Love at First Sight. Ch.4

47 0 0
                                    

Hindi pala maganda ang masaktan. :(

Nakakapanlumo!

Dumating yung time na parang nawalan ako nang gana. Pero sabi ko sa sarili ko,

"Ayoko sumuko! Hindi ako mahina, Pagsubok lang to sa akin!"

Kase ang pagtingin ko sa Love, Masaya, Puno ng ligaya kase nagmamahalan kayo. Pero mali pala.

Lalu na nung nagkaroon ng boyfriend si Kate, na classmate niya. Dun ako sobrang nasaktan! Angtagal nila. Humigit kumulang 7 months ata. Hay.

Ako nag-girlfriend pa nang tatlo bago matapos ang school year. Pero every time na nakikita ko siya at nakakatext ko siya. Siya ang laging pumapasok sa isip ko. Lagi ko siyang inaalala. Hindi padin ako timigil sa pagmamahal kay Kate. Ganto kase ako magmahal, Hindi kaagad sumusuko. Hindi ako tulad nung ibang lalaki na kapag sinabihan lang na hindi tayo bagay, iisipin nila Basted na sila. Tska ang Love. Hinihintay yan! Hindi minamadali, hintayin mong dumating ang right time para sainyo.

Second Year na kami, Sila pa din nung Classmate niya nung First Year. Inisip ko na wala na akong pag-asa kase seryoso sila sa isa't isa. So ang sabi ko sa sarili ko,

"kapag may dumating na babae ngayong second year. Seseryosohin ko na talaga to kahit anong mangyari. Pipilitin kong kalimutan si Kate sa piling nung babaeng dadating!"

May nakilala akong friend ng classmate ko. Mabaet, maganda, matangkad. Halos nung time na yun. Parang sobrang gaan ng pakiramdam ko, yung tipong parang wala lang yung sakit na ibinigay ni Kate sa akin. Pero nung nasaktan ako at ilang beses na binasted niya. Hindi ako nagsisi. Kase naging masaya ako sa piling ni Kate nun. At ako ang may kasalanan kung bakit ako naskatan ng sobra.

Naging kami nung babaeng yun. Pero hindi rin kami nagtagal. Niloko ako. Hay. T.T

Iniyakan ko xa. Hm. After nung. Buong Second Year ko. SINGLE AKO! Hay. Sarap!

Tas nung field trip namin. Magka-holding hands sila nung Boyfriend niya. Hindi ko lang pinahalata na nasaktan ako. Nakangiti pa si Kate sken habang hawak niya yung kamay nung lalaking yun. :(

Masakit talaga! Ikaw na nga yung nagmahal. Ikaw pa yung nasaktan!

Naalala ko pa nung binigyan ko siya ng Tobleron. Pinaabot ko pa sa kaibigan niya. Masaya siya nun kase may chocolate siya. Kapag nakikita ko siya na masaya. Masaya din ako. Lahat nnang sakit, napapawi kapag nakikita mong masaya ang mahal mo. Kayo din ba? :)) 

Then. Nagbreak sila nung boyfriend niya! Guess what?? Pinaiyak lang siya! Sinaktan siya! Nakita ko pa nun yung mata niya habang naglalaro ng badminton, maga. :((

Hindi ko kayang gawin yun sa kanya ah. Hindi ko kayang magpaiyak ng babae. :(

Walang modo yung boyfriend niya na yun. Kinomfort ko siya nun kase ang tagal-tagal nila tas iiwan lang siya. Kawawa naman si Kate. :'( 

May pagkakataon pa nga talaga na na-inlove ako sa isang taga-ECS. Na LOVE AT FIRST SIGHT din ako. 

May kapitbahay kase ako na classmate nung tga ECS na yun. First Year lang xa. Second year ako nun. Si Kate pa at nung Boyfriend niya. Nakilala ko si Rose nang dahil sa Kapitbahay ko. Maganda, Sexy, Hot!, Maputi, Matangkad, Model. Halos yung pagmamahal ko kay Kate. Tulad na tulad din nang kay Rose. Masay kami nun. SOBRA! Kaso naging boyfriend nang classmate ko yung kapatid ni Rose. Eh ayaw pala nang kuya niya nag-boboyfriend si Rose. So, Tumigil muna ako sa panliligaw kay Rose kase ayaw ko nang away.

Then, Mga one week ago, Nalaman ko na nililigawan na nag close friend ko na si Luigi si Rose. Biruin mo, Close Friend ko?? Nililigawan ang mahal ko?? Gara dibuuhh!! -_________-

Yun pala nilalakad nung classmate ko na boyfriend nung kapatid ni Rose dun kay Luigi. :((

So pinagtanggol at pinaglaban ko yung nararamdaman ko kay Rose, niligawan ko ulit siya. Una kaming nagkita sa Patio, after ng NAT ata or RAT nung second year.

Ang ganda niya promise. Kung nakikita niyo yung tarpaulin dito sa Sta. Maria, Bulacan ng ECS, yung nagbibigay ng pagkaen sa isang lalaking nakasuot ng puti na nasa tarpaulin. SIYA YUNG BABAENG YUN! :))

Minahal niya ako. Sobrang mahal ko siya.

Then, March 18, 2010

Finals nila sa school, kumain kami sa MCDO kasama si Rose at dalawang Bestfriend niya!

Ang kasama ko naman, Si Luigi at isa kong kaibigan.

"Nash! Pustahan tayo oh!" sabi ni Lugi

Sige, Ano yun??"

"Kapag sinagot ako ni Rose, uuwi kayo. Pero kapag hindi ako sinagot, Ako ang uuwi." sabi ni Luigi

"DEAL!" sabi ko.

So. Eto na. Kaharap ko si Rose, katabi niya si Luigi..

 "Rose, pede bang maging tayo??"  sabi ni Luigi

"Ahh, Ehh. Pede M.U muna tayo? Kase madaming nagkaka-gusto sayo sa School niyo. So Hindi ko alam ang nangyayari sa school niyo kapag wala ako." sabi ni Rose

Tapos humarap sa sakin si Rose.

"Nash, MAHAL KO SI LUIGI!"  sabi ni Rose.

Ngumiti lang ako, at hinawakan niya ang kamay ko. Ang lamig ng kamay niya. :( T.T

Hindi ko pinakiya kay Rose na nasaktan ako nang sobra sa ginawa niya. Ang pumasok lang sa isip ko nun. . .

"Bakit hindi ako ang pinili niya? :(((" 

Tas umalis na kami nung kaibigan ko kase yun yung DEAL namin ni Luigi.

ANG SAKIT TALAGA MAGMAHAL!!!!!!

Pagdating sa school. .  .

Umupo ako may bench sa may Elem. At dun ako umiyak at humagulgol sa iyak!

Ang sakit talaga! Humarap sayo yung Mahal mo tas sinabing mahal ko ang kaibigan mo! SAKIT Diba? T.T

Hanggang bahay, hindi ko mapigilan na umiyak. Pilit siyang nag-sosorry sa akin. Pero hinid ko alam kung dapat ko bang tanggapin. Akala ko nga hindi ako nagkamali na mahalin siya. Mali pala talaga. :((

Iniwanan niya lang ako ng isang sulat-kamay galing sa kanya.

Hello,

Heart ko, sorry po sa mga problems na ibinigay ko sainyo ni Dave, sana kahit nasasktan ko kayo, hindi parin magbago ang pagtingin niyo sa akin, True friend niyo naman ako eh. Mag-iingat ka lagi kayo. Lalu na ikaw.

Hindi ko ko inakala na sobra kang magiging pursigido sa panliligaw sa akin, basta you're always making me so special everytime we're together. Masaya ako kapag katext kita, kausap, kasama at kakulitan.

Ingat ka kagi.

Salamat sa Lahat.

Sorry na din.

ILOVEYOU HEART KO!. :**

Rac*** An**

HEART KO_13.♥

Yan! Actually, naka-laminate yang sulat niya na yan. Andito sa kwarto ko. 

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon