Nandito Ako Pero Tama Na

22 2 28
                                    

Nandito ako at marahang pinatatahan ka noong panahong pinagtatabuyan ka niya.
Kitang kita ko sa iyong mga mata ang walang tigil na paglandas ng iyong luha.

Nandito ako noong panahon iwanan ka niya ng tuluyan.
Kitang kita ko ang paghihirap na iyong dinanas mula ng ika'y kaniyang lisanin.

Nandito ako noong panahong gusto mo makalimot. Limot sa mga bagay na ayaw mo ng maalala pa.

Tanda mo pa ba?
Tila nakalimutan mo na ako. Nakalimutan mo na lahat.
Lahat mula ng bumalik siya.

Noong ako'y pinagtabuyan mo habang hawak ang kamay niya.

Noong gabing tuluyan mo na akong iwan at tinapos ang lahat sa atin.

Noong gusto ko ng makalimot pero nand'yan ka at bigla na lang nagparamdam.

Nakakatanga ba dahil muli ay tinanggap ka?
Mahal lang talaga kita.
Mahal lang kita.
Mahal lang kita kaya nagagawa kong magpakatanga.

Minsan, isang gabi tinanong kita "Mahal mo ba ako?"
Hindi ka man sumagot ay alam ko na.

Mahal mo lang ako 'pag wala siya.
Mahal mo lang ako sa oras na iwan ka niya.

Mahal, Paano naman ako?
Hindi ako isang bagay ma maaari mong iwanan at babalikan sa oras na gustuhin mo.

Mahal, natatakot ka ba na sa oras na iwanan ka niya muli ay wala ng tatanggap sa'yo?
Kaya heto ka't ako'y takbuhan mo dahil alam mong hindi ko magawang iwan ka tulad niya.

Mahal, h'wag kang madaya. Pakawalan mo na ako mula sa bisig ng iyong sakit sapagkat sa mga oras na ito ay pinalalaya na kita.

Pinalalaya ko na ang nararamdaman ko para sa'yo.

Nandito ako pero tama na. Pagod at ubos na ako.

Mga Salitang Mahirap Sabihin Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon