4 - Closer

6.8K 122 23
                                    

Chris

"Ano ba, Chris? Kumain ka nga muna. Puro ka na naman cellphone." Sermon ni Mama kaya tinigil ko ang pagte-text sa Baby ko. Hay.

Tinabi ko ang phone ko, at oo na, kakain na nga. Pero mukhang busog na ako, ako 'yong nabusog sa pagtatadtad ko ng mensahe para sa aking girlfriend. Assuming lang. Eh, doon rin naman pupunta. Advance lang ako mag-isip.

"Ikaw ha, baka naman kinukulit mo na si Max ha."

Ako? Kinukulit ko si Maxene? Mabuti at alam nila.

"Ma, ano ba? Hindi." Sagot ko at tumingin sa kanya.

Hindi ko naman kinukulit si Max eh, hindi naman ata pangungulit 'yong lagi kong pagsunod sa kanya, pag-text at pangti-trip, mahal ko lang talaga kaya ganoon. Haha.

"Hintayin mo 'yong tao. 'Wag kang atat na sagutin ka na." Sabi niya pa.

Ano ba 'tong ginagawa ko? Oo naman, hinihintay ko 'yong mahal ko at handa talaga akong maghintay para sa kanya. Kahit gaano pa katagal, pero matagal na rin pala, pero kaya pa, kakayanin ko.

Kumuha ako ng tinapay at nagsimula nang kumain. "Sus. Eh kayo ni Papa? Sabi sa'kin ni Papa, sinagot niyo raw siya agad eh." Banat ko at natawa kami ni Papa.

"Eh, hindi nga eh. Pinilit niya lang ako." Pambawi naman ni Mama.

"Ling, 'wag naman ganyan.." Saad naman ni Erpat. At ang kalandian ni Papa, feeling ko, ganoon ako kalandi. Mana lang, so kasalanan ni Papa. Haha!

"Eh, totoo naman. Sabihin mo riyan sa anak mo."

Paano kaya kapag kami na ni Max? Tangina, 'di ko ma-imagine. Feeling ko, sasabog ako sa sobrang saya. Sarap talaga mag-imagine ng future eh.

Tapos, lagi ko siyang dadalawin sa bahay. Lagi ko siyang padadalhan ng bulaklak, lagi ko siyang sosorpresahin. Lagi kami magde-date at mamamasyal. Lagi ko siyang yayakapin. Lagi ko siyang pasasayahin. Lagi ko siyang hahalikan. Pake niyo?

Tapos, 'pag mag-asawa na kami, 'di ko siya sasaktan. Maglalaro kami kasama ang mga bubwit namin. Tapos aalagaan namin ang isa't isa. Paliliguan niya ako, ganoon. Maglalandian kami. Sarap mag-imagine. Hindi na ako makapaghintay na maging totoo at mangyari na 'to.

Tapos imagine, 'yong wala kang nararamdaman pagod sa trabaho dahil alam mong may asawa kang uuwian, sarap siguro sa pakiramdam. Kakayod ka para sa asawa at mga anak mo. Tapos pagkauwi mo sa bahay, ayun, sexy na Misis ang bubungad sa'yo.

Max, hintayin mo 'ko. Lapit na maging tayo, sasagutin na kita. Pero ayaw niya pang sagutin ko siya eh.

Loko lang.

"Ling, fiesta na sa probinsya, sa Sabado. Iniimbitahan tayo ni Nanay Juliet. Inaasahan niya na kumpleto tayo kasi sabay ang reunion ng pamilyang Castro." Sabi ni Papa kaya napatingin ako sa kanya. Pista? Ulit?

"Edi pupunta tayo." Sagot ni Mama.

"Kaya magle-leave muna ako sa trabaho ng dalawang araw, Sabado at Linggo. Para makadalo tayo sa fiesta."

Bigla akong natigilan. Tangina. Paano 'yong project namin ni Max?! Edi hindi namin magagawa? Paano kung hindi na lang ako sumama? Magandang idea.

Uminom ako ng tubig. "Pa.. Ma.." Tawag ko. "Hindi po ako makakasama." Sabi ko at bigla silang napatingin sa akin.

"Ha? Bakit?" Tanong ni Mama.

"May gagawin po kaming project ni Max at 'di ko po siyang kayang iwan ng dalawang araw. Ikamamatay ko." Sabi ko at binatukan ako ni Mama. Tae, seryoso ho ako. Ano ang akala nila, joke?

Dahil IkawWhere stories live. Discover now