CHAPTER 7

779 28 0
                                    

Tahimik silang lahat sa silid habang naghihintay sa pagdating ng oras kung kailan aakyat si Melanie para tawagin sila sa hapunan. Pakiramdam ni josh ay para silang mga baboy na naghihintay na lamang nang ilang sandali patungo sa katayan. Wala silang katiyakan kung mabubuhay pa sila kinabukasan.

     Sumagi sa isip niya si joyce, ang magandang mukha nito noong gabing huli silang nagkita.sumagi din sa isip niya ang mukha ng kanyang magulang…mga masasayang alala noong kabataan niya, at mga mukha ng mga taong kilala niya.he was smiling and crying at the same time,watching his whole life flash in front of his eyes, “I don’t want to die…not like this… naibigkas niya sa sarili.

     “I’m sorry,pare,” wika ni greg. “Hindi ko inisip na ganito ang kahahantungan ng lahat…”        mabilis na pinahiran ang kanyang mga mata. “nobody wished this to happen. Hindi ko kailangan ng sorry ninyo ngayon. Ang kailangan ko’y buhay tayong makaalis dito.”

      Umakbay sa kanilang dalawa si mark. “parang mga kapatid ko na kayo.at gusto ko lang sabihin sa inyo na mahal ko kayo.

“huWag kang magsalita ng ganyan na para kang nagpapaalam na,” mariing sabi ni greg.   “lalaban tayo,” matapang na sabi ni josh. “if they want a piece of us, then it’s going to be one hell of a fight.”

      Tumango sila greg. Taran-tadong melani iyon. Noong sinabi niya na gusto ka niyang tikman, sinong mag-iisip na literal iyon?”

     “hey, boys,” tinig ng kumakatok na si melanie. Pare-pareho silang tumayo, si josh ay lumipat sa kama si mark ay sa sahig na kunwari ay nakikinig ng music, si greg ang nagbukas ng pinto na parang walang nangyari parang normal lang ang kilos nila.

     “ oh, hi guys! Ang haba ng itinulog, josh.” Sabi ni anita. “I miss you.”

       “napakamot siya sa batok,umarteng nahihiya.”ang totoo ay iba ang tingin niya dito. Kundi isang halimaw.

    “anyway, dinner is served. Ipinatatawag na kayo sa kabila. At bawal na pinapahintay ang pagkain.”

     “hoy, ano pang hinihintay ninyo?” sigaw ni greg sa dalawa. “nagugutom na ako,” sabi ni greg. Habang hinihimas nito ang kanyang tiyan. ”ano ba ang inihanda ng mama mo, Melanie?” tanong ni mark habang inilalagay ni mark sa leeg ang camcorder.

      “ang espesyal na putahe ni mamang- caldereta,”buong pananabik na sabi ni Melanie.

      Nanginginig ang buong katawan ni josh. Hindi niya makontrol iyon. Ipinatog niya ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang binti para di mahalata.

       Nakaupo sila sa lamesa. Nasa isang helera lang silang magkakaibigan. Sinikap niyang huminga na lamang sa bibig dahil gustong bumaligtad ng sikmura ni josh.sa pagkakaalam kung sino ang sahog niyon.

      Sa kabilang dulo nakaupo ang papang ni Melanie. Si lyn ay nagsasalin ng tubig sa mga baso.

     “teka, nasaan nga pala si carol?” tanong ni mark sa normal na tinig.

      “biglang sumama ang pakiramdam a hindi raw siya makakababa,”sagot agad ni Melanie. Dadalhan ko nalang ng makakain mamaya. “siguro nakasama sa kanya ang pagligo nyo sa bukal kanina,” sabi naman ng papang ni Melanie. “hayaan ninyo’t ipagtitimpla ko siya ng tsanang bumuti ang pakiramdam niya.”

     “tumango na lamang si greg. Mayamaya ay lumabas na ang mamang ni Melanie na dala ang bagong lutong putaheng caldereta.

      “wow,” sambit ni josh. Mukhang masarap. “ito ang binabalikbalikan ng mga kaibigan ni Melanie dito. Sabi ng mamang ni Melanie, habang ibinababa ang ulam sa mesa.

DEADLY END COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon