38 - Home

3K 70 12
                                    

Nakaupo ang lahat, maliban kay Chris at Andres na nakatayo. Lahat sila ay nakatutok sa mag-inang magkayakap na nasa kanilang harapan, na para bang nanonood sila ng isang madramang palabas. Wala munang nagsalita, simula pa nang pumasok si Max kasama ang anak niya at ang kaibigan sa loob.

Nagulat ang lahat, nagugulat pa rin sila hanggang ngayon sa mga dumating. Hindi nila inaasahan, syempre, sino ba namang aasa na magpupunta ang kaibigan nilang ilang taong hindi nila nakita? At ang mas nakakagulat, kasama nito ang anak niya na hindi nila inaasahang makikita muli, lalo na ni Chris.

Pumasok si Max buhat ang kanyang anak sa loob ng condo, nagkasalubong ang mata nila ni Chris. Ang kanya, magang-maga at kay Chris ay malamig na hinaluan ng gulat. Gumilid si Chris upang magbigay daan, simbolo iyon na pinapapasok si Max kaya't pumasok siya at kasama niya rin ang kaibigan niyang si Chiara na dala ang hindi namang kaibigatan na mga gamit nila.

At ngayon, katahimikan ang namamayani sa lahat. Pati rin ang anak ni Max na kilala nilang madaldal, naging tahimik at nahihiya na nakayakap sa ina habang nakaupo rito sa sofa, katabi si Chiara at kaharap ang mga kaibigang lalaki na nasa kabilang upuan.

"N-nasaan si Jayden?" At sa wakas, nabasag na ni Max ang katahimikan.

Nagtinginan ang tatlo, sina Kean, Andres at Patrick na para bang nagtatanungan.

"Lumabas ata. Hindi ko alam, Max eh." Sagot ni Kean.

"Gago 'to. Lumabas talaga, halatang hindi nakikinig kaka-Mobile Legends eh." Sabi ni Pat.

"Wow ha, parang hindi ka naman adik."

Habang nagsasagutan sila, iba naman ang ginagawa ni Chris. Sunusuri niya ang babaeng nasa tapat niya, mula sa hitsura nito hanggang sa kabuuang kasuotan ni Max. Simpleng denim shorts at shirt lang ang suot ni Maxene, flats naman ang suot nito sa kanyang perpektong paa, at nakalugay ang buhok niyang kulot. Malaki nga ang pagbabago, at hindi maiwasan ni Chris ang hindi hangaan ang kagandahan ng dati niyang kasintahan.

"Tama nga sila, parang hindi siya nanganak." Saad niya sa isip pero unti-unting nawala iyon nang mapalitan ang pag-iisip niya ng mga bagay na ikalulugmok ng puso niya.

"So anak niya pala 'tong batang 'to, anak nila ni Hades. Wow, pamangkin ko pala si Lennon. Haha." Mapait na sabi pa niya.

At isa rin sa napapansin ni Chris ang hindi pagtapon ng tingin sa kanya ng babae. Paano ba siya magawang tignan ni Maxene kung wala siyang saplot sa itaas? Topless.

"Ah, Pareng Chris, baka naman, gusto mo munang mag-shirt? 'Di ba?"

Bahagyang namula si Chris sa pagpansin sa kanya ng kaibigan niyang si Andres kaya pasimple siyang umiwas ng tingin mula kay Max.

"Doon muna ako." Paalam ni Chris at umalis muna.

Napamura si Chris dahil sa isang dahilan. At dahil sa wala siyang suot na damit, malakas ang posibilidad na nakita ulit ng Max ang pangalan na nasa braso niya. Ang tattoo.

"Nakita niya kaya? So what, 'di ba?"

Hindi pa man nakakapasok muli si Chris sa silid, narinig niya nang nagsimulang magsalita si Max. Hindi niya naiintindihan ngunit alam niya na tungkol ito sa kung bakit sila naririto at may dalang gamit.

"Ayaw niya bang malaman ko?" Tanong ni Chris sa sarili, sarkastiko at mapait. Ulit.

Natapos si Chris, hindi niya alam pero may nagtulak sa kanya upang bilisan at lumabas ulit. At ang nasaksihan niya, mas ikinapait ng nararamdaman niya.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now