Chapter 2

79 5 0
                                    

Tin's POV

Tatlong araw mula ng mainterview ako. At ngayon, hinihintay ko ang tawag nila. Sana naman matanggap ako dahil gusto kong kumayod pansarili. Ang pera ko kasi ay galing lahat kina mama at kuya Tanzi. Kahit na tapos na ako sa pag aaral ay pera parin nila ang hawak ko.

Nakatitig ako sa cellphone ko dahil hinihintay ko ang tawag. Bigla namang may kumatok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Anak? Pwede ba akong pumasok riyan?" rinig kong boses ni manang.

"Sige po manang. Tuloy po kayo." sabi ko. Parang pinapapasok ko lang siya sa bahay namin 'no?

Tumayo ako mula sa higaan dahil yun ang turo sakin ni mama. Wag daw akong makikipag usap ng nakahiga. Pambabastos raw iyon.

"Anak, tumatawag ang mama mo. Halika bumaba ka roon. Ang kuya Tran mo ang bumibida doon at nagpapabili ng napakaraming gamit."

Kumunot ang noo ko at nainis. "Tch. Wala na nga siyang trabaho at umaasa na naman siya kina mama. Hays."

"Wag ka ng marami pang sinasabi diyan at bumaba ka na roon. Naghihintay ang mama mo." sabi niya.

"Sige manang." sagot ko at sinuot ang tsinelas ko.

Pagkababa ko ay nakita ko si kuya Tran na naka dekwatro at may hawak na tablet. Nakavideo call sila ni mama.

"Hi mama!" bati ko at inagaw kay kuya ang tablet.

"Hello anak. Kamusta diyan?" tanong niya.

Ang ganda ganda talaga ni mama. Kung magkakacrush siguro ako sa babae ay walang iba kundi ang mama ko. Magkamukha kami eh. Manang mana ako sa kaniya. Lalong lalo na sa mata. Ako lang talaga ang nakamana ng green eyes ni mama. Pero hindi ko pinapakita sa iba. Kaya nga ako nagsusuot ng contact lens palagi.

"Okay lang ma. Tsaka malapit na'kong magkatrabaho. Hindi katulad ni kuya." sabi ko at bahagyang tumingin kay kuya Tran.

Tumawa si mama. "Hayaan mo na ang kuya mo, anak. Tsaka susunod na yan dito sa Macau. Ipaghahanap siya ng trabaho dito ng kuya mo."

Ngumuso ako. "Pati siya susunod diyan?" tanong ko.

Nakita ko si kuya na ngumisi. "Oh ano? Nalungkot ka 'no? Mamimiss mo'ko." sabi niya.

"Hindi no." sabi ko.

"Oo anak susunod ang kuya mo dito. Mas maganda kasi dito sa Macau dahil malaki ang sweldo namin dito. Nung last nga ay 10k MOP ang naisweldo ko. Hindi ko alam kung anong nakain ng boss ko at dinoble niya ang sweldo ko. Ang kuya mo naman ay mas malaki ang naisweldo. 12k MOP."

Napatango ako. Hindi naman kasi ganun kadali ang trabaho ni mama at ni kuya sa ibang bansa. Malaking sakripisyo ang inaalay nila para doon.

"Anak, may tumatawag saiyo." napatingi ako kay manang na ngayon ay hawak ang cellphone ko.

"Wait lang ma, wait lang." sabi ko at binigay kay kuya ang tablet.

Agad ko namang kinuha kay manang ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Hello?" bungad ko.

"Hello Ms. Alonzo?" rinig kong boses. Boses babae ito.

"Yes. Ako nga po." sagot ko.

Shet! Nanginginig ako.

"I'm the secretary of the owner of Framacera Publishing company and he said that you're hired, Ms. Alonzo." giit nito.

Nanlaki ang mga mata ko at napatili.

"Omo! Thank you! Thank you po! Yiiiee! Salamat." sunod sunod na sabi ko.

Make Me Fall [On-Going]Where stories live. Discover now