1

31 4 3
                                    

  Unang kita ko palang sakanya masasabi ko ng minahal ko na siya, 'Love at first sight' daw ang tawag dito.. ewan ko ba pero tuwing lumalapit ako sakanya hindi ko mapagilan.. para akong natatarantang ewan minsan nga natatawa nalang ako sa sarili ko na kung bakit ang hina hina ko pagdating sakanya, bakit nabablanko ako pag nasa harap ko siya, bakit kinakabahan ako pag malapit na siya, at bakit ba mahal na mahal ko siya kahit ang layo layo niya.  Kainis kasi na buhay to, kung sana naging gwapo nalang ako edi sana may pag asa pang mapansin niya yung isang katulad ko..

"Dave!"

"Dave!"

"HOY DAVE! Pota ka nag dadaydream ka nanaman jan ang torpe torpe mo, akala ko ba mahal mo pero bakit ganyan ang asta mo"

Pang aalaska sakin ng kabarkada kong si Jed sabay nagtawanan sila, oo nga pala andito pala ako sa canteen malapit sakanya at ang malala pa dun ay kasama ko pa tong mga ugok kong mga kabarkada.. si Jed at Dexter

"Gago! Tumahimik kanga baka marinig ka niya!"

Paninita ko dahil kinakabahan nanaman ako

"pesteng buhay to" bulong ko pa sa sarili ko.

"Anong magagawa ko? Eh pagdating sakanya nanghihina ako, nabablanko ako, at nabobobo ako."

Dagdag ko pa  sa kabarkada ko. Nagkatinginan sila ng may nangungusap na mga mata at sabay sabay Ngumiti

"Hoy mga pre' hindi ko gusto yang mga ngiti niyo ah! Anong plano niyo?"

Tanong ko sakanila dahil mukhang may binabalak nanaman yung mga ugok na paniguradong hindi ko magugustuhan.

"Ah wala wala pre' samin samin nalang yun, diba Jed?" Tanong ni Dexter kay Jed sabay kumindat.

"Hoy gago nakita ko yun! Ano nga yun?"

Biglang sita ko sakanila dahil ayaw pang banggitin saakin tsk may binabalak talaga tong mga to.

"Wala nga pre hahahaha ayun yung bebe mo oh paalis na" sabi ni Jed sabay turo kay Maggie na siyang pinakamamahal ko,

"hindi ka naman bebe" sabay bulong ni Dexter kay Jed at nagtawanan sila.

"Mga ulol! Bwiset!"

Sigaw ko sakanila sabay tingin nalang sa 'bebe ko' na hindi daw ko bebe, shet.. tama nga siya iiwan nanaman ako ni maggie mag isa..

napatingin siya sa direksyon namin at nag tama yung mga mata namin,biglang napatigil yung mundo ko nung ngumiti siya.. shettt eto naba yung sign ni Lord ? Gusto ko sanang ngumiti din pero tumalikod na siya at lumakad palayo kasama mga kaibigan niya.

"Hoy! Na stuck ka nanaman jan kaka titig sa bebe mo! Hoy Dave!"

Nagulat ako ng biglaan akong tinapik ni Jed na siyang sumira sa pagpapantasya ko

"Gago! Panira! Hahahaha tara na nga" sabi ko nalang para hindi na nila ako asarin pang muli.

Habang paalis kami hindi ko mapigilang maalala yung nangyari, napangiti nalamang ako habang paalis kami sa canteen.. ang saya ng araw ko nakangitian ko si Crush!

Akala Ko Ba? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon