Sabi nila...

17 0 0
                                    

Sabi nila kapag sobrang saya,
Kapalit nito ay kalungkutan.
Kaya ayoko na muling lumigaya,
Kasi ako ulit ay masasaktan.

Masama bang magmahal?
Ginawa ko ang lahat,
Pero pinagmukha akong hangal.
Sa kalungkutan ako sinakdal.

Tapos ngayon ay babalik?
O pwede ba? Ika'y magtigil!
Masyado ng mabagsik,
Ang sakit na saki'y kumikitil.

Kaya huwag ka ng mag-isip,
Na ikaw ay bumalik
Dahil hindi ko na malirip
Na ikaw'y matatanghilik.

---

KORNEEEEEWWWW.

Kung Anu-Anong TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon