Ara's POV
"Hoy!" Urrgh Kiiim!
"Ano ba?!" Binalik ko kay Kim yung unan na binato niya sa akin.
"Anong oras na? Tanghali na. Paalis na ako, nakahilata ka pa diyan. May alaga ka pa dun sa kwarto mo!" Ang ingay talaga, ang aga aga. Umupo na lang ako sa sofa habang nagkusot ng mata.
"Tss, hindi kaya ako nakatulog!" Bwiset kasing babae yun, kung makanakaw ng halik.
"Haha, anong problema? Namula ka pa diyan. Haha." Bato na naman ng unan, ano bang trip nito?!
"Psssh, umalis ka na nga! Sabihin mo na lang kay Boss malelate ako ah." Tumayo na nga ako nag inat.
"Haha, okay, okay. Hoy si Carol nasa kwarto niya ah baka magising mo patay ka." Kumindat sa akin at saka siya nagmadaling umalis. Tss, aga aga lakas mang-gago.
Hay, gising na kaya yung higante. Pumunta ako sa kwarto para sana silipin siya. Anak ng tinapa, paano ba matulog to, halos mahulog na sa kama.
Iniisip ko kung iaayos ko ba ang pwesto niya.
Hay. Bahala ka diyan, bigat bigat mo.
Naisipan ko na lang magluto para pag nagising si Carol at yung babae na yun ay may pagkain na. Pero nakaluto na ako't lahat humihilik pa din si Higante. Nakakainis, iinom inom hindi naman pala kaya ang sarili, pasalamat siya mabait kami kung hindi narape na siya. Tsss, anong oras ba gigising to. Mag aalas tres na eh. Kailangan ko na pumasok.
Makaligo na nga. Bahala na.
"Ui, Vic." Paglabas ko ng kwarto ko, si Carol agad ang sumalubong sa akin.
"Ui, sorry nagising ka ba namin ni Kim?" Napakamot ako batok ko.
"Hindi. Hay, pagod. Daming tao dun sa event, nakakapagod." Umupo na siya sa hapagkainan at nagsimulang sumandok ng pagkain.
"Sabi ko sayo wag ka na umattend dun, may iba akong raket, sama kita." Sinukbit ko yung tuwalya ko sa balikat ko at umupo sa tapat niya para sabayan siyang kumain.
"Weh? Totoo?" Nanlaki naman ang mata niya.
"Haha, ang cute mo. Oo, pero raket raket lang, may nakuha kami ni Kim na kailangan ng bartenders para sa mga event, sama ka namin."
"Promise?"
"Oo. And akin na yung resume mo, papasok ako sa coffee shop mamaya, papasa ko." Tumayo na ako ng masubo ko ang last bite ng pandesal ko. "Kaya mo pa ba?" Tinap ko ang ulo niya ng makatapat ko siya.
"Thanks Vic." Tumango naman siya, nagsmile na lang ako sa kanya at dumiretso sa banyo para maligo.
----------
"Ay." Bulong ko ng makalabas na ako sa banyo.
"O? Nakatapis ka pa diyan?" Salubong ni Carol sa akin habang umiinom ng kape.
"Di ko ba naiwan dito yung shirt ko?" Hinahanap ko sa may kusina at hapagkainan, alam ko kasi dala ko yung tshirt ko eh.
"Wala namana. Magbihis ka na nga. Wala ka na bang ibang tshirt sa kwarto mo?" Medyo naiilang ata si Carol na nakatapis lang ako ng towel.
"Hehe, okay okay. Relax ka lang" kumindat na lang ako at namula naman siya natawa na lang ako at dumiretso sa kwarto.
Bad trip. Sana hindi pa gising si Sleeping Giant.
Creeaaak.
Tulog pa ata.
"Aaaaaaaahhhhhh! Who the hell are you? Nasan ako? Bastos ka!"
BINABASA MO ANG
When I Met You (Ara Galang - Mika Reyes FAN FICTION)
FanfictionAra Galang - Mika Reyes Fan fiction