6 - Safety

4.9K 106 7
                                    

Chris

Kanina pa ako nag-aalala. Kanina naman, hindi siya ganito. May problema ba na naman siya?

Magkatabi kami sa mesang ito, pero hindi na siya umiimik pa, kanina pa simula noong naghapunan kami, tapos hanggang ngayon na gabi na. Hiya? Hindi ko nakikita ang hiya niya, lungkot ang nakikita ko. Tinatanong ko naman kung ano ang problema niya, hindi naman sumasagot at umiiling lang siya.

Binibiro ko pa siya kanina habang nagdi-dinner kami, pero syempre, siya lang ang sinasabihan ko ng joke ko pero ngiti lang 'yong tipid niya sa akin. Max, nalulungkot din ako..

Alas 8 ng gabi, ngayon ay nandito kami sa bakuran ng bahay kung saan nagkalat ang mga upuan at mesa para sa lahat, para sa fiesta na magaganap. Rinig ang tawanan at kasiyahan ng lahat, pero ako, hindi ko magawang maging masaya dahil malungkot ang mahal ko.

Maiintindihan ko pa kung may LQ kaming dalawa para hindi niya ako imikan eh. Pero wala naman kaming LQ dahil unang-una sa lahat, hindi pa kami at pangalawa, kung mayroon man, ako ang susuyo sa kanya. Pero wala talaga, hindi ko alam. May masakit ba sa kanya?

Tinignan ko siyang muli, nandito siya sa aking tabi, at nanatili pa rin siyang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri niya. Hinawakan ko ang kamay niya at in-intertwine ko sa akin, napatingin siya sa akin. At hindi pa ako nakontento, hinila ko si Max palayo rito sa maraming tao. Gulat siya pero hindi naman siya umangal, nagpahila lang siya sa akin at hindi nagsalita. At nang makalayo kami at medyo tahimik na ang lugar, tumigil ako at humarap sa kanya.

"Max, may masakit ba sa'yo? Ha?" Tanong ko at yumuko ulit siya. Tumingin ako sa mga mata niya at mukhang may problema nga.

Para siyang matamlay at mukhang.. naiiyak?

Nag-aalala na talaga ako, tapos hindi pa halos ginalaw 'yong pagkain niya, hindi siya kumain masyado. Syempre, sino ba naman ang hindi mag-aalala? Malay mo, may masakit sa kanya pero hindi niya lang sinasabi.

Hinawakan ko ang mukha niya para iangat sa akin. "Hindi mo ba nagustuhan 'yong pagkain? Tara sa loob, ipagluluto kita--"

"Chris, hindi.." Malumanay na sagot niya at tumingin na sa aking mga mata.

Tinapatan ko ang mukha niya at hawak ko pa rin ang baba niya. Kilala ko na 'to, alam ko ang bawat emosyon ng mga mata niya.

Ito na naman, mukha ngang naiiyak.

"May masakit ba sa'yo?" Nag-aalaang tanong ko habang chini-check kung may lagnat siya o anoman iyan. Pero umiling-iling lang siya.

Tinignan ko lang siya sa mata hanggang sa bumuhos na ang mga luha niya. Tangina. Sabi na eh.

"Max.. Kinakabahan na ako ah." Sabi ko at bigla niya akong niyakap nang mahigpit. 'Yung yakap na parang mawawala ako.

Takot? Bumabalik na naman 'yong takot niya? Takot niya na hindi ko alam kung ano. Ganito 'yong dati eh. Iyakin pero alam kong may dahilan. Pilit ko sinasabi sa kanya na mapagkakatiwalaan niya ako pero pilit niya ring sinasarili. Gusto kong manghimasok sa buhay niya, hindi para malaman ko kundi para matulungan siya. Ayaw ko siyang nahihirapan eh, mahal ko siya.

Dati pa, pero naiintindihan ko, nirerespeto ko kung ayaw niyang sabihin sa akin.

"Max naman. Ano bang problema ng mahal ko? Sabihin mo sa'kin, please? 'Di ba, sabi ko sa'yo, nandito lang ako?" Tanong ko habang hinahaplos ang likod niya at hinalikan ko siya sa buhok.

Tuluyan na siyang nakayakap sa akin at dito sa dibdib ko umiiyak. Tahimik na iyak lang at pasinghot-singhot.

Kung ayaw niyang sabihin, sige. Mahilig pa rin magsarili ng problema kaya mas sumasakit.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now