Simula nung nagbreak sila nung Boyfriend niya na yun. Ginanahan nanaman akong mahalin siya. Gustong-gusto ko talaga siya! PROMISE!
Tapos nag ka-boyfriend na naman siya! Pero hindi ko siya niligawan. Pinalagpas ko muna yun.
"sige lang! mag-boyfriend ka lang. ako ang huli mo!" sabe ko sa sarili ko.
Hindi din sila nagtagal nun, Ewan ko lang kung sino sa kanila ang nakipagbreak. Kawawa talaga si Kate. Lagi na lang siyang nasasaktan. :(
"sana kase ako na lang ang pinili niya. sana hindi na siya nasasaktan. sana hindi siya umiiyak. :( " sabi ko sa sarili ko.
Oo nga. Bat kase hindi na lang ako. Seryoso naman ako sa kanya. Kapag minahal niya ako. Hindi ko siya sasaktan kase pakiramdam ko kapag minahal niya ako. Siya na talaga. Matagal na pumapasok sa isip ko yan na kapag minahal niya ako. Hinding-hindi ko na talga siya iiwan. Gagawin ko lahta wag lang siyan mawala sa akin. At kapag may nagtangka pang agawin siya! Magtatanggal ako ng salamin para sa kanya! :))
Iba kasi si Kate sa ibang babaeng nakilala ko. Mabaet siya, maganda, cute, mataba pisngi, at ewan. At take note! nung mga tiome na yun. Nagtino na ako. Bigla na lang nawala ang computer games sa katawan ko. nang dahil sa kanya kase yung ipang lalaro ko. Ipangtetext ko na lang sakanya. :))
Ganyan ko siya kamahal. Kung pede nga lang. Pati yung baon ko. Ipangload ko na din eh. Tska nung mga time na yun. Ako ang sponsor niya ng load. :D Basta siya lang talaga! Minsan nga nasabihan ko siyang maarte nung First year pa kami. Tas ang reply niya sa akin.
"sa lahat ng nanligaw sa akin. ikaw lang ang nagsabing maarte ako."
at bute na lang hindi siya nagalit. Nagulat talaga ako sa reply niya na yun. AKO lang talaga?? O baka natatakot yung mga manliligaw niya?? :DD
Pero diba ang kaartehan, hindi nawawala sa katauhan, mapa babae man o lalaki??
Then when we're third year.
Nawala yung pagmamahal ko sakanya. Naging friends kami. Nagka-boyfriend siya ng dalawa na NILOKO LANG ULIT SIYA!! At nagka-girlfriend din ako na NILOKO LANG DIN AKO!!
Meant to be talaga! Parehas kami ng Kalagayan nung Third Year. Ang pinaka masya l;ang na part ng third year ko with Kate is the JS Prom! Sinayaw ko siya! Ang GANDA NIYA! PROMISE! Kung kayo man makita siya eh. Ganda talaga! :))
Pero nung time na yun may boyfriend siya. Pero okay lang. Friends naman kami. ::)
ILOVEYOU Kate. :D
