"Taniraniya Isabelle Nichie Alonzo! Aba'y anong oras na't nandiyan ka pa sa kama mo. Hindi ba't ngayon ang interview mo?"
Kinusot ko ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Manang Josie. Hays ayan na naman siya sa nakakarindi niyang boses.
"Ano na bang oras, Manang?" tanong ko at naghikab pa ng minsan.
"Alasiete na ng umaga." sabi nito at agad na pumasok sa kwarto ko. May dala siyang walis tambo at dustpan.
Halos araw-araw ganito na yata ang gawain ni manang. Halos pwede na ngang maghain ng pagkain sa flooring ng kwarto ko sa sobrang linis.
"Manang nagwawalis ka na naman. Kawawalis mo lang kagabi ah? Tsaka di naman ako nagkakalat dito sa kwarto. Alam mo namang magagalit ang mga kuya ko." sabi ko at tumayo. Isinuot ko narin ang tsinelas ko at inayos ang aking higaan.
"Tin anak, alam mo namang laging nag aalala sa'yo ang mama mo kahit na nasa abroad siya. Alam mo namang lagi kang nag a-asthma kahit na konting alikabok lang ang malanghap mo."
Napairap ako sa narinig. "Yan na lang ba ang lagi niyong dahilan manang? My god. Yan nalang ang narinig ko sainyo simula ng 5 years old ako. Alam niyo namang malakas na ang resistensiya ko kaysa noong bata bata pa'ko."
"Hay nako anak, wag nalang natin itong pag usapan. Ang mas maganda'y bumaba ka na doon at kumakain ka nalang. Nandun na ang kuya mo at ate mo." sinenyasan niya pa ako na umalis sa kwarto ko.
Wala na akong nagawa kundi sundin nalang siya. Bago ako lumabas ng kwarto ay tinanggal ko muna sa pagkakacharge ang cellphone ko at kinuha iyon. Tatawagan ko nga pala si Cindy dahil sabay kami mamaya sa interview.
Pagkababa ko sa sala'y naabutan ko si Kuya Tranniz. Kuya Tran for short. Kumakain siya habang nanonood ng basketball.
"Hoy kuya, diba sabi ni manang dapat sa dining room kumakain. Isusumbong ka nun kay mama sige ka." sabi ko.
Kita ko pa ang mga kanin na nahulog sa sahig. Aish. Kaya hindi tumitigil si manang sa pagwawalis eh. Hays.
"Eh. Nanonood ako eh. Tsaka finals na oh. GSW vs. Cavs." sabi niya at sumubo ng pagkain. May nangahulog ulit na kanin.
"Aish! Kuya hindi ikaw yung nagwawalis. My god ka. Dahan dahan ka sa pagkain. Napakababoy mo. My god. Hindi ka na magkakagirlfriend sinasabi ko sa'yo."
Binelatan niya lang ako. Aish. Wala talagang pake. Hays.
"Hi po tita Tani!" yan ang bungad sakin pagkapasok ko ng dining room.
Nakita ko ang dalawa kong pamangkin. Si Jelly at si Ace. Kambal sila. Anak ng kuya Tenzi ko. Atsaka si ate Jellay. Asawa ng kuya Tenzi ko.
"Hi!" bati ko rin at umupo sa may bakanteng upuan.
"May interview ka ngayon, Tin?" tanong ni Ate Jellay na ngayon ay sinusubuan si Jelly.
"Oo ate." sagot ko at kumuha ng ulam. Diet ako ngayon kaya wala akong kakaining kanin.
"Saan naman?" tanong niya pa at sinubuan naman si Ace.
"Sa Manila, ate. Sa may Pasay. Sa Framacera Publishing Company. Kasama ko si Cindy." sabi ko at sumubo ng pagkain.
"Sino nagluto?" tanong ko. Ang sarap kasi. Kahit na di ko naman paborito ang tocino.
"Si Manang. May bago daw kasing bukas na grocery sa may palengke tapos yung mga binebenta doon, sakanila gawa. Kaya ayun. Bumili si manang ng tocino dun. Infairness masarap naman talaga." sabi ni ate Jellay.
Tumango naman ako at itinuon ang pansin sa kinakain ko. Madaldal talaga si ate Jellay. Yun nga ang nagustuhan ng kuya ko sakaniya. Tsaka mabait din siya. Pero kapag may period na kagaya ko rin ay mabilis mainis at magalit. Kaya naiintindihan ko siya .