[ 2 ] Lost and Found
Maureen's POV
Where are you?
And I'm so sorry.
I cannot sleep, I cannot dream tonight.
I need somebody and always
This sick strange darkness
Comes creeping on so haunting every time.
"Oh." sabay bato nung isang pack ng powdered milk na siya namang tumama sa ulo ko
Narinig ko pa siyang napa-tss dahil sa hindi ko yun nasalo. Panira talaga! Feel na feel ko pa naman yung music dito sa store. Duh, it's blink-182 kaya!
"Okay na?" tumango naman ako "Oh bayaran mo na." sabi niya sakin sabay muling bato nung mga napili niya
Ugh! Bakit pa kasi ako pumayag sa favor ni Manang Fel! Nakasama ko pa tuloy 'tong siopao na 'to. I should've just stayed dun sa Music House, atleast pwede akong lumayo-layo sa lalaking 'to.
If you're going to ask me who's this siopao is. Let me tell you what happened last week.
*Flashback- One Week Ago*
I was about to leave cause busy na rin naman ang mga bata dun sa Kuya nila nang matigilan ako dahil sa isang pamilyar na boses...
"Faaading... I'm slowly faaading~ Bring myself back, help me remember this fading love... these fading memories... Lalalalala~"
Familiar din yung song... Yung acoustic version ng Fading Memories na hindi nai-release ng Algorithm sa public dahil sa biglang pagpapalit ng vocalist. How did I know na acoustic version yun? Duh, it was too obvious! Walang screeching and screaming na nagaganap. At isa pa, ang sarap sa pakiramdam nung song. No, nung boses ng kumakanta rather...
Wait.
The way he sang the song... Don't tell me this guy is—
"Axel?!"
Natigilan siya sa pagkanta at isa-isa namang napatingin sa akin ang mga bata.
"Anong sabi mo Ate Mau?" tanong sa akin ni Mela
"A-Ahh... I thought that guy's name is Ax—"
"Axel? Ahhhh s—" putol ni Tonton sa sinabi ko na siya rin namang naputol nang biglang magsalita yung lalaki
"Excuse me."
Nagsitabi naman yung mga batang nakaharang dun sa lalaki. At nang tumayo na siya, tumambad sa harap ko ang isang magandang nilalang— wait, what the hell am I saying?!
Di naman siya katulad nung mga exaggerated na sa kagwapuhang nababasa ko sa wattpad. Pero he looks good, head-turner kumbaga. Mapupungay yung mga mata niya, di kaputian, matangos ang ilong at manipis ang labi. Plus the nag-uumapaw na sex appeal ugh! Kaunti na lang mapagkakamalan ko nang artista ang isang 'to.
"What did you just call me?" tanong sa akin nung lalaki
"A-Ahh.. Axel... I-Ikaw ba si Axel?" I said, gosh! Bakit nauutal ako?!
"No. And if you don't mind, please stop staring at me, baka matunaw ako." then he smirked "Tara na sa loob."
Hindi pa man ako nakaka-recover sa mga sinabi niya, agad na silang nawala sa harap ko. Teka, he's not Axel pero alam niya yung Fading Memories ng Algo?! Is he kidding me?! Ang gulooooo!!! Mas magulo pa sa Math at Physics to eh! Eh sino ba siya?! Sino yung Axel na yun at kaboses niya?! This is really frustrating me! Kaya naman napagpasyahan ko na lang na umuwi, because for the nth time, naii-stress ako nung mysterious frontman na yun!
U-G-H!!!
BINABASA MO ANG
Just Out Of Reach
RomanceFalling inlove with someone who will never be yours is hard, but falling inlove with a liar is harder.