Chapter 2 - Flight ~

388 5 0
                                    

(CELINE'S POV)

Ngayon ang araw ng flight ni Gelo.  Yung feeling na ayoko ng pumunta. Eh! Pupunta ako! 

Ano bayan. naiiyak tuloy ako. 

"Mama, pupunta lang po ako kanila Gelo. Aalis na po kasi siya. Pupunta na siyang America."

"Ay ganun ba? Ocge, pumunta ka na bilisan mo baka umalis na sila."

Ang bagal ko maglakad papunta sa kanila. Kinakabahan ako sa sasabihin ko sa kanya. Paano pala kung mahal niya rin ako no? Yun pala, bilang KAIBIGAN.

Ding Dong!

Pinagbuksan ako ng pinto ng mommy niya. 

"Celine, nandito ka na pala. Buti nakahabol ka papunta na kasi kami ng airport in less than 5 minutes. Alam mo naman kasi baka ma-late sa flight."

"Ahhh. Hehehe. Si Gelo po?"

"Nasa kwarto niya. Puntahan mo na lang :)"

Pumunta ako sa kwarto niya. Bago ako kumatok huminga ako ng malalim. Pinipigilan kong umiyak at ngumiti ako.

Tok tok! Tok! Tok!

"Bespreeeen!"

"Celine! Buti pumunta ka! Oh? Parang ansaya saya mo na? Natutuwa ka kasi wala ng mangungulit at mang-aasar sayo no?"

"Baliw. Mamimiss nga kita eh. May gusto pala ako sabihin sayo... Gelo, alam mo..."

"Gelooooooooo! Bumaba ka na dito. Aalis na tayo. Bilisan mo!"

"Celine tara na baba na tayo. Aalis na kami. Sa baba mo na lang sabihin ha?"

Hinila niya na naman kamay ko. Tas hinawakan niya habang pababa kami. Holding Hands :">

Nung nasa living room na kami. Halos lahat sila nakatingin sakin. :O

"Ano yung sasabihin mo Celine?"

"Ano.. Ba-bye! Mamimiss kita bespren! Yun lang."

Yung feeling na bigla akong nanghina. Prepared na ako sabihin sa kanya eh. Kaso bakit pa kasi sa harap ng family niya. Hindi pa ako prepared na sabihin sa family niya. Sa kanya, OO. Okay na sana kanina eh. Sasabihin ko na kaso bigla siyang tinawag. -__________-

Tiningnan ko na lang umalis yung kotse nila. Naluluha ako. Habang palayo yung kotse nila, sumisigaw ako.

"GELO, GUSTO KITA! ALAM MO BA YUN? GUSTO KITAAAAAAA!"

Buti na lang walang nakarinig. Siguro? Pagkatapos nun, umuwi na lang ako. 

(GELO'S POV)

Ngayon, pupunta na kaming America.  Mapapalayo na ako sa bestfriend kong makulit. Mamimiss ko si Celine! Oo, internet na lang ang connection namin. Pero babalik ako. Sana ganun pa din kami ka-close. Wag niya ako ipagpalit sa iba niyang best friends. 

May gusto sana akong ibigay kanina kay Celine kaso nahiya ako. Hindi ko alam kung bakit. Necklace sana siya. Bagay sa kanya yun. 

"Nak, ayos ka lang ba?"

"Opo ma."

"Nabigay mo ba yung necklace sa bestfriend mo?"

"Hindi nga po eh. Nahiya po kasi ako."

"Bakit naman? Ikaw ha."

"Ma naman. Bespren ko lang siya. Hanggang dun lang po yun."

"Hanggang dun lang ba talaga?"

Ha? Ang gulo ni mama. Oo, hanggang bespren ko lang si Celine. Atsaka yung necklace na dapat ibibigay ko kanina, sa birthday niya nalang ibibigay ko. Nakabalik na kaya ako sa birthday niya?

(CELINE'S POV)

"Wala na. Wala na ma. Wala na yung bestfriend ko simula pagkabata."

"Anak, ganito na lang. Punta tayo sa beach. Para makapagbonding naman tayo. Atsaka para di ka ma-bored dito sa bahay lalo na't wala ka nang kalaro."

Kalaro talaga eh? HAHAHA. Excited na ako pumuntang beach <3

Sana kasama ko si espren. Huuuy! Celine! Wala na espren mo! Hindi na ako malulungkot. Pupunta kaming beach eh. Smile Smile Smile.

Dahil sa sobrang excited ko mag-beach, bukas na kami pupunta dun. #AgadAgad

Ayeah, getting my things ready. 

------------

Maaga ako nagising. Excited eh. Sa oras na yun, nakalimutan ko si espren. Nagpakahappy ako ngayong summer. First summer na wala si espren. Eh kasi aalis alis pa siya. 

"Celine! Handa ka na ba? Aalis na tayo. Be sure na wala kang nakalimutan ha?"

"Opo ma!"

Nilagay ko na lahat ng gamit ko sa kotse. Grabe parang dinala ko na lahat ng gamit ko HAHAHAHA. Syempre picture picture muna bago umalis. Souvenir na din to. HAHAHA.

True Meaning of summer here I come! ~

My Summer Love Story ♥ (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon