Chapter 4

72 4 0
                                    

Tin's POV

"Ang ganda naman ng contact lens mo, Tani. Saan mo binili?"

Konti nalang talaga at mapapairap na ako. Mabuti nalang at kaya kong magpigil ng sarili. Simula kasi kaninang pagkapasok ko ay tinatanong na nila ako kung saan ko nabili ang "contact lens" ko.

"Ah, sa ano, sa probinsiya namin." sagot ko nalang.

Talaga nga namang naiinis ako sa sarili ko! Bakit ko ba kasi naiwan iyon.

Tumango naman si Gina. Siya ang nagtanong sa akin.

Lumapit naman sa akin si Cindy at siniko ako. "Bakit di mo suot contact lens mo?" bulong nito. Napairap na ako.

"Kasalanan mo." sagot ko. Ngumuso naman siya at inirapan ako. Bumalik narin siya sa kaniyang puwesto.

Nagtype na ako sa computer at hindi na pinansin ang mata kong walang contact lens pero pinagkakamalang meron. Hays.

Ilang oras pa at may biglang humawak sa balikat ko. Muntik pa akong mapasigaw ng dahil doon.

"Oh, sorry Tani. Tawag ka kasi ni boss. May kailangan ata sa'yo." giit ni Rain. Siya ang secretary ni boss.

Eh?

"Ah...s-sige. Sunod nalang ako." sagot ko.

Tumango siya. "Okay. Sa office niya ha?" paalala niya. Tumango naman ako.

Pagkaalis niya'y napapikit ako. Yung totoo? Ugh! Ano ba talagang gusto ni boss? May gusto ba siya sakin? Erase, erase. Masyado kang napalayo roon, Taniraniya.

Isang minuto pa nang mapagpasyahan kong tumayo mula sa aking upuan at pumunta sa office ni boss.

Nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko ang pinto pero ginawa ko parin. Dahan dahan ko iyong binuksan.

Mukhang hindi niya yata ako napansin dahil nakita ko siya sa kaniyang table na para bang sinusuri ang isang papeles.

"B-Boss, m-may kailangan ho kayo?" nagkanda utal-utal pa ako. Di ko keri! Ang hot niya kahit nagbabasa lang!

Ayt! Taniraniya, bumabalik ka na naman sa malandi university!

Napaangat siya ng tingin sa akin. "Oh you're here. Sit please." itinuro niya ang upuan sa harap ng kaniyang table. Napansin ko rin na nakangiti siya sakin.
#kailangankongmahigpitnapanty.

Lumapit naman ako dun at umupo.

Inayos ko pa ang dulo ng aking palda dahil nasa hita na iyon. Baka sabihin pa ni sir inaakit ko siya.

"Uhm sir ano pong kailangan niyo?" tanong ko. It's really uncomfortable for me. Lalo na't konti nalang talaga ay mag gigive up na ang panty ko sa mga ngiti niya.

"I'm sorry to interrupt you from your work but I really need your help, Isabelle." tila bumilis ang tibok ng puso ko sa boses niya. Bakit ba ang yummy niya? Aish! Taniraniya!

"A-Anong..."

"I need you to be my date this week."

Eh?!

"D-Date?" nanlaki ang mga mata ko.

"Yes. I'll be attending some business party and I need a date. Can you go with me?" tanong nito. Shet. Nahuhulog na naman ako. Este...wala.

"Uhm, k-kailan po?" napailing ako. Shet anong nasabi ko. "Este, b-bakit po ako?" Pag iiba ko sa aking sinabi.

Nakita ko namang umiwas ito ng tingin. "I-I want you."

Napakunot ang noo ko.

"I-I mean, I want you to...t-to be my date. Just as that. Because y-you you're beautiful and I-I think you're p-perfect to date with." nakayuko nitong sabi.

Make Me Fall [On-Going]Where stories live. Discover now