Yhanna's POV
"Alam mo, hindi mo lang nakikita. Pero ako kitang kita ko. Kasing ganda mo ang mga bituin sa taas."
"Ahm ken..."
"Yhanna wag kanang umangal. Alright?" Then he flashes a smiles.
Natahimik nalang ako at yumuko ng bahagya. Nahihiya nako kasi feel ko talaga sobrang namumula nako. Wag naman sana noh. Hays.
"Ahm yhanna, ano... May... May pag asa ba ako?" Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig sya sa akin.
Tinawag kona ang lahat ng engkanto't kapre para maghugot ng lakas ng loob bago sya lingunin.
"Ken, may pag asa ka naman eh. Kasi mabait ka, maalalahanin, tsaka desidido ka talaga sakin. Pero sana wag kang magmadali kasi mahirap sakin lahat ng bibitawan kong desisyon." Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi ko ang lahat nang yan.
Wooooh.
"Hindi naman ako nagmamadali eh. Inalam kolang kung may pag asa ba ako." Napangiti ito ng bahagya.
"Pwes, may pag asa ka." Ngiti kong sabi sa kanya.
Tumodo naman ang ngiti nya na ikinakilig ko lalo.
Omygod Ken! Why did you do this to me?!?!
"Ahm. Yhanna, gabi na tara uwi na tayo sa bahay..." Sabi nya na ikinataas ng kilay ko.
"Kanya kanya kasi nating bahay." Natatawa nyang sabi na ikinangiti ko. Yung inia na ngiti. Grrr.
"Tara na nga!" Bulyaw ko at nauna na akong maglakad. Narinig ko namang tumawa sya tumakbo papalapit sakin.
"Done flirting to each other?" Halos hindo na makahinga ang puso ko nang biglang sumulpot si JC.
P*ta! Mamamatay pa ata ako ng dahil sa badboy nato eh!
"We're not flirting, we're inlove." Then ken winked at me.
Wow! Eh kung iwan ko kaya 'tong lalaking to? Psh.
"Whatever. Let's go." Ilang beses ko nabang narinig si Jc na naglet's go sa araw na 'to? Psh.
Sumunod nalang kami ni Ken na naglakad.
Nagtaka ako kung bakit sa parking lot kami dumiretso. Pero because i trust them, sumunod parin ako.
Lumapit sa Jc sa isang black na kotse at lumabas naman ang driver.
Don't tell me kila Jc yan? So mayaman pala sila?
"Goodevening sir." Pagbati ng driver na yumuko pa.
"There's no good in evening." Cold naman na sabi ni Jc sabay pasok sa kotse.
Hinila naman ako ni Ken para pumasok.
"Goodevening sir ken and ma'am" sabi ulit ng driver na yumuko pa.
Hindi ito pinansin si ken at dirediretso na sa pagpasok. Kami ni Ken ay nasa likod nakaupo habang si Jc naman ay nasa passenger seat.
Tinanong ng driver kung saan ang address ko at sinabi ko naman iyon.
Ilang minuto pang tahimik. Kinuha ko ang phone ko para sana itext si Yesh na pauwi nako at kila ken sumabay kaso may text na sya sa akin.
To: Yeshq <3
Bes nakauwi na kami nila Jayson at peewee. Kila ken ka nalang sumabay. Ingat!
Tinago ko na ulit ang phone ko at hinintay nalang na makarating sa bahay namin.
"Ah dito nalang po manong." Sabi ko nang madaanan na namin ang gate ng bahay namin.
"Ah yhanna, text kita mamaya. Bye." Ngiti ni Ken sakin nang mabuksan ko na ang pinto ng kotse.
"Okay sige ingat kayo. Bye ken, jc."
Nakita ko na nagthumbs up lang si jc habang si ken naman ay kumakaway sa akin na ngiting ngiti.
Pumasok na ako ng gate at nang masara kona, narinig kona ang pagharurot ng kotse.
Uh. Im so tired.
Naglakad na ako na ngiting ngiti papasok ng bahay.
"Anong oras na bakit ngayon kalang?" Bungad sa akin ng kuya kong naging over protective. Psh.
"Where's mama?" Hindi ko pinansin ang tanong nya.
"Nasa kwarto." Cold nyang sabi sabay padabog na umakyat papuntang kwarto nya.
Wow anong meron kay kuya jr ngayon at parang badmood? Psh.
Hindi nako nakaramdam ng gutom kaya naman umakyat na ako ng kwarto dahil gusto kona talagang magpahinga.
Pag akyat ko, nagbihis na ako at humilata agad sa kama.
Ugh. Bakit parang sobrang pagod ako ngayon? Sabagay nagsayaw sayaw kami doon. Psh.
Nagbeep ang phone ko kaya naman kinuha ko agad ang phone ko. Inaasahan ko naman talaga na may magtetext sakin. Hahahaha.
To: Ken
Hi yhanna, gising ka paba?
Omo! Sya nga! Omg!
From: Ken
Ah, oo. Nakauwi kana?
Lalo ajong kinikilig kasi ang bilis nyang magreply. Gosh!
To: Ken
Bakit nag aalala kaba sa akin? <3
Magrereply pa sana ako na 'Syempre mag aalala ako' kaso tumawag sya. Kaya naman sinagot ko agad.
[Hello, yhanna?]
"Uhm, Ken."
[Kumusta? Napagod kaba?] Medyo nag aalala nyang tanong.
"Hindi naman. Sakto lang." Ngiting ngiti ako habang nagsasalita. Paano ba naman omg may care sya sakin!
[Ahh. Ano, magpahinga kana. Para mabawi mona lakas mo para bukas. Goodnight yhanna.]
"Uh, sige. Goodnight ken." Ewan pero hindi maalis ngiti ko. Ugh!
Nang marinig ko yung tootoot, ibinaba kona ang phone ko at tumalon talon ng kama kakakilig. Kasi naman eh! Waaaah!
Umayos ako ng higa at niyakap nalang ang unan ko. Nakangiti parin ako. Yung kala-mo-wala-nang-bukas-smiles.
Ayieeeeee.
"Yhanna? Pwede ba kitang makausap? Sa sala." Narinig ko ang boses ni kuya jr. Kumatok muna ito bago ko narinig ang mga hakbang nya pababa.
Inayos ko muna ang ginulo kong kama bago bumaba.
Pagkababa ko, naabutan ko si kuya na nakaupo sa sofa, habang nakatingin sa akin.
"Umupo ka." Pagkasabi nya nun ay umupo ako sa tabi nya.
"Ano ba kasing sas-"
"Sino yung naghatid sayo kanina?" Wow kuya Jr OA na pagkaprotective ah!
"Bakit kuya je nagseselos ka?" Bunatukan nya ako aa sinabi ko. Natawa nalang ako ng bahagya.
"I won't do incest at hindi kita trip." Cold nyang sabi. "So tell me, sino yun." Seryoso na ang boses nya kaya naman ilulugar kona rin ang mga isasagot ko.
"Si ken..." Sabi ko.
"And he's your?"
"Suitor."
"Manliligaw pala huh. Papuntahin moyan bukas ng uwian nyo kaylangan nya akong kausapin." Sabi nya at tumayo na sya paakyat ng kwarto nya. Psh. Eh kung isama ko kaya si yesh para masaya?
"Kuya isasama ko si ye-"
"Subukan mo, magkakabukol yang ulo mo" pagbabanta nya bago tuluyang pumasok ng kwarto.
Ugh! Ano naman kayang kelangan nya kay Ken? Psh!
Bahala na.
------
Updated. Sorry nabusy laya medyo nalate. Hahahahahaah.