AUtHORS >> shocks !!!:::...sensia na kayo dun sa part four medyo short update lang nagloko kasi cp ko eh hindi na save lahat ..
------------------------------------------*****************************
'' yaya chill lang kayo pwede ? Easy lang ! Bawas bawasan din kasi ang pagkakape tignan nyo nagiging nerbyosa na kayo .. Tumingin kayo sa gilid nyo '' tumingin naman siya '' yan yun narinig nyo '' dugtong ko pa ..
'' jusmiyong bata ka .. Anung nangyari sa gamit mo ? Kamahal ining ! Anung nangyari ?..'' nanghihinayang na tanung ni yaya sakin
''aksidente ko lang pong naibato .. Linisin niyo na lang yan ..''
'' anung klaseng dahilan yan iha ? Hindi ka man lang ba nanghihinayang d-----''
'' yaya nagugutom na ko , nakahanda na ba ang hapunan ko ? '' pagpuputol ko pa sa ibang sasabihin ni yaya tessa alam ko namang hahaba at hahaba lang ang usapan naming to '
tsaka anu bang pinagsasabi niyang nanghihinayang ?
Kelan man hindi ako manghihinayang sa mga nasira o sinira kong gamit .. Napakamahal man nito .. Hinding hindi ..
Kaya nga sila nagtatrabaho diba ? Para maibigay nila ang mga luho namin ni kuya joshua ..
Kaya anu baang dapat kong panghinayangan ? Eh kaya naman nilang ibigay ang lahat di ba ?
Tsaka isa pa nagugutom na rin naman ako ..
Siya nga pala si yaya tessa 45 year old .. Siya ang nag aruga at nagpalaki sakin simula ng isilang ako ng magaling kong ina ..
Tama kayo lumaki kami ni kuya joshua sa pangangalaga ng aming mga yaya .. Si yaya tina ang nag aalaga noon kay kuya joshua magpa hanggang ngayon ito pa rin ang kasa kasama niya don sa tinitirahan niyang mansyon ..
Samantalang ako naman ay si yaya tessa .. Nasabi ko na ba sa inyong hindi kami magkasama ng kuya ko sa iisang bahay ? ? Magkabukod kasi kami ng tinitirahan ..
Walang ibang iniintindi ang mga magulang namin kundi ang mga business na pag mamay ari namin dito sa pilipinas at sa labas ng bansa ..
Kaya simula ng mag aral ako nang elementary bihira ko lang silang makasama .. Kasi nga busy sila diba ?? Aanhin naman namin ang san damakmak na pera at sang dosenang kabahayan at kalupaan kung hindi man lang nila kami mapag tutuunan ng pansin kainis di ba ??
Buti pa yung mga mahihirap dyan
kahit halos wala na silang makain .. Busog naman sila sa pagmamahal ng isang magulang ..
'kamusta na kaya si kuya ? Namimis ko na kasi siya ..
Nandito ako ngayon sa kitchen .. At kumakain ng nag iisa .. Ganito naman palagi eh ..
BINABASA MO ANG
LET'S PLAY THE GAME OF LOVE (oNhOLd)
Teen FictionKwento ito ng isang dalaga na wala ng ibang ginawa sa buhay kung di ang mam bully at mag api sa pinapasukan nitong unibersidad !!