The Girl in the Picture

388 14 5
                                    

<<The Girl in the Picture>>

"Maaga pa, huwag ka munang umalis! Laro muna tayo, Girlfriend!" sabi ng isang batang lalaki na nagngangalang Miguel o mas kilalang  'Miggy' habang hawak ang kamay ng isang batang babae sa isang Playground.

Madalas magkita ang dalawa kaya hindi malabong mangyari na close na sila, sa maikling oras ng pagkikita.

"Owkay, Peyo sandali na lang, Boyfriend. Kasi aalis na kami eh. At baka hindi na kami makabalik!" sabi ng batang babaeng bulol pa rin kung magsalita

"Bakit naman?!" nagpout pa ang bata.

"Sabi kasi ni Mama sabi ibang bansa na kami titira eh, at.. at machachagayan (matatagalan) pa bago chayo magchita! Huwaaaah!" at tuluyan na ngang umiyak ang batang babae.

Natapos na ang ilang minuto, at umalis na ang babae. Kaso nga lang late na marealized ni Miggy na sa loob ng 1 week na pagka-close nila ay hindi niya pa pala nalaman ang pangalan ng babae.

Ang tanging ala-ala nalang niya ay ang naiwang wallet ng batang babae na may picture nito.

------

 *Krrringg! Krrring! Krrring!* pinatay ko na yung alarm clock. Takte oh! Napanaginipan ko na naman.  Nakaka-adk! Kung alam lang niya kung gaano ko na siya ka-miss. Pero siguro hindi na niya ako matatandaan.

"Nami-miss na kita Girlfriend!" sabay kuha ng pinakatatagong picture sa unan ko. Kiniss ko ito. AHAHAHA. 

"Honey! Gising na!" Grabe naman! Ang aga pa eh!

Nagtataka kayo kung bakit, Honey, noh?! Hindi ko yan nanay, kundi asawa. Yes, you read it right. A-S-A-W-A! 21 palang ako at siya ay 20 nang mangyari ang Arrange Marriage sa amin ni Katherine. Gusto ko naman siya dahil yung mga katulad niya ang tipo ko. Magaling sa bahay, Sweet at Independent na babae. Pero medyo bungangera! At ngayon ay 3rd year Anniversary na namin! Pero masasabi kong mahal ko pa rin yung nag-iisang batang babaeng nakilala ko sa playground. Na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita.

"Hello rin, Honey! Good Morning! Wait.. *tumayo ako at niyakap siya* Happy Anniversary!" Bati ko sa anya with smiling face.

"Good Morning rin at Happy Anniversary! Pasensya ka na at wala akong regalo, ha! Medyo Busy rin kasi. Pasensya na" Binati niya ako with kiss pa.. Sa cheeks lang!  Mabait talaga siya. Kaya hindi na ako nagsisisi ngayon kahit arrange marriage lang para magsanib na ang kumpanya ang dahilan ng kasal namin.

"EHEHEHE. Syempre, ok lang yun! Mas mahalaga ka naman, noh! Wala nga rin ako eh."

"Ah, Hon! Sabi pala ni Mama (mama ko) pumunta daw tayo sa bahay, para naman daw makapagbonding! Dahil daw tatlong taon na ang kasal natin! Dadalo rin naman daw sila Mommy (mama niya) Tumawag siya eh." sabi niya

"Ay, ganun ba?! Sige halika ka na, hon! Mag-almusal na tayo at maligo para makapag-ayos ng maaga at nang mauna." sabat ko naman. 

Nag-almusal na kami at naligo. Nag-ayos na rin kami at naghintayan na lang para maka-alis. Grabe! Talagang hindi ko ine-expect na magiging ganito ang mangyayari sa amin. Anak na lang ang kulang at pwede na kaming idescribe as 'Perfect Family!' Hindi kasi naging maganda ang simula namin. Dahil ganito kasi ang nangyari..

------

"MA! YOU CAN'T MANAGE MY LIFE! MY OWN LIFE!!!" sa pagsigaw ko. Halatang galit ako kahit nandiyan ang pamilya ko at nang babaeng 'soon-to-be-bride-ko-DAW'

Halata na rin sa mukha nila mama ang pagkalungkot gayun na din sa pamilya ni Katherine na may kasama pang pagkadismaya!

"Mama! Tama siya! Bata pa ako and still.. Ayoko ko pang matali sa isang relasyon lalo't pag-aasawa na agad ang mararanasan ko.. " Umiiyak na siya. Hindi ito ang dinner na ine-expect nang mga pamilya namin! At hindi ko hahayaang makasal ako sa babaeng ito lalo't pa may mahal na akong iba. Gayundin siguro siya. Grabe, ang dami naming palusot na ginawa, sinabi. Pero wa epek pa rin. Basta ang usapan nalang mag-close-close-an kami pag nandiyan sina Mama at ang Mommy niya.

One Shot / Short Stories ( G L R ♥ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon