Chapter 4

48 3 1
                                    

Yhanna's PoV

"Ken..." bigla nalang lumabas sa bibig ko ang pangalan nya na inilingon nya sa akin.

"Yhanna?" Naging seryoso ang mukha nya.

So, sya nga si Ken. Wow. Small world.

"Dito karin nag aaral?" Tanong nya ulit na ikinatango ko.

Umupo kami sa isang bench.

Hindi ko iniexpect na same school kami.

"Hindi kita nakikita dito dati pa. So i wonder why." Nakatingin ako sa kanya nang magsambit ako ng mga salita.

"Tranferee ako dito." Sabi nya nang nakatitig lamang sa mga paligid.

"Ah i see." Tumitig nalang din ako sa mga paligid.

"Kumusta kana pala?" Tanong nya sa akin.

"Ganon parin kagaya ng last nating pagkikita." I smiled a bit.

"Ahh. Pupunta ka ba bukas sa party?" He asked again.

"Hmm yep. It's a party and im kinda enjoying parties." Sagot ko naman.

Ewan pero parang ang awkward. Hays.

"Ken, tara na magbebell na oh." Biglang may sumulpot sa aming lalaking uhm... sakto lang ang tangkad at mapayat.

Napansin siguro ni Ken ang pagtataka ko kung sino ang lalaki kaya naman pinakilala nya sa akin.

"Ahm Yhanna si Jayson pala tropa ko. Jayson si Yhanna, nililigawan ko." Napanganga nalang ako sa nasabi nya.

"Owwwwww tol iba kana ah!" Nag apir yung jayson tsaka si Ken.

Totoo ba yung narinig ko?! Nililigawan?!

Magtatanong pa sana ako nang biglang magbell. Nag offer si Ken na ihatid ako sa room ko kaso umayaw na ako. Kasi una, ang awkward lalo na't kumakantyaw yung Jayson. At pangalawa, kinikilig ako baka mahalata nya. Hihihi.

Buong klase hindi ako makapagfocus dahil sa letseng Ken nayan. Ugh! Nanliligaw naba sya?! Ano ba hays.

"Uy yhanna anong nangyayari sayo? Kanina kapa tuktok ng tultok ng ulo mo sa desk baka masira utak mo nyan." Pagbubulong ni Yesh sakin. Psh kaya ayokong katabi to eh. Laging may sidecomments. Psh.

"Bes, si Ken dito nag aaral." Napakagat ako sa labi ko matapos kong magsalita.

"Really?!" Napataas ang boses nya kaya naman napunta ang attentiom namin ng lahat.

"What's happening?" Pagtatanong ni Ms. Santos, english teacher namin.

"Ahm, wala po ma'am sorry po." Biglang naging maamo ang boses ni Yesh at may payuko yuko pa.

"Alright forgiven. Be careful next time." Sabi ng techer namin at bumalik na sa pagtuturo.

"Yan kasi." Bulong ko.

"Mamaya mo nalang ikwento. Psh." Sabi naman nya na ikinatawa ko nang bahagya.

Nang magbell na hudyat ng uwian, agad akong tumayo at kinuha ang bag ko. Ganon din si Yesh. Mag mamall pa kasi kami kasi nga, bibili sya ng pabango nya.

"Saan na punta nyo?" Pagharang sa amin ni Peewee.

"Ah, sa mall. Sama ka?" Pag aalok ni Yesh.

"Sure. Tara." Sabi naman ni Peewee na excited pa. Wow.

"Yhanna." Nilingon ko wng pamilyar na boses.

Napatigil ako sa paglalakad nang maglakad sya papunta sa akin.

StayWhere stories live. Discover now