Script Five ♥

654 15 4
                                    

Matapos ang nakakamatay na piggy backride sakin ni Nyll,sa wakas! Malapit na din kami, Ako lang pala sa bahay namin!

“Ayun!! Dun yung bahay ko! Dali hatid mo ko sa gate namin!” Sabi ko habang pinag-sasabunutan ko sya..

“A-araay! Pwede ba? Wag mo ko sabunutan. Di mo ko kabayo! Napaka-sadista mong Prostitute ka! Saka maglakad ka nalang mag-isa! Eto na yung bahay ko oh!” pag-rereklamo nya.. Sabay turo sa malaking bahay sa tapat namin..

“Dyan ka nakatira?!” Tanong ko..

“Oo, bakit nanaman?” Pagrereklamo nanaman nya..

“Wala naman. Pwedeng pa-ihe?” Tanong ko sabay hawak sa puson ko T^T

“Oh, baket samin ka pa iihe? Dun ka nalang sa bahay nyo, tatlong bahay nalang, bahay nyo na oh.” Sabi nya at aktong papasok na sya sa gate nila..

“Ah-ah dyan nalang sa inyo!! Can’t you see? Ihing ihi na ko!!” pag-mamakaawa ko..

“Bawal.” Pag-mamatigas nya..

“Sige ka, pag di mo ko pina-ihi, ditto ako iihi!!” Sabi ko aktong aalisin ko na yung lock ng belt ko. Meheheh

“Aish!! Halika nga dito! Napaka-prostitute mo talaga!” sabi nya at kinaladkad na ko papasok ng bahay nila.. Wieeee

Dun kami sa backdoor dumaan.

Tinulak nya ko dun sa CR.. Wow, nakaka-inlove yung pag-kagentleman nyaa  -____-

“Oh ayan, pina-ihi na kita dito samin ah! Bilisan mo!” Sabi nya..

Nakatingin lang ako sa kanya..

“Oh, bat di ka pa naihi?” tanong nya, tinaasan ko naman sya ng kilay..

“Pano ko iihi kung naka-bantay ka dyan sa pinto?! Kahit kelan talaga ang manyak mo..” sabi ko at namula naman sya.. Haaaaay

“Tss. Prostitute.” Bulong lang nya at umalis na..

AFTER !@#$@#$%^& years.. Tapos na ko umihe ^_____^

“Tara na. Tagal mo umihi.” Sabi nya..

“Wait lang, pwede painom? Last na talaga pleaseeee.” Sabi ko with matching puppy eyes mehehe.

“Aish. Bat di ka pa uminom sa banyo?” Bulong nya..

“ANO!?” Sabi ko..

“Wala sabi ko, napaka-oportunista mo.” Sabi nya at pumunta kami sa dining room

“Wait lang.. May tao!” sabi ko at tumigil sa pag-lalakad..

“Bakit hindi ka ba tao?!” Pagpipilosopo nya..

“Tss.” Sabi ko nalang..

Dumiretso naman sya sa ref at binuksan ito..

Sumunod naman ako..

Agad kong kinuha yung pitsel ng tubig, wala nang baso-baso to. XD

“Oh, there goes! Carl pala! He’s my son.” Sabi nung isang nag-salita wala akong paki-alam sa mga nag-sasalita basta  naiinom ako tapos..

“Hi.” Sabi lang ni Nyll

“Sad to say, Mare. May girlfriend na sya..” Sabi ulit nung nag-salita kanina..

Salita pa ulit sila usap usap.. Eto namang si Nyll ayon andito sa tabi ko, nakain ng cookies. Tss, takaw talaga..

“Oh, Si Sabrina din may boyfriend na..” Familiar..

Wait..

Wait…

“MOMMY?!” napasigaw ako at halos maibuga ko na yung tubig na ansa bibig ko.. Pano si mommy nan-dito what a coincidence diba?

Halos mailuwa ko talaga lahat ng tubig na nasa loob ng bunganga ko.. Eto naming si Nyll,

Wait!! Si Nyll!! Nabibilaukan sa cookies!! Waaaaa..

Tubig! Tubig!!

“Ahooo. Ahoo.. *Choke* Choke*”

Waaaaa. Baka mamatay to sa cookies..

Yung hawak kong pitsel ng tubig binuhos ko sa mukha nya..

*Splaaaaaaaaash*

Ayun, sa wakas, nahimasmasan naman sya. Haaayy.

Napasandal agad sya sa ref..

“Thankk you..” Sabi nya at nag-habol ng hininga..

Napatingin naman kaming dalawa ni Nyll, dun sa mga nasa dining table..

Lahat sila, tulala at natahimik..

At biglang..

“HAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA.” Sabay sabay sila nag-tawanan..

“I think we should schedule the wedding this week. Mare.” Sabin i Mommy….

A/N: Waaaaa. Magiging busy po ako, nag-hahabol ako ng lessons dahil ilang araw kami walang pasok, pero I’ll make it up to all of you po!! Thankkkk you!! God Bless =)))) ~BabyBlueeeer ♥

Ang Lovelife kong Scripted ♥ |On-Going|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon