2

24 3 0
                                    

  Isang araw.. naglalakad ako sa hallway mag isa habang hawak hawak yung libro na hiniram ko pa sa library namin para pag aralan yung irereport ko para mamaya sa subject naming calculus ng makita ko yung 'bebe ko' sa garden ng aming school, nag iisa at nakaupo sa gilid ng puno habang nakayuko.

  Hindi ko alam pero bigla nalang ako dinala ng aking mga paa palapit sakanya ngunit habang palapit ako sakanya, eto nanaman yung mga gunggong na nagaalburoto sa katawan ko, kinakabahan at nabablanko ako tuwing sinusubukan kong humakbang palapit sakanya.

  "Pota! Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko pag nakalapit na ako?" Parang tangang tanong ko pa sa sarili ko.

  Nung malapit na ako sakanya, nawala lahat ng kaba at pagkablanko ko sa pagkarinig ko ng mga hikbi niya, napalitan ng galit at sakit sa puso dahil sa parang umiiyak siya.

  Dali dali akong lumapit sakanya nag iisip na bakit umiiyak yung bebe ko?! Pero kahit ganun Parang super hero akong dumating sa harap niya at sabay abot ng panyo sakanyang harap.

"Panyo oh" ani ko sa maamong boses.

  Tila nagulat ko ata siya at napatingin sa direksyon ng boses na kaniyang narinig.

  Dun ko nakita yung kabuuan ng kaniyang maamong mukha ngunit mamula mulang mga mata habang may luha paring tumutulo na nais ko sanang punasan gamit ang mga kamay ko pero pinigilan ko sarili ko at ngumiti nalamang.

  "Hindi ko pa nagagamit yan, sige na kuhanin mo na" sabi ko pa sakanya ng nakangiti para kunin niya na ang panyo ko.

"Hindi bagay sa maganda yung umiiyak haha" dagdag ko pa na nakaiwas na ng tingin sakanya.

  Pagkakuha niya ng panyo ko ay siya ring pagpahid niya sa kaniyang luha, at ako nama'y napatitig na ulit sakanya at sabay namula ang mukha ko nung nagtama mata namin.

  "Ang ganda niya talaga kahit na umiiyak siya" sabi ko pa sa isip isip ko.

  "Anong ginagawa mo dito? Bakit ka mag isa? Bakit umiiyak ka?" hindi ko matiis na magtanong sakanya

"wag kana umiyak oh" sabi ko pa sakanya    "nasasaktan ako eh.." sabay bulong ko na sinigurado kong hindi niya maririnig.

"W-wala to napuwing lang ako, haha!" Sagot niya na siyang sinabayan ng peke niyang tawa.

  "Aba! sino kayang maniniwala sayo na puwing yan! Kita mo may sipon sipon kapanga oh! Hahahaha!" Sagot ko sakanya na natatawa at umupo sa tabi niya.. shetttt nakatabi ko na si crush! Napatingin nalang ako sa kaniyang mga mata at ayun na nga nahulog nanaman ako sa mga mata niya, tumibok yung puso ko ng nakita kong tumingin siya sakin at ngumiti siya.. ngumiti ulit siya! Sobrang saya ko ng naulit yung pagngiti niya sakin.. shetttt sign talaga to ni Lord!

Napatigil yung pag dadaydream ko nung sinabi niya na aalis na daw siya dahil may dapat pa daw siyang gawin.

  "Salamat nga pala sa panyo! Ibabalik ko nalang to bukas" sabi niya at tumayo sabay ayos niya sakanyang sarili.

  "sige na bye Dave!" Sabi niya ulit sabay nginitian ako na nagpatameme sakin.

  Naiwan ako sa Garden ng tulala at nakanganga.

  Nang makabalik ako sa aking ulirat, napasabi ako sa sarili ko na kilala niya ako.. kilala ako ng bebe ko! Sigaw ko sa isip isip ko sabay nag tatalon talon sa garden. Wala na akong pake kung makita nila ako at isiping nababaliw na ako. Basta masaya akong kilala at nginitian ako ng bebe ko! Yieeeeeee.

  Pero napatigil ako ng maalala ko na hindi ko pala nalaman kung bakit nga pala siya nag iisa at umiiyak dito..

  "Hayaan mo na! Bukas naman makikita ko naman siya ulit katulad nga ng sabi niya, Hihi!" sabi ko sa sarili ko pagkatapos mag tatalon talon, sabay ngumiti.

  "Bukas ko nalang aalamin" sunod ko pa sabay napatingin sa langit .

  "Yes!" Sabi ko sabay suntok sa ere dahil sa saya na nararamdaman

  Excited na ako para bukas!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akala Ko Ba? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon