"Sakit ng Pag-ibig"
Ang pag-ibig ay matamis
Kasing dalisay ng batis
Ngunit kapag ito'y labis
Ang dulot nito'y pagtangis
Ang pag-ibig ay mapait
Kahit kayo'y magkadait
Kahit ano pa ang 'yong pilit
Mararamdaman ang sakit
Ang pag-ibig ay kuhila
Ibinigay mo ang tala
Sa kanya'ng buong dakila
Ngunit ka'y nabaliwala
Ang pag-ibig ay madaya
Sinimulan ng masaya
Dulo'y di kaaya-aya
Sayang pag-ibig na taya
Hindi man inaasahan
Hindi man 'to maiwasan
Ni wala mang pakundangab
Bigla lang mararamdaman
--
A/N: #Hugot #WhoGoat #Pag-ibig #SakitNgPagIbig #janearhys
Hashtag vote, hashtag comment, hashtag please wala itong bayad. HASHTAG I LOVE YOU GUYS!
-janearhys (래기)
