C H A P T E R F O U R

58 3 0
                                    

¤   ¤   ¤

"Ate Chanelle!"

"ATE IANCE CHANELLE YSABELLE!"

"ATE---"



"WHAT?!" bulyaw ko sa kapatid ko at inis na nakatingin sa kanya.



"You're disturb---"



"Kuya Trevor is waiting for you downstairs, may lakad ba kayo?" she said. Anong ginagawa ni Trev --- oh shit, sabado pala ngayon at ngayon namin gagawin ang pesteng project na 'yan.



"Anong oras na?" tanong ko kay Warm.



"Uhh, eleven thirty" she stated which made my eyes wide. Fvck.



"Tell him to wait for me. Fifty-five minutes." sabi ko at agad na nagpunta sa banyo para maligo. Tsk, I haven't rush like this before.



Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako at naabutan ko si Trevor at Warm na nag-uusap.



"Let's go" sabi ko para makuha ang kanilang atensyon.



"Where are you going, ate?" tanong ni Warm.



"May gagawin kaming project" sagot sakanya ni Trevor. Wait lang, siya ba ang tinatanong ni Warm para siya ang sumagot?



"Okay. Ingat" sabi niya at umalis.



"Shall we go or dito na natin gawin ang project na 'yan?" tanong ko sakanya dahil nanatili parin siyang naka-upo sa couch namin na para bang wala nang balak umalis pa doon



"Nope. Sa bahay na namin, sayang naman ang hinanda ko" sabi niya. He doesn't need to prepare. Camera at konting props lang naman e.



Sumakay na ako sa kotse niya and habang nasa loob ng kotse e tumatalak ang kasama ko. No wonder, magpinsan nga sila ni Kaylie.



"Anong ia-advertise natin?" tanong niya. I shrugged.



"Trust or Durex?...HAHAHA" sabi nito at humalakhak kaya naman napatingin ako sakanya --- poker face...is he serious? mag-aadvertise siya ng condom?



"Tss. Why do I have an abnormal partner, psh" bulong ko at tumingin nalang sa labas ng bintana.



"Oy, joke lang 'yun. Pinapatawa lang kita" sabi niya.



"Well, it's not funny" sabi ko at inirapan siya.



Naging tahimik ang buong byahe namin papunta sa bahay nila which made me feel good. Ayoko kasi sa mga maiingay pero nasanay na ako kay Kaylie.



Bumaba na kami at sinalubong kami ng isang batang babae na kasing edad lang ata ni Warm.



"Hi po, welcome to our home" ngiting bati nito, I just stared at her.



"Trish, tulungan mo nalang muna si yaya na maghanda ng merienda" sabi ni Trevor.



"Yes kuya" sabi niya at nagsalute pa. Nasa lahi nga talaga nila ang hyper.



"She's Trisha my younger sister" sabi niya.



Pumasok naman kami at nagtungo sa sala nila and I saw a lady na nakatingin sa laptop niya, nanonood ata.



"And she's Trixie my older sister" saad niya.



"Uhm, who cares?" sabi ko pero ngumiti lang siya.



"Ate! anong magandang i-advertise?" sigaw niya sa kapatid niya.



"Kayo bahala!" sigaw rin niya at nakatutok parin sa laptop niya. Uso ba sakanila ang sigawan?



"Tsk. Sige, punta na kami sa likod" tugon ni Trevor at hinila ako papunta sa likod ng bahay nila.



Umupo naman kami sa lounge chair dito sa labas at nagsimula ng pag-usapan ang tungkol sa aming project. I can say na creative naman pala ang taong 'to, siya lahat nag-plano e para ngang pinaghandaan niya kagabi tapos sinasabi niya lang sa akin ang mga dapat gawin.



Pagkatapos ng kanyang pag-plano ay inaya niya akong kumain ng lunch, hindi nga pala ako nakapag-breakfast kanina, psh.



"Oh, by the way she's Icy" sabi ni Trevor pagkarating namin sa dining area nila, napatingin sa akin ang dalawang babae.



"Girlfriend mo?" tanong ng babaeng nasa sofa kanina na nagla-laptop.



"Hindi. Partner ko lang sa isang project, hindi mo nga siya napansin kanina kasi nakatutok ka sa laptop mo e" sagot niya.



"Hi Icy, ako nga pala si Trixie at siya si Trish" sabi niya sa akin.



"Okay" maikli kong sabi.



Nasa hapag kami at kung anu-ano ang sinasabi nila sa akin as if I care. Kung anu-anong putahe pa nga ang nilagay nila sa plato ko kaya naman sapilitang uubusin ko ito.



Pagkatapos naming kumain ay saglit kaming nagpahinga bago pinagpatuloy ang aming proyekto.



After one hour and fifty-two minutes ay natapos na namin ang project, simpleng advertisement lang pero umabot kami ng halos dalawang oras.



"I-eedit ko nalang ito" sabi niya.



"Okay" tugon ko.



Pinagmerienda niya ako sa bahay nila pagkatapos ay hinatid na sa amin.



"Bye, Iance!" sabi niya at kumaway pa, tinitigan ko lang siya bago pumasok sa bahay namin.



Pumasok ako sa bahay at kung anu-anong mga tanong ang binabato ng aking kapatid at ako naman sinasagot ito sa maikling mga salita. Ayoko masyadong magsalita ng mahaba, nakakatamad.



¤   ¤   ¤


-May 15, 2017. Mon
-9:35pm

Ms. ICY ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon