Chapter 4

192 15 0
                                    

Hanggang ngayon ay na bubuweset parin ako sa babaeng yun. Grabe ang bastos niya, gusto ko tuloy siyang ipakain sa pating.

Tsaka girlfriend ata yun ni kuya fogs. Kung maka 'Babe' silang dalawa sa isa't isa, wagas. Parang bumaga ng apoy sa ulo ko. Sarap letchonin ng babae yun, ang malas talaga ni kuya fogs sakanya, Sobrang malas, swerte sana kung ako nalang. Ohh diba? wag na kayong mag reklamo, libre mangarap.

Nalimutan ko sabihin sa inyu nangyari kanina.

-FLASHBACK-

Pumasok na ang teacher namin kaya naman lahat kami nagsitayuan.

"Goodmorning Class." sabi ng teacher na nasa harap na namin ngayon.

"Goodmorning mam." sabay sabay naming sagot at agad naman niya kaming pina upo pagkatapos.

"So I will be your adviser section A. I am Ferdelinia Guanva. Or for short you can call me," Ma'am Linia " Nakatapos ako ng pag aaral ko dito sa Xavier Academy, I am the valedictorian of the school year 1989-1990. And.."

Ano bayan, di naman namin tinatanong tungkol sa buhay niya pero nag mmk na ata to, ano ngayon? Makakatulong ba yan sa pag aaral namin? Magiging 'Valedictorian' din ba kami pag sinabi niya yun? Ugh.

Ang dami-daming sinabi ni mam tungkol sa buhay niya pero ni isa wala akong matandaan.

"So now, it's your turn." sabi ni mam. "Sino gusto mauna?" bigla nalang nagkagulo sa room dahil nag tatalo sila kung sino mauuna.

"Keep quite section A!" sigaw ni mam at agad namang natahimik ang lahat.

"Ganito nalang, After you introduce yourself, you're going to describe your seat mate. Like for example is.." sabi ni mam at tinignan niya kami na parang may hinahanap. "You! Girl at the back." sabi ni mam at nakaturo sakin ang kamay niya.

"Ikaw daw bes! Bilis doll." bulong ni ashley sakin.

"Ako mam?" I asked.

"Yes, and also you at her side." sagot sakin ni mam at tinuro pa niya si kuya fogs.

Sh*t sa dami-dami namin kami pa talaga nahanap ni mam? Tadhana nga naman, ang bait-bait mo talaga sakin!

"Ikaw miss, pagkatapos mo i-introduce ang sarili mo, kailangan mong i describe ang katabi mo, and tell him also your expectation to him. At ganun din ang gagawin mo mister, I dont know your name yet." sabi ni mam saka umupo na siya, "Lahat kayo ah. So mauna na kayo miss." dagdag pa ni mam at lahat naman sila nakatingin samin, like o my god. Nakakahiya, diko alam pano ko sisimulan to.

Pumunta na kami sa harap kasi kami yung seat mate at sh*t, bakit napaka kalma lang niya? Habang ako naiihi sa kaba. Bakit ba kasi kailangan pang i describe?! Ugh! Si mam kung ano-ano pumapasok sa isip niya, kaya siguro naging Valedictorian to eh.

Pagkatapos ko ipakilala sarili ko, oras na para i describe ko siya. Whhaaaaaat?! ano nang sasabihin ko?! Uhhh! Sasabihin ko bang guwapo siya? Na cute siya? Na ano, yung ano! Ugh! Magsisimula na ako!

"Hello sayo, umm. ehh, haha, uhh! Wait. Hehe wait. Ahhh hahaha." sh*t wala akong masabi.

"Ang cute mo, ahihi. At sana maging close tayo. Yun lang thank you!" yan lang ang nasabi ko, o my god! Wag na kayong ano wala akong masabi eh! Pagbigyan niyo na ako, kinapalan ko na mukha kong sabihin yun sakanya eh.

"Woah! Bes ko yan!" sigaw naman ni ashley sa likod, at lahat naman kami napatingin sakanya, para siyang tanga. Ako tuloy nahiya sakaniya.

"I'm Mark Kendrick Fortez, 19 years old. I love to play music, not girls. I write songs not stories, I like to sing, yan lang muna. Tinatamad pa ako." Natahimik kami lahat sa sinabi niya.

Ano daw?! Grabe din pala to si kuya fogs. Medyo may banat pag iintroduce niya sa sarili niya, aheee mas lalo akong na iinlab.

Bigla siyang tumingin sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Sh*t anong ginagawa niya?!

"You look perfect." sabi niya.

ANOOOOO DAAAAAWWW!!!???

Omg! Gisingin niyo ako! Buhusan niyo ako ng isang baldeng tubig! Nanaginip ako! Wake me up! Wake me up!

-END OF FLASHBACK-

My Idol Is My BoyfieWhere stories live. Discover now