CHAPTER 2

4 0 0
                                    

CHAPTER 2

Nang minsang dadalawa nalang sila ng kanyang Nanay sa kwarto ay naisip nya itong tanungin patungkol sa aksidenteng nangyari.

"Ano ba talagang nangyayari sa atin Nay. Paano ba tayo naaksidente.?" May kuryusidad sa tono ng pananalita nya habang seryusong nakatingin sa ina.

"Nasunugan tayo ng bahay sa Olongapo anak walang natira sa atin ni isang kusing lahat ng gamit natin ay natupok. Mabuti na nga lang at naisipan akong alukin ng trabaho ni Niel sa isang restaurant dito sa Cavite. Papunta na tayo dito ng maganap ang aksidente. Maswerte parin tayo kahit papaano ay nakaligtas tayong dalawa, Anak."

Kitang kita nya ang pasasalamat sa mga mata nga kanyang Nanay. Habang kinukwento sa kay Julia ang lahat.

"Ang sunod kung problema ngayon ay ang matutuluyan natin. Paglabas mo dito sa ospital." Malungkot na tugon ng ina sa kanya at nag buntong hininga.

"Hindi nyo na kailangan problemahin yun. Doon na po muna kayo mamalagi sa bahay ko habang nagpapagaling si Julia." Singit naman ni Niel na noon ay kararating lang galing sa labas at may dalang mga prutas at ipinatong sa lamesa sa gilid ng kama ng babae.


"Wala din naman po akong kasama doon ngayon. Habang nagpapagaling si Julia kayo na po muna ang magbabantay sa kanya."

Agad syang lumapit sa babae at hinalikan ito sa noo.

"How's your feeling.?" Tanong nito sa kanya pagkatapos sya nitong bigyan ng halik sa noo.

Ngumiti sya ng pilit dito bago sumagot sa lalaking kasintahan.

"Okay na pakiramdam ko Niel medyo makirot lang ang ulo ko ng kunti." Matamlay nyang sagot dito nakumbinse naman ito at hindi na muling nagtanong na para makapagpahinga. Umupo nalang ito sa katabing upuan ng kama nya.

*************

PAGKALIPAS ng dalwang araw ay naka labas narin sya ng ospital. Medyo may kahabaan ang biniyahe nila mula sa ospital hanggang sa bahay ni Niel.

Agad syang na mangha ng makita nya ang bahay na tinutukoy ni Niel na pansamantalang tutuluyan nila ng kanyang ina.

Bukod kasi sa napakalawak na lupain na kinatatayuan nito ay napaka iligante pa ang hitsura ng bahay. Sa laki nito ay imposibleng si Niel lamang ang nakatira. Isa pa sa mga nakadagdag atraksyon kay Julia ay ang dagat na natatanaw sa likuran ng bahay ni Niel. Maging ang kanyang ina ay na mangha rin.

"Ikaw lang ba talaga Niel ang nakatira dito. Parang napakalaki naman ata nitong bahay na to.."

Dinig nyang tanong ng kanyang ina kay Niel. Maging ito pala ay nagtataka at namamangha rin.

"Ay hindi po. Dati po kasi buong pamilya kaming nakatira dito. Pero mula ng makapag asawa na yung dalawang ate ko kusa narin silang bumukod ng mga asawa nila. Sila Mama at Papa naman kasama ng kuya ko sa Canada. Ayun mga abala na sa mga apo nila. Naiwan nalang po akong mag-isa sa bahay."

Sagot naman ni Niel. Malaking tulong sa pagpapagaling ni Julia ang sariwang hangin at maaliwalas na kapaligiran sa buhay ni Neil. Bukod sa mga kasambahay nya ay hindi rin sya pinabayaan ng kanyang Nanay. Madalas din naman syang tawagan ni Neil para kumustahin kapag sya ay nasa opisina.

Mula ng umuwi sila ay bumalik na din si Niel sa pagtatrabaho. Sa kanya na kasi pinamana ng kanyang mga magulang ang family business nilang restaurant kaya batid ni Julia na hindi biro ang kanyang ginagampanan na trabaho.

"Alam mo, anak napaka swerte mo talaga jan kay Neil. Kung totousin ay marami na tayong gastos sa ospital pero ni minsan wala pa akong naririnig na reklamo mula sa kanya."

Nakita nya sa kanyang ina na sobra itong nag-alala sa mga nangyari at nangyayari sa kanila.

"Ilang linggo narin syang magbabantay sa'yo at lahat ng yun ay kinaya nya, anak."

Sa kwento ni Nanay ay namangha sya sa mga sakripisyo ni Niel. Tuloy ay napaisip sya kung pano nalang kung wala si Neil sa buhay nilang mag-ina.?

"Naaalala mo ba anak na inalok nya ako ng trabaho sa Restaurant nya kaya tayo pumunta dito sa Cavite? Pero hindi na nya ako pinag-trabaho sabi nya bantayan nalang daw kita at sya na ang bahala sa lahat."

Malaking bagay para sa kanya ang mga sakripisyong ginagawa ng binata para sa kanya. Kaya hindi nakakapagtaka na baka hindi na sya makatanggi pa kung ano man ang hingin nitong kapalit balang araw.

Itutuloy...

Living on Lies (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon