Yhanna's POV
"Yhan! Tara cheer moko sa laro namin!" Sabi ni Jackson.
"Ayoko ang babata nyo pa. Pangit manood ng basketball kapag mga bata naglalaro!" Pagtanggi ko.
"Ganyan ka ba sa bestfroend mo yhan? Grabe ka hindi mo manlang ako sinusuportahan." Malungkot na ang boses nya pati ang mukha nya.
"Ehhhh. Sige na nga! Pag magaling kalang tsaka ako sisigaw. Pero kapag hindi ka nakakashoot, hindi kita ichicheer!" Sabi ko sabay tayo.
Naglakad na kami papuntang court kung saan gaganapin ang laro nila.
Lagi naman talaga akong nanonood ng mga laro nya. Nagtatago lang ako kasi ipagmamalaki nanaman nya sakin na magaling sya.
Natigil ako sa pagbabalik ng dati naming pinagsamahan ni Jackson nang batukan ako ni kuya JR.
"Ano nanamang pagdedraydream ang iniisip mo?" Kahit kaylan talaga panira 'tong si kuya eh! Grr.
"Kuya ang sakit ah! Tss " pagrereklamo ko habang haplos haplos ang ulo ko.
Kahit kaylan talaga tong kuya ko eh psh.
Napatingin ako sa cellphone ko nang magring ito.
Si ken tumatawag nanaman. Mula pa kagabi hanggang ngayon, pang 300+ na tawag na nya at 500+ na text. Ayoko muna syang kausapin. Kaso ngayon iniisip ko na siguro nag aalala sya.
Kinuha ko ito at sinagot.
[Hello yhanna?]
"Uy ken, sorry di ko kasi dala dala ang phone ko." Dahilan pa yhanna.
[Kumusta? Bakit bigla kang nawala kagabi? Anong nangyari? Nandito ako sa tapat ng bahay nyo.] Pagkasabing pagkasabi nya nyan ay bigla akong napatayo at agad tumakbo palabas.
Nakita ko sya na nakatayo sa tapat ng bahay namin.
Nakaramdam ako ng konting awa sa kanya at inis sa sarili ko. Psh.
Ano bang ginagawa mo yhanna?!
Agad nya akong nilapitan at hinawakan ang dalawa kong braso.
"Okay kalang ba? Bakit bigla kang nawala kagabi? May nangyari bang hindi maganda?" Sunod sunod nyang tanong. Ang mga mata nya na nakatitig sakin ay punong puno ng pag aalala.
"Ahh ehh kasi biglang sumama pakiramdam ko kagabi kaya naisipan ko nalang na magpahatid kay peewee. Sorry hindi na ako nakapagpaalam." Napayuko ako.
Si yesh lang kasi ang tinext ko kagabi kaya for sure, sya lang ang nakakaalam.
"Okay lang. Next time itext mo ako para kahit ako na ang maghatid sayo. Responsibilidad ko yun." Tumango nalang ako habang nakapout. Nakokonsensya ako shet. "Kumusta na pala ang pakiramdam mo ngayon?" Nag aalala nyang tanong.
"Ah okay na ako." Napangiti nalang ako sa kanya.
Deserve ko ba ang pag aalala nya sa akin? Hays.
"Wala kabang balak papasukin yan yhanna?" Nabigla ako kay kuya na nakatayo sa pintuan namin.
"Ah eh. Tara Ken, pasok ka sa loob." Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko siya papasok ng bahay namin.
"Ahm.." Binitawan ko ang kamay nya nang makaramdam ako ng awkward moment. "Upo ka." Pagbasag ko sa awkward na namumuo.
"Sa-salamat yhanna." Medyo nauutal nyang sabi tsaka sya umupo.
God yhanna! Bakit mo ba kasi hinawakan yung kamay nya?!
Nakita ko si kuya na umupo sa tabi ni Ken.