May classmate ako, Joseph ang pangalan. May Girlfriend siya sa Garnet nun. So yung Girlfriend niya may Bestfriend.Loiuse ang pangalan. That time,sila pa nung varsity player na yun.
Ang ginawa ko. Niligawan ko si Loiuse. Naging kami. Kaya ko siya niligawan. Para MAKALIMUTAN si Kate. Pero walang nangyari. Nag-break din kami after one month at exactly 17. Na monthsary namin. Nanaig pa din yung nararamdaman ko kay Kate kase sobrang mahal ko talga siya. :((
Kahit na nasaktan ko si Louise, Naging masaya siya saken at naging masaya naman ako sakanya kahit papano.
Lumipas din ang mga araw na malungkot ako dahil sa kanya. Sobrang sakit pala mag-mahal. Kaya dapat kapag mag-mamahal ka. Kailangan handa kang masaktan.
So natuto na ako nun. Ang LOVE, isasakripisyo mo ang lahat para maipakita mo sa kanya na talagang mahal mo siya. Kahit na masaktan ka nang ilang beses. Hindi ka dapat sumusuko hanggat alam mong may pag-asa pa. Ang LOVE, hindi isang laro. Kailangan mo itong ingatan, palaguin, at pag-yamanin dahil once na mag-mahalan kayo ng taong mahal mo. I-ttreasure mo lahat ng mga memories niyo, its either good or bad. Kase ever single time na magkasama kayo. Hindi niyo na kayang ibalik yan dahil nangyari na pero kung maibabalik niyo. Kailangan niyo nang oras at panahon. Lalu na kapag wala na kayo. Masakit pero kailangan tanggapin ang FACT na WALA NA TALAGA KAYO. :(
Kaya simula nung nasaktan ako nung sila nung varsity player na yun. Mas naging matapang ako sa mga susunod na mangyayari.
"I can still stand by my own!" sabi ko sa sarili ko.
Kahit na anong pilit ko kay Kate na ligawan ko siya. Ayaw nya talaga. Ayaw niya sa akin. Di daw kami bagay. Di daw kami tatagal. Pano niya nalaman na hindi kami magtatagal kung hindi namain susubukan diba? Kaso wala eh. Ayaw niya talaga. -_________-
Nag ka-boyfriend na naman siya. Isang varsity din. Kaso badminton. Mahilig talaga siya sa mahilig sa mga sports. So ako naman. Si iyak na naman. Hay. That time na sila. May nakilala akong isang flutista. Mabait, magalang. Cute ^^, :))
Niligawan ko at naging kami. Pero hindi rin nag-tagal kase may time limit ang pagiging kami. Sinagot niya ako ng monday. Tapos gusto niya saturday, Break na kami kase hindi daw siya sanay ng matagalan. Pero Ako ang first Boyfriend niya. :)) At ngayon. Yung flutista na yun ay kabanda ko na sa Banda 31. :))
Then, Si Kate pa din ang nasa isip ko. Hindi siya maalis. Ewan ko ba kung bakit. Kung meron siya na hindi ko alam basta ang alam ko nung oras na yun, MAHAL KO SIYA AT MAGHIHINTAY AKO SA RIGHT TIME NA MAGING KAMI !! :)
