CHAPTER 3

3 0 0
                                    

CHAPTER 3

Julia's POV

Sa ilang araw na pamamalagi ko sa bahay ni Niel ay unti-unti na rin gumagaling ang mga galos ka sa katawan. Wala narin benda ang mga ito pero may kirot parin akong nararamdaman sa aking ulo. At dahil sa ayaw kung mag-alala si Nanay ay pinilit kung maging maayos sa paningin niya. Naka tulong din na nalilibang ako sa sarili ko sa pagtulong kay Nanay sa pagluluto. Kahit papaano ay marami narin akong alam lutuin dahil sa kanya.

"Julia magbihis ka. Ipapasyal kita sa restaurant."

Napangiti ako sa paanyaya ni Neil sa akin gusto ko yung idea na pamamasyal kaya agad akong gumayak. Halos ilang araw narin kasi akong nakatambay lang sa bahay. Nasa sasakyan pa lamang kami ni Neil ay abot tinga na ang aking ngiti. Ang gaganda kasi ang mga tanawing na daraanan namin. Kaya hindi ko mapigilang namangha. Medyo hapon na ng lumabas kami ni Neil at kaya medyo madilim na ng makarating kami sa restaurant nila.

Nasa garahe palang kami ay napansin ko na ang tila ba walang gasinong tao sa restaurant. Bahagya lang akong nagtaka dahil sa kabila noon ay nakangiti parin si Neil.

"Medyo weird ka rin pala ano.?"
Pagpuna ko kay Neil dahil sa naging ekspresyon ng mukha nya.

"Bakit naman?." Sagot niyang nakangiti sakin. At inalalayan ako pagbaba ng sasakyan.

"Diba dapat nababahala ka kasi kakaunti lang ang costumer nyo. Halos wala pa nga akong makita sa loob oh. E bakit nakangiti ka parin jan."
Mukha namang hindi sya nagulat sa sinabi ko.

"Makasama lang kita ngayong gabi Julia malaking bagay na yun sakin."
Tugun nya sabay hawak sa sa likod ko para alalayan. Hanggang sa marating namin ang restaurant nya at pumasok sa loob . Laking gulat ko ng makita ang mga talolo't na bulaklak na nakakalat sa sahig.

Tanging mga lampara lang ang nag sisilbing liwanag sa loob ng resto. Sinundan namin ni Neil ang mga talolo't na mga bulaklak na nakakalat sa daan papunta sa isang table.

Bago ako makarating sa table ay saka palang inilawan ng isang waitress ang kandila sa table. Saka nagsimula namang kumanta ang mga gitarista ng 'Everyday I Love You'. Hindi ko maitago ang kasiyahan sa mga ihinanda ni Neil para sa akin ng gabing iyon.

"Hindi kaya subra naman ata ang lahat ng ito, mahal." Sabi ko sa kanya. Dahil hindi talaga ako makapaniwala sa aking nasasaksihan. Subrang ganda at aliwalas ng kanyang restaurant batid ko na pinaghandaan nya ito ng mabuti. Kulang ang aking mga salita para mailarawan ang lugar na ito sa subrang ganda.

"Kulang pa nga ito mahal nagustuhan mo ba.?" Tumingin sya sa aking mga mata habang nakangiti.

"Oo naman. This is to much Niel pero thank you parin. Thank you for making me feel so special." Sagot ko naman sa kanya at mukhang lalo syang sumaya sa aking sinabi. Pagkatapos noom ay muli siyang tumayo at lumuhod sa aking harapan.

"Anong ginagawa mo.?" Pagtatakang tanong ko. Pagkahawak nya sa kamay ko ay tinanggal niya ang singsing na suot ko.

"Tika. Bakit mo tinanggal ang singsing na suot ko, mahal. Hindi ba ikaw din naman ang may bigay nito." Pipigilan ko sana sya subalit napangiti lamang sya sa naging tanong ko.

"You can't remember my last proposal so I'll do it again, more romantic and unforgettable." Sagot nya saka inilabas ang isang maliit na kahon galing sa bulsa nya. Nang buksan nya ang maliit na kahon ay namangha ako sa nakita kong singsing sa loob nito mas mukha syang mamahalin kisa sa dati kong suot na singsing..

Hindi ko malaman ang gagawin at mararamdaman sa mga oras na iyon. Nakangiti sa akin si Neil habang hawak ang kanang kamay ko at ang diamond ring. Unti-unting nahulog mula sa aking mga mata ang mga luha na pinipigilan kumawala kanina.

"Mahal, please give me a chance to hear your sweet yes again for the second time." He asked me and seriously looking at my eyes while holding my right hand.

"Oo naman hindi muna kailangan pang itanong lubos akong natutuwa at naliligayan sa mga ginagawa mo sa amin ng aking ina at alam kung lubos ang pagmamahal mo sa'kin at ganun rin ako." Sagot ko sa kanya ng hindi nagdadalawang isip. Habang tumumulo ang mga luha sa aking mga mata at nakangiting nakatingin sa mga mata nya.

"Maraming salamat, mahal at hindi ka nagdalawang isip sa proposal ko sa pangalawang pagkakataon." Sagot nya sa akin habang unti unting sinusoot sa akin ang singsing na hawak nya. Matapos noon ay tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit kasabay ng matamis na halik iginawad nya sakin.

"Diba ikaw nagbigay sa akin ng singsing na yan? Bakit kailangan mo pang palitan.? Pagtanggi ko sa kanya dahil nais nyang hubarin ang singsing na suot ko ngayon..

"Pangit at simple lang kasi ang una kong singsing na ibinigay sa iyo kaya naman balak kong palitan ng mas mahal at mas maganda.." Sabi nya at tuluyan ng hinubad ang singsing at pinalitan nya ng baho.

"Pwede ba na sa akin nalang ang singsing na yan. Mahalaga sa akin yan dahil sabi mo ikaw ang nagbigay niyan noong unang nag propose ka sa akin noon.." Kinuha ko ang singsing sa kamay nya baka kasi itapon nya. Balak ko nalang itago hindi naman sya tumanggi bagkos ay ngumiti lang sya.

"Hali ka na at kumain na tayo habang mainit pa ang mga pina handa kong pagkain para sa ating dalawa." Sabi nya sa akin habang hawak ang aking likod pa tungo sa upuan at dahan dahan naman nya itong hinila upang maka upo ako. Simula palang nakitaan ko na ng malambing at maalaga talaga sya kung kayat alam ko na sya talaga ang aking minamahal at hindi ko kailangan mag duda pa.

"Lahat ng paborito mong pagkain pinahanda ko mahal." Hinawakan nya ang aking kamay at masiglang nakangiti sa akin. Batid ko na subra ang kanyang ligaya.

"Maraming salamat at hinanda mo ang mga paborito kong pagkain kahit na hindi ko maalala sa ngayon sa palagay ko ito talaga ang aking paborito, mahal." Nakangiting tugon ko sa kanya at nagsimula na kaming kumain naisipan ko na siguro nga ito ang mga pagkain na gusto ko. Si Neil naman ay tumango na lamang habang nakatingin sa akin at nagsimula na ring kumain.

Matapos ang gabing iyon hindi na ako makatulog dahil hindi ako makapaniwala na ikakasal na ako kay Neil hindi namin napag-uusapan ang petsa pero sabi nya mas maaga, mas maganda. Para daw magkaroon na agad kami ng mga anak at ng mabigyan ko na ng apo ang aking Nanay. Labis naman ang tuwa ng aking ina sa binalita namin ni Neil sa kanya at sumang-ayon na madaliin ang aming kasal dahil gusto na nga rin nya ng mga makukulit na apo.

Iniisip ko palang parang ang saya kapag nangyari talaga. Kaming dalwa ni Neil ay masayang nagpapalaki sa aming makukulit na anak balang araw. Parang subrang saya nun sana walang maging problema sa amin ni Neil balang araw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living on Lies (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon