Walang tigil sa pagtakbo.
Hindi iniinda ang sakit sa ating yapak.
Malayo na rin ang ating nalalakbay.Ginoo, maari ba na ako'y hintayin?
Kahit anong bilis kong paghabol sa'yo 'di ko magawang ika'y abutan.Habang ika'y hinahabol ko ay siya ring paghabol mo sa kaniya samantalang iba rin ang hinahabol niya.
'Di ka ba napapagod?
Ako'y naririto isang lingon mo lang tiyak walang pag-aalinlangan na ikaw ay tanggapin.Handa akong kalimutan ang lahat.
Mag-umpisa muli tayo sa simula.
Walang isang siya kundi isang ako at ikaw lamang.Kakalimutan ko ang isang siya na laman ng iyong isip.
Kakalimutan ko ang isang siya na sa bawat panaginip mo ay parte siya nito.
Kakalimutan ko ang isang siya na sa bawat halik mo ay mukha niya ang nakikita mo at hindi bilang ako.
Kakalimutan ko ang isang siya na labis mong minamahal.
Kakalimutan ko ang isang siya
Sana'y ikaw rin.
Mag-umpisa muli tayo sa umpisa.
'Yung ikaw at ako naman.Hindi ba't sinabi ko na kakalimutan ko ang isang siya pero hindi ko magawa, Ginoo.
Kung sa lahat ng panahong tayo'y magkasama pangalan niya ang binibigkas mo imbes na sa akin.
Ginoo, Paano ako makakalimot?
Nasasaktan at nasasaktan at patuloy akong nasasaktan.
Sa katotohanan ilang libong milya man ang aking takbuhin.
Kahit gaano pa ako kabilis kailan man hindi kita magawang abutan.