[ 1 ] Mysterious Frontman
Maureen's POV
No Heroes Allowed
by Mayday ParadeNow it's hard to see with all these flashing cameras in my face
But I love the way they play, throwing shadows on the stage
Wonder where you are and what you think about this place
I can't help but miss the days and I'll write on every page
Nandito kami ngayon nina Elle sa Area 52, isang restobar malapit sa campus. Dito agad dumidiretso ang mga students ng FIS kada friday para mapanuod ang mga gig ng mga kilalang banda sa school. Pero di lang naman sila ang dumadayo dito, nagpe-perform rin naman minsan yung mga mas sikat pa, tulad ng rock band na 16 by Nine! Nako! Di ko talaga pinalampas yun, ang cool kaya ni Davis, yung drummer nila.
My hero she's the last real dreamer I know
And I can tell you all about her
I don't think I'll fall asleep 'til I roll over
Can we just start over again
And I can tell you all about...
I don't think I'll fall asleep 'til then
Kasalukuyang tumutugtog ang isa sa pinakahinahangaan kong banda sa school, ang Algorithm. I don't have any idea kung bakit yan ang name ng band nila. Gosh, though I hate Mathematics, I still like them. Naging controvesy din pala ang banda na 'to dahil sa last minute na pagpapalit nila ng vocalist bago ang Battle of The Bands last year. Walang nakakaalam kung sino yung kumanta nung first single nila, which is actually my fave song from them, yung Fading Memories.
Ugh! Yung pamatay na boses lalo na dun sa, "Keep me... Keep me in your mind. I'm not asking you to keep my heart, but atleast... *whispers something I can't understand* FAAAADINGGGG!!! I'M SLOWLY FADIIIIINGGGG~!!!" JUSKOOOO NAKAKAKILIG TALAGA YUNG BOSES NIYA. Oops ang OA ko na, obvious naman siguro na isa ako sa mga fangirls nung mysterious vocalist na yun.
Naging usap-usapan yun sa Hot Topic, di yung clothing line ah, website ng school yan. Naging issue kasi yung biglaang pagpapalit nila ng vocalist dahil against yun sa rules nung competition, kaya naman di sila nanalo. Pero dahil nga maganda yung first single nila, nanalo sila ng special award. Sa totoo lang, nakakapanghinayang yung unang vocalist because obviously, mas magaling siya kay Raven, yung current frontman nila ngayon.
"Ang galing ni Raven no! Makalaglag-panty yung boses! Pero sayang talaga si Axel." nanghihinayang na sabi ni Elle with matching 'omg I'm so nanghihinayang talaga' eyes at pout pa, ew
"Gross. Stop that Elle, di bagay! Kaya di ka napapansin ni Kit eh, napaka pabebe mo kasi." pang-iinis ko sa kanya
Yep, you heard it right. Axel yung pangalan nung mysterious 'supposed to be' vocalist ng Algorithm. Curious ang lahat sa kung sino siya. May mga fangirls pa nga na nagsagawa ng "Search for Axel" operation. They gathered all the guys na may pangalan na Axel sa campus. Nasa fifteen din ang nahanap nilang Axel, but unfortunately, tatlo lang ang maruning kumanta sa mga 'to pero ni-isa walang ka-boses. Others think na dahil they used auto tune dun sa single kaya walang ka-boses. Yung iba naman, iniisip na panget yung "Axel" sa Fading Memories kaya walang confidence na magpakita. Meron ding usap-usapan na stage name lang yung 'Axel' kaya hindi makita.
"Hayyy, whatever his reasons are we're still curious about his identity." out of the blue na pagsasalita ni Assy, one of my friends
"You think totoo yung sinasabi nilang ugly yung Axel? I don't think so, kasi his voice is so gwapo eh." Elle said
BINABASA MO ANG
Just Out Of Reach
RomanceFalling inlove with someone who will never be yours is hard, but falling inlove with a liar is harder.