Kabanata VII

8.7K 170 78
                                    

“Asan ang baby ko?”

Isang paos na tinig ang biglang tumapos sa ingay. Lahat ng tao na naroon sa loob ay napalingon sa kanya. Kay Faith na ngayon ay gising na.

TAKOT ang makikita sa mata ni Faith. Kanina pa sya gising ngunit gusto nyang marinig lahat ng mga rason kung bakit lahat sila ay hindi sya matanggap. Ngunit hindi na importante iyon. Ang mga anak nya ang kailangan nya.

Walang makasagot sa tanong na kanyang binitawan. Lahat sila ay nag-iiwas ng tingin. Dinamba sya ng kaba dahil sa mga reaksyon ng mga ito.

“Asan ang mga anak ko?” Nagmamakaawang sambit nito habang umiiyak. Patuloy nitong tinatanong kung saan ang mga anak ngunit wala syang makuhang sagot.

“ASAN ANG MGA ANAK KO? Sumagot kayo! Dalhin nyo sa akin ang mga anak ko. Nagmamakaawa ako”

Nagwawalang sambit ni Faith. Patuloy na umaagos ang masagang luha nito. Kinuha nya ang dextrose na nakakabit sa kanya kaya tumulo ang masaganang dugo. Agad naman syang nilapitan ng ina ni Tres, at niyakap ng mahigpit. Pero patuloy parin syang nagwala.

“Mama, gusto ko yung mga anak ko. Mama” Tila isa syang batang nagsusumbong ng hinaing sa kanyang ina. Umiiyak na rin ang ina ang kanyang Mama.  Tila nahimasmasan ng kaunti si Faith ng yakapin ito ng mahigpit ng Mama ni Tres.



“Mama, yung mga anak ko. Gusto ko silang makita. Bakit ayaw nyong ipakita sila sa akin? Sila nalang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Walang wala na po ako. Please naman oh. Maawa kayo sa akin. Kailangan ko ang mga anak ko. Ma, ina ka rin naman diba? Ipakita nyo na po sila sa akin. Ma, iwan na ako ng lahat wag lang ang mga anak ko.” Hinahaplos ng Mama nya ang kanyang buhok.

“Oo anak, makikita mo sila mamaya.”

Umiiyak pa rin si Faith. Tila ba ay alam nito na hindi tulad ng kanyang inaasahan ang makikita. Lahat ng tao sa loob ng kwarto ay naaawa sa kanyang sitwasyon.

Nagunit tila ang lahat ng awa nila ay napalitan ng pagkabahala. Bigla nalang kasing tumigil si Faith ng kakaiyak.  Walang emosyon ang makikita sa mukha nito at  hindi na ito nakakapit sa braso ng Mama nya na yumayakap sa kanya. Biglang naging bato ang kanyang pustura ang nakatulala lamang ito.

Dahil sa tagpong iyon ay agad agad ng umaksyon si Deniel at Fourth.Hindi na kailangan ng ibang mga doctor dahil sila mismo ay alam na ang gagawin. Fourth being a Psychologist and Deniel as a Doctor.  Alam nilang posibleng mangyari ang sitwasyong ito. Lalo pa at dumaan ito sa mahabang sakit at depression tapos nangyari pa na namatay ang kanyang anak.

“Fourth? What happened? BAkit sya nagkaganyan?”

Their mother asked Fourth who is still checking Faith. Fourth heavily sighed as he turn around to face his mother.

“Ma,  Faith is suffering a traumatic depression or mental shock. It is a condition arising in response to a terrifying or witnessing a traumatic event that induces a strong within the individual. Based sa case ni Faith, hindi kinaya ng utak nyang tanggapin lahat ng nangyari. We can call it traumatic kasi sa mga pambubugbug ni Kuya Tres sa kanya. And of course dahil sa environment na meron sya.”

“Bakit hindi sya gumagalaw man lang? Nakatulala lang sya Fourth! Bakit ganyan?”

“Ma, Faith is shutting us out in her system. Ayaw nyang tanggapin ang mga nagyayari tulad ng alam nya ang pagkamatay ng mga anak nya. For now, hindi nya alam ang mga nanyayari, parang kinakalimutan nya ang masasakit na mga nangyari. So kailangan natin ang malaking pasensya sa kanya.  I bet, kapag gumaling na sya ay maaalala nya ang mga masasakit na alaala at magwawala na naman sya.”

Umiyak ulit ang kanyang ina na dinamayan naman ng kanyang ama. No one dares to talk. Guilting guilty si Dos sa mga nagyayari dahil alam nyang sya mismo ay may malaking kasalan. Her Kuya Uno is nowhere to be found. Pagkatapos ma explain ni Fourth ang condition ni Faith ay umalis ito.

Biglang bumukas ang ang pintuan, at niluawa ang nurse na hindi malamn ang reaksyon sa mukha. Masaya tapos gulat.

“Dr. Vera Cruz? Yung mga babies po na pina obserbahan nyo sa NICU? Dr. Ventura noticed that one of them is breathing slowly.  One hour observation na po ‘yon.”


Uno is raging with anger. Pagkatapos malaman ang condition ni Faith ay umalis ito agad. Pupuntahan nito ang baliw na kapatid.

Pagkarating nito sa Condo ng kapatid ay hinanap nito sa loob ng condo.

“TRES! Nasaan ka?!” Nakita nya itong umiinom ng alak sa kusina. Tila walang problema at walang mga anak na namatay. Napansin sya nito at pasuray suray itong lumapit sa kanya na may hawak pang bote ng alak.

“Oh? The Great and Mighty Uno Kristoff Dela Mer’ced is in the CONDO! Ano? Patay na ba ang mga pamangkin mo?”

Mapagkutyang sambit nito sabay tawa ng pasakarstiko. Hindi na nakapag pigil Si Uno kaya sinuntok nya ang pagmumukha ng kapatid.  Lahat ng inis, galit at pighati nito ay ibinuhos nya na. Hindi nya na inisip na kapatid nya ang binubugbug.

“Putang-ina mo talagang gago ka! Nagawa mo pang tumawa. OO! Patay na ang mga anak mo! Ano? Masaya ka na ba? Wala ka ng anak.”

Napahinto si Uno sa pagsuntok ng makita nyang umiiyaka ng kapatid. Nagtataka sya kung bakit ito umiiyak. Kanina lamang ay masaya nitong tinatanong kung patay na ba ang mga bata, pero bakit ngayon ay umiiyak ito? Pinunasan ni Tres ang dugo sa labi bago tumingin sa kanyang kuya.

“Patay na? Hindi ko ginusto ang mga nangyari sa bata. Hindi ko pwedeng tanggapin ang mag-iina sa buhay ko! Alam mo ‘yan. Ako na ang gumagawa ng paraan para lumayo sya sa akin!’

Napatawa ng insulto si Uno.

“Seriously? Pinapalayo mo sya sa paraang pananakit sa kanya? Sa pagpapalaglag sa anak mo?! – WALA AKONG ALAM SA PAGPAPALAGLAG!”

Putol nito sa panganay na kapatid. Umiiyak ito ng husto.

“Hindi ako ganun kasama! Gusto kong sya na mismo ang sumuko para layuan nya na ako. Para sa huli ay hindi sya masaktan pa!”

“Gago ka. Ayaw mo syang masaktan pero sinasaktan mo sya. Anong klaseng lalaki ka?”

Umiiling si Tres habang tumatalikod papuntang kwarto. Sinundan sya ng kapatid. Nakita nitong kumuha ng isang gamot. Napabuntong hininga na lamang si Uno. Tanga. Yan ang kapatid nya. Takot itong sumugal kaya pilit na umiiwas na lamang. Umupo si Tres sa sofa habang sya ay nakatayo sa harapan nito.

“Nandun ako sa hospital kanina. Nakita ko ang mga bata. Hindi ako makalapit dahil takot akong sumbatan nilang dalawa na ako ang may dahilan kung bakit sila nagkaganun. Kuya, ang prinsesa ko at prensipe. Nahihiya ako dahil hindi ko sila mapatayuan ng kastelyo kasama ang reyna, dahil hindi pwede.”

Umiiyak na sambit nito. Halos hindi na sya makahinga dahil sa pag-iyak. May mga bagay talagang hindi pwedeng sabihin ang dahilan kung bakit ginagawa ang isang pagkakamali.

“Gusto kong hawakan ang prinsesa ko, pero hindi ko magawa dahil ako ang dahilan kung bakit nagkaganun sya. Putang-ina talaga! Wala akong kwenta.”

Bigla syang tumigil sa pag-iyak matapos ang mga ilang sandali.

“6 months from now, uuwi na si Charlotte. Magiging masaya na ako. Sana”

-Nagmamahal Ulan
Pasensya na sa pangit na update. 😂😂




My Abusive Husband (Bachelor's Series#1)Where stories live. Discover now