C H A P T E R O N E

69 6 1
                                    

¤   ¤   ¤

This story is inspired sa story ni ate Steff na Ice Freeze nakapagpaalam naman ako sakanya at okay lang kaya maraming salamat sa maganda nating author na si ate SteffEncarnacion (Try to read her stories rin po)



¤   ¤   ¤



"AAAAAYYYYYSSSSIIIII!!!" nilingon-lingon ko ang paligid kung saan nagmula ang boses na sumigaw ng aking pangalan then I saw Kaylie na tumatakbong papalapit sa akin habang hawak ang kanyang iphone.



"Kyaaah" tili niya ng nakalapit siya sa akin. Oh my ghad! bakit ba 'to tumitili? may saltik ba 'to sa ulo? Minsan nga nagtataka ako kung bakit ko 'to naging kaibigan e.



"Will you shut your mouth?" bulong ko.



"Sorry na po. Pero, I can't help it." tugon nito at nag-giggle pa. Tss, abnormal friend -__-



Humakbang na kami papasok sa school campus. And, as usual, tumatalak ang kasama ko, kung anu-ano ang kinukwento sa akin. As if I care?



"And you know what? my cousin will transfer here kaya ako excited ngayon" saad niya.



"Don't care" malamig kong sabi.



"Lagi naman e. Kung may ikwe-kwento ako sa 'yo--- you always say 'I don't care' or 'Don't care'" she said na para bang nagtatampo. Tss, childish as always.



Well, this is me. Wala akong paki-alam sa mga bagay-bagay sa paligid ko, they call me Ice Princess by the way.



"Good morning, class" bati ng guro pagpasok sa classroom. Bumati naman sila at ako naka-upo lang. Bastos na kung bastos.



"So today, you'll be having your new classmate na galing sa ibang bansa that's why late na siyang nakapag-enroll"



Inub-ob ko lang ang mukha ko sa desk dahil hindi ako interesado sa bago naming classmate. Wala akong paki-alam sa kanya.



Kaylie's POV



Tinignan ko ang natutulog kong kaibigan. Hays, bakit ba sobrang lamig ng taong 'to? hindi ko nga rin alam kung bakit naging kaibigan ko ang Ice Princess na 'to e.



Since kindergarten pa siya ganyan at naging magkaibigan lang kami nung binigay niya sa akin ang baon niya dahil naiwan ko ang baon ko sa bahay noon.



At kahit cold siya sa akin, I insisted na maging magkaibigan kami kaya hanggang ngayon magkaibigan pa rin kami.



"Hi. I'm Trevor Austin Montgomery. Nice to meet you guys" sabi niya at ngumiti kaya naman tumili ang mga kababaihan. Ghad! grabe talaga ang epekto ng taong 'to lalo na sa babae. Kung pwede lang akong sumigaw ng 'Pinsan ko 'yan!' e.



"SHAAATAP!!" lahat ng estudante sa loob ng classroom ay napatahimik dahil sa sigaw na 'yun, ang sumigaw ay walang iba kundi si Icy, ayaw niya kasing maingay ang paligid niya.



"Ahm, Mr. Montgomery? how are you related to Kaylie Montgomery?" tanong ng guro namin kaya naman ang atensyon ay napunta sa akin.



"She's my cousin" sabi niya. Yieee, proud cousin here. Bukod kasi sa gwapo 'yang si Trevor ay mabait din at matalino, package na kumbaga.



Umupo naman siya sa tabi ko at napatingin sa katabi kong tulog na tulog. "Sino siya? Siya 'yung sumigaw kanina, diba?" tanong niya.



"Oo. Si Iance Chanelle Ysabelle Montenegro 'yan, In short, Icy. Talagang ganyan siya, masasanay ka rin" sabi ko.



Hinintay naman namin hanggang matapos ang morning class para makapag-recess na dahil kanina pa nagwawala ang nga alaga ko sa tiyan.



Nag-bell na at tulog pa ang babaita.



"Kaylie, una na ako ha? see you later" sabi ni Trevor at umalis. Pero, alam ba niya ang pasikot-sikot sa school na 'to?



Hayaan na.



Nag-unat naman si Icy, sa wakas!



"Tara" tugon niya at lumabas ng classroom kaya agad ko siyabg sinundan at baka iwan pa ako.



Nasa food court kami ngayon nakain.



"Kaylie, pwede maki-join? wala ng vacant e" inangat ko ang tingin ko at nakita si Trevor kasama si Waxy at isa pang lalaki.



"Yeah, sure" saad ko. Umupo naman sila.



"Ahm...Iance, right? I'm ---" naputol ang sasabihin ni Trevor dahil sa biglaang pag-alis ni Icy at dumiretso sa pinagbibilhan ng mga inumin.



"Wag nang magpakilala Trevor, wala 'yang paki-alam sa 'yo" sabi ni Waxy sakanya. At kailan pa sila naging close?



"Uhhh, close kayo?" tanong ko.



"Oo. Matagal na" sabi ni Waxy.



"I'm Baron by the way" pagpapakilala ng isang kasamahan nila. Okay.



"Kaylie"



Bumalik na si Icy at tinuloy ang pagkain niya. Talak lang kami ng talak dito para mapansin kami ni Icy pero concentrated talaga siya sa pagkain niya e.



"Nakikita ba niya tayo?" bulong ni Baron sa akin.



"Oo naririnig ka pa nga e" sabi ko sakanya



Nagpatuloy kami sa pagkwentuhan at 'di na pinaki-alaman si Icy.



"Sana makapag-hang out tayo sa susunod" sabi ni Baron.



"Sure. I like that" sabi ko naman.



Nagbalikan na kami sa aming mga classroom because recess is now over. Parang ang bilis naman ata ng oras e, bitin ako sa pagkwekwentuhan.



¤   ¤   ¤

-May 10, 2017. Wed.
   -11: 17 pm


VOTE AND COMMENT ♡

Ms. ICY ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon