A Letter to my Son

179 4 0
                                    

Dedicated to Ate Aly. She and ate Denny ang mga paborito ko. Paboritong nag-bibigay inspirasyon sa akin. Nakita ko kasi yung a letter to my son. Gusto kong gumawa nang opposite gender. Hahaha, nawa'y magustuhan mo at nang lahat nang makakabasa. 

We should love our mommies. Dahil kahit anong mangyari, paki tatak sa isipan, na kung wala sila, wala rin tayo sa mundong ito. 

A short story or a one-shot, na magpapaalala sa atin sa ating mga ina.

Brought to you by: Lazy_Shimmer (Char! May pag-plug?)

                                                         A   L E T T E R   T O   M Y   S O N  

 "ANDOY! Gising na, anak!" nagising na si Andrew sa putakte nang bwisit niyang ina. Magigising naman siya. Bakit kailangan pa nitong magsisigaw. Lihim na lang siyang napangiwi. Ano pang saysay nang umaga, kung papatulan niya pa ang panira nang araw niya. Kahit na naiinis ay kumilos na lang siya, kahit labag sa loob nang letse niyang nanay.

"Andoy, naghanda na ako nang tubig, pasensiya ka na kung may tumapon. Muntik na nga akong madulas eh. Hindi ko na kasi masyadong makita." Pahayag pa nang kanyang ina. Hindi naman sa bulag ito, ngunit isa na lang ang mata nito. Ito ang dahilan kung bakit mas gusto pang mamamatay ni Andrew kaysa makasama ang kanyang ina.

Sa tingin niya ito ang malas sa buhay niya. Lalo pang nang maisip niyang, ito rin ang dahilan kung bakit lumalaya ang mga kaklase sa kanya. At kung hindi pa mapigilan minsan, ay kukutyain pa siya. Lalo pa siyang nagkimkim nang walang sumasagot sa mga panliligaw niya, na kahit hindi sabihin ay alam niya na ang kanyang ina ang dahilan nito. Kaya ganoon na lamang ang pagmakamuhi niya rito.

"Putang ina! Kailangan mo pa bang sabihin? Ang aga-aga putakte ka nang putakte eh! Bwisit ka naman oh! Ta's pagpupunasin mo pa ako. Hoy, hindi ka bulag! Hindi porket isa lang ang mata mo, eh hindi ka na makakakita. Putang ina, oh! Panira ka nang araw eh, gago!" sambit niya nang pa-angil sabay kinuha ang tuwalya para maligo.

 Pagkatapos namang maligo, ay agad rin siyang kumain. Sa tingin niya'y naubos na ang enerhiya niya sa pagsasalita dito. Lalo pa siyang nainis nang makitang ang dadalawang piraso nang daing na lang ang kakainin niya. "Andoy-Anak, pasensiya ka na! Pagtiisan mo na lang muna iyan, kainin mo yung isa, ngayon para may panlaman-tiyan. At ang isa, ay para sa baon mo.Wala pang pera si nanay eh."

"Bwisit na buhay, 'to oh! Panong pagtiisan, eh lagi na lang nga nagtitiis eh, then walang pera? How come, may pamasahe nga iyon pabalik eh." 

"Andoy Anak, puhunan ko pa nga iyon eh."

"Sinisisi mo pa ako? Ganun?"

"Hindi, Andoy! Pasensiya na."

"Tang-ina oh! At hindi Andoy ang pangalan ko, ANDREW! Baka hindi mo pa alam ang spelling, bobo ka pa naman. Subukan mo lang akong tawaging Andoy. Lalapirutin ko yang bibig mo." hindi na siya nakapagtiis at ginawan nang kabaligtaran ang paggalang na halik at pinalitan nang sampal. Aalis na sana siya, nang maalalang hindi pa siya, nakauniporme.

"Hoy, Gaga! kita mo ito. Hindi pa plantasado." tinawag niya ang kanyang ina na naghahanda nang ipambebebenta. Aligaga na ito ngunit nagawa pa rin niyang utusan.

"Anak, ikaw na muna. Nagmamadali ako, at baka walang bumili.'' sinampal na naman niya ito, sabay sabing, "BWISIT KA TALAGAA!" magsisibilyan na lang siya.

"LATE ka na naman, Mr. Andalang!" putakte nang titser niya. Sa tingin niya ito naman ang bersyon nang mama niya ngunit sa school nga lamang. At may isang pa rin palang pagkakaiba. Hindi nga pala gumaganti sa kanya ang nanay niya, at sa titser naman niya ay wala siyang karapatang sumagot-sagot.

One Shot / Short Stories ( G L R ♥ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon