mainit kaya!” palusot ko..

“Anong mainit? Eh. Hapon na kaya! Besides December pa ngayon. Papalusot ka pa! HAHAHAHAH!” sabi nya..

Kyaaaaaaaaa. Panong hindi ako mamumula?

NYLL’s POV

Ang cute nya talaga pag ganyan sya.. Hahahaha pinaghahampas nya ko sa braso habang naglalakad kame.

Kanina pa yan e, pati dun sa kwarto nya kanina.. nung sinabi ko yung mga salitang yon.. Bigla nalang syang namula..

Tungkol nga pala dun sa sinabi ko kanina.. Totoo ang lahat ng iyon.. GUSTO KO SYA, pero agad kong binawi yung sinabi ko, sa takot na baka salungat yung nararamdaman ko sa nararamdaman nya.. Kaya sinabi kong ‘joke’ lang yung sinabi ko na iyon

Nakarating na kame sa bahay namin..

“Makikilagay nalang yan dun sa Baby’s room. Dun ako matutulog.” Sabi nya habang nakahiga sa sofa

“Anong baby’s room? Dun ka sa kwarto natin tutulog. Tapos.” Sabi ko lang sakanya at umakyat na papunta sa kwarto namin

“Ewan ko sayo! Mukha kang alien. Manyak! Panget!” narinig kong sabi nya…

Pagkalagay ko sa kwarto ng mga gamit nya.. Bumaba na ako. Nakita ko syang kinakausap yung picture ko..

“Alam mo ikaw. Nakakainis ka na ah. Parang ang dali lang sayo ng mga bagay bagay.” Pinakinggan ko lang sya habang kinakausap nya yung picture ko.. ang cute nya talaga haha

“Mukha kang magnum.” Sabi nya at pinitik pitik yung picture ko..

“Atleast ang magnum mahal diba?” sagot ko naman.. hindi nya siguro napansin na nagsalita na ko at patuloy pa rin sya sa pakikipag-usap dun sa litrato ko..

“Ha? Mahal? Di kita mahal no? Crush. Oo siguro crush k-kita.” Sabi nya, napatigil sya sa pagsasalita.. Napansin nya siguro na ako na yung kausap nya, at hindi na yung picture ko at dahan dahan syang lumingon sa lugar kung nasaan ako..

“Crush mo ko?”

Ang Lovelife kong Scripted ♥ |On-Going|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon