Nakilala kita tatlong buwan pa lamang.
Pero bakit pakiramdam ko sayo magaang?Ilang buwang pag-uusap.
Ilang buwang nangangarap.Bakit ba ika'y akin pa ring kinakausap?
Eh di ko naman to pinangarap?Buwan lamang ang nagdaan,
Ngunit pakiramdam ko taon na ang pinagsamahan.Di nagtagal ikaw ay nagtapat.
Hindi man lang iyon pumasok sa aking ulirat.Bakit mo ko nagustuhan?
Gayong di mo naman ako pasok sa krayterya ng iyong matitipuhan.Tinanong kita kung paano.
Di ka sumagot; para kang namaligno.
Bakit hindi ikaw tatanungin?
Gayong baka ako ay iyo lang bibiguin."Basta masaya ako." Iyan ang sabi mo.
Sana yan ay totoo upang hindi ako manlumo.Walang pag-aalinlangan,
Ako'y naliligayahan.Napakilig mo ako, oo.
Iyon ay totoo.Pero ilang beses na sa akin sinabi iyan.
Laos na ang ganyang linyahan.Ipakita mo sa akin na ikaw ay tunay,
Para maramdaman ko na ayaw ko na sa iyo mawalay.Ipakita mo,
Upang matamis na oo ay matamo.