Side line

12 4 12
                                    

"Demy!" Napabalikwas ako sa pagkakatulog ng marinig ko ang napakalakas na sigaw ni mama. "Ma! Ano ba!? Natutulog yung tao eh.." Pabalik na sabi ko dito at umidlip ulit.

"Ay nako! Sayang ang sideline! Gumising ka na! Alas-otso na!" Tugon uli nito sa akin.

Grabe! Halos isang linggo na akong walang tulog dahil madaling araw na akong nakaka-uwi galing resto...

Huhuhu..

Ngayon na nga lang ako makakatulog ng maayos eh!

"Ma! Sandali nga! Meron naman akong sideline ngayon sa resto nila Lorain eh! Chill ka lang!" Sabi ko rito. Meron kasi akong gig ngayon sa resto bar nila Lorain, saka Alas-singko pa yun ng gabi. "Eh kahit na! Mamaya pa yun! Magbantay ka na lang sa talyer ng tiyo Berto mo at nang maka bawas ka ng gastusin pang isang-linggo sayang din yon!" Pangatwiran nito.

Haayyss... Hindi na ako nawalan ng obligasyon. Pero mabuti na rin iyon.

Maaga kasing namatay ang tatay ko at 65 years old na si mama kaya ako na lang ang kumakayod para sa kinabukasan namin.

Kaagad na akong naligo at bumyahe papuntang talyer ng tiyo Berto ko. Sumakay na akong jeep papuntang recto. Masasabi ko na elegante ang talyer ng tiyo ko dahil meron itong aircon sa loob ng office. At ako ang naatasan mag bantay ngayon doon, pati narin sa counter.

Pagdating ko sa talyer bumungad agad sa akin si tiyo Berto.

"Oh Demy! Nandyan ka na pala. Magsimula ka nang mag bantay dito." Bungad nito sa akin. "Sige po." Pabalik na sabi ko rito. At lumakad na ako papunta sa office-counter.

Inayos ko na muna yung buhok ko sa pamamagitan ng daliri ko at binuksan ang ilaw ng counter. Hindi nagtagal, may isang costumer na agad ang dumating.

"Hi miss, can I have you?" Nagulat ako sa sinabi at inasal ng lalaki. Kita ko sa labas ng salamin yung mahangin na itsura ng lalaki. Hindi ko na lang iyon pinansin at binigyan ko ito ng ticket. Ibinigay nya sa akin ang saktong dalawang libo.

"Wax lang." Sabi uli nito.

Umupo sya sa stoll at inantay matapos yung waxing session ng sasakyan nya.

Ganito lagi yung mga ganap sa talyer ni tiyo Berto, puro lalaki ang mga costumer. Meron din namang mga babae, pero mas marami ang mga lalaki na nag mamay-ari ng kani-kanilang sasakyan.

Matpos ang kalahating oras ng waxing session. Lumapit uli yung lalaki.

"Kahit na nakatakip yang mukha mo at bibig lang ang kita ko. I really bad admire you miss talyer."

SideLine (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon