¤ ¤ ¤
[Icy!] sigaw ng tao sa kabilang linya, psh. Bakit ko pa kasi sinagot ang tawag e.
[Pwede ba huwag kang sumigaw?] sabi ko sakanya. Atsaka, ano bang kailangan ng taong 'to at tumatawag ng napakaaga. Alas otso palang oh.
[Hehe. Sorry po] aniya. Tsk.
"Anong kailangan mo?"
[Hipndi pwedeng umayaw ka dito ah, magbihis ka na kasi magsisimba tayo...isama mo na rin si Warm...sa church ang meeting place] aniya. Psh, yeah, hindi pwedeng umayaw ako kasi sigarado akong pipilitin nanaman niya ako.
"Tsk" sabi ko bago binaba ang tawag. Sinabihan ko na si Warm na magbihis bago nagpunta sa kwarto ko para na rin maligo.
Pagkatapos ay sinundo ko na si Warm sa kanyang kwarto para pumunta na sa simbahan. Ano bang naisip ni Kaylie at nag-ayang magsimba? santa na ba ang kaibigan ko?
Motor ang gamit namin ni Warm papunta sa simbahan. Wala e, ayokong gumamit ng kotse.
Pinarada ko ang motor ko sa parking space para sa mga motor atsaka bumaba. Nagpunta kami ni Warm sa entrance ng church at doon namin nakita sina Kaylie at 'yung babaeng nakita ko sa bahay nila Trevor. . . 'yung kapatid ata niya 'to e.
"Shasha?" wika ng kapatid ko at nakakunot ng noong nakatingin sa kapatid ni Trevor.
"Reese?" wika naman ng isa. Pumagitna naman sakanila si Kaylie.
"You know each other Trish?" takang tanong ni Kaylie.
"Yeah, she's my friend!"
Tinaggal ni Warm ang pagkakakapit sa aking braso at kinawit niya ang kanyang kamay sa braso ng kaibigan niya "Tara na po ate Kaylie, magsisimula na ang mass" sabi ni Warm.
Sumunod naman ako sa kanila, nasa likod kasi nila ako at syempre hindi ko alam kung saang banda umupo ang pinsan ni Kaylie.
And the mass has started. Nakinig lang ako sa buong seremonyas ng pari, pagkatapos ng mass ay lumabas na kami sa church at dumiretso sa parking space.
"Saan next stop, kuya?" tanong ni Trisha sa kuya niya. What the? akala ko ba magsisimba lang? eh bakit maglalakwatsa ata ang gagawin ng mga 'to e.
"Kain muna tayo, then pupunta tayo sa newly open na carnival na malapit dito" sabi niya.
BINABASA MO ANG
Ms. ICY Cold
Teen FictionIcy. Tandaan ang pangalang iyan para maihanda mo ang iyong jacket sa tuwing siya'y makakasalamuha mo. Si Icy ang tipo ng babaeng walang paki-alam sa kanyang paligid, hindi siya agad nagpapakita ng kanyang ekspresyon at hindi siya mahilig makisalamuh...