Script Fourteen ♥

463 10 2
                                    

“San daw ba tayo pupunta?” iritang sabi ko.. Aba, etong si Nyll, i-nexcuse ako sa klase ko, para lang sabihing may pupuntahan kaming ‘mahalagang importante’ agad naman akong pinalabas ng teacher ko, at wag ko daw paghintayin su Nyll. Aba, may gusto pa ata.

“May surprise nga ako! Ah! Hindi pala! Surprise pala yun nila mommy, para satin. Pero, surprise ko din sayo!? Ha? Gets mo ba yung sinabi ko? Kase ako hindi ko gets eh. Ah, basta. Tara na.”

 hinigit naman agad nya yung kamay ko, at pumasok na kame sa kotse nya. Syempre, may driver kame hahaahha

Kinindatan lang nya yung driver at umandar na ang kotse

“Nyll, maawa’t mahabag ka na… sabihin mo na sakin kung san mo ko dadalin.. :3” sabi ko..

Ginawa ko na lahat ng pagpapacute, para lang sabihin nya sakin.. Pero di nya ako pinapansin at tahimik lang siya.

Natahimik na lang ako at pinagmasdan ang mga pangyayari sa kalsada habang umaandar ang kotse namin.

Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko.. Sino pa ba?

“Wag ka ngang mag-inarte dyan, naka-pout ka pa. Mag-hintay ka lang kase.” Sabi nya at hinigpitan yung hawak sa kamay ko..

Dugdugdugdug

Inalis ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya, ayan na naman kase yung puso ko..

Nginitian ko nalang sya, at tumingin nalang ulit sa labas ng kotse..

“Wooooooooow! Nyll! Ang ganda nung bahay!” sabi ko, at hinabol ko talaga ng tingin yung bahay..

“KUYA! LAGPAS NA TAYO!” sigaw ni Nyll, nagulat ako ng biglang nag-atras yung kotse.. Papalapit ng papalapit dun sa magandang bahay..

Bumababa naman agad ako at kinuha yung cellphone ko..

Inabot ko ito kay Nyll.. “Nyll! Papicture dali!” *u*

“Tss. Ano ba yan, baby prostitute.” Hindi nya kinuha yung cellphone ko at nilagpasan lang ako..

Nilingon ko naman sya at parang may kinakalikot sya dun sa gate nung bahay..

“Uy! Nyll! Alam kong naghihirap ka na dahil sakin. Pero wag mo namang gawin to o.” sabi ko lang, mukha kase syang magnanakaw e.

“Tsss.” Inirapan nya lang ako.. At sumigaw.. “Kuya! Papicture nga kame!” kinuha naman ni Kuya yung dslr..

Inilapit ako ni Nyll sa kanya at humarap kami sa Camera..

“Smile ka baby prostitute, first day natin to sa BAHAY NATIN.” O____O

Kasabay nang pag-click sa camera ay kasabay din ng pagbukas sa gate nung bahay

Ang Lovelife kong Scripted ♥ |On-Going|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon