Chapter 21"That Stupid KISS!!"

533 16 0
                                    

-Ynah’s POV-

                Ang boring naman ditto sa condo, lahat na nagawa ko, mula sa paglalaro ng video games hanggang sa paglalab ng mga damit ko. Naku naman!! Pero di ko mapigilang mapangiti, yesterday was a dream come true and today, I don’t know, Im just waiting for his surprise!! Miss ko na si Rey kahit kahapon pa kami nagkita. Mabisita nga sya sa set.

                Papunta ako ngayon sa dressing room #1, sabi kasi nila andun si Rey. Dali-dali akong pumunta, eh kayo ba naman eh, miss nyo ang isang tao hindi k aba magmamadali?? Hehehe. Gugulatin ko sana sya pero nang binuksan ko ang pinto, ako ata ang nagulat.Shocks!! Rey and Kathrine are kissing!! Tumulo ng tumulo ang mga luha ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya tumakbo ako papalayo sa lugar na yun. Ang sama-sama mo Rey, pinaniwala mo ako na mahal mo ako, yun pala hindi!!

                May tumawag sakin pero di ko na nakita kung sino, basta ako, takbo na lang ako ng takbo hanggang makalayo sa lugar nayun.

-Rey’s POV-

                Maaga akong nagising, para ngang di ako makatulog eh. Sino ba namang makakatulog eh nalaman kong mahal rin pala ako ni Ynah. Parang may fireworks sa puso ko eh. HAHAHA!!!

Kathrine: Hi Rey, ahm thank you pala sa pagpasan mo sakin kahapon ha, nung natapilok ako.

Rey: Ahh ganun ba?? Okay lang yun kaibigan naman kita eh.

Kathrine: Pero alam mong hindi ganyan ang pagtingin ko sayo di ba??

Rey: Pasensya na talaga Kath, pero hanggang dun na lang talaga ang ma-iaalok ko sayo eh.

Kath: Pero hindi pa naman huli ang lahat Rey dba?? Sabihin mo naman oh na hindi pa huli ang lahat.

Rey:  Sorry Kath but I already found my love. Sad to say hindi yun ikaw.

*tsup*

                Nagulat ako sa ginawa nya,halikan ba ako. Dahil sa pagkagulat ko, hindi ako makagalaw, kahit pilit kong igalaw ang mga kamay ko, hindi ko magalaw. Rey bitaW!!! Bitaw na Rey ano ba!!!

Babae: Ynah!! Anong nangyari sayo??

                Ano?? Andito si Ynah!!! Nakita nya ang pangyayari. Gago mo talag Rey!! Ang gago-gao mo!!

-Ynah’s POV-

                Takbo ako ng takbo papalayo sa lugar na yun nang may biglang humatak sakin at yumakap.

Sam: Ynah, hindi na ako magtatanong kung bakit ka umiiyak, ibuhos mo lang lahat yan. Handa ako na maging sandalan mo.

                Tinignan ko si Sam, may inis pa rin akong nararamdaman pagkaharap ko si Sam, pero sa time na yun, di ko mapigilang yumakap ng mahigpit sa kanya. Kalilimutan ko na muna ang pagka-inis ko sa kanya, hahayaan ko na munang maging sandalan ko sya kahit ngayon lang.

-Rey’s POV-

                Gago mo talaga Rey!! Bat mo hinayaan na halikan ka ni Kath, ang masama pa nun, bat mo hinayaan na makita yun ni Ynah. NAKU NAMAN!!!!!San ka na ba Ynah?? Wag mo sanang hayaan na malison ang utak mo base sa mga nakita mo. Please Ynah!!

"My Best Frienemy is My Lover"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon