Chapter 11

189 11 0
                                    

Habang naglalakad kami ay diko maiwasan tignan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Nilalamig nako, hindi dahil sa panahon ngayon kundi sa hawak ng kamay niya.

Bigla siyang huminto sa paglalakad at ganun din ang ginawa ko. Dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko at humarap saakin.

I don't have words to say. Nakatingin ang mga mata niya sakin, ano bang balak neto? Parang gusto nako kainin. Napaka tahimik ng paligid namin, wala kasing tao dito, malayo na kami ngayon sa kinaroroonan namin.

"Anong ginagawa natin dito?" Mahinang tanong ko.

"Hindi mo ba ako naalala?" tanong niya sakin.

"Naalala? What do you mean?" Tanong ko pabalik sakanya.

Sasagot pa sana siya ng bigla ako makaramdam ng hampas sa likuran ko at yun din ang dahilan ng pagkagising ko.

"Araay!" sigaw ko.

"Umayos ka nga, ang daming tao dito at nakatingin sila satin, mamaya kana matulog sa bahay." Magalit galit na bilin ni mama sakin.

Tumingin ako sa paligid at tama, sakin nga nakatingin ang mga tao at isa nadon si kendrick na nakangiti.

"Panaginip lang pala." Bulong ko sa sarili ko.

"You're daugther is so cute mare, Napagod kaba eha?" Tanong pa sakin ni aunte. Mama ni kendrick.

"Ha? Ha. Gutom napo kasi ako." Sagot ko.

"Oh, ayan na ang order natin." Sabi neto.

Pinarada na sa lamesa ang maraming pagkain, gosshh! Anong kakainin ko? Sa dami neto wala akong mapili, may dessert pang kasama, pero usa lang talaga ang umagaw sa atensyon ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"FRIIIIIEEEEESSSSSS! FRIES!"

Nang matapos na kami kumain ay nagpahangin muna ako sa labas, nilalamig ako. Hindi kasi long sleeve itong suot ko.

Nagulat ako ng biglang may tumabi sakin.

"Mag isa ka?" Si kendrick lang pala.

"Hindi, dalawa na tayo dito eh."  Sagot ko at napangiti naman siya.

"Pilosopa karin pala." He said saka hinubad ang jacket na suot niya.

"Suotin mo. Malamig ngayon." Pagkasabi niya non ay pinasuot niya sakin ang jacket.

Minsan napapatanong ako sa sarili ko..

Bakit ba siya ganito?

"Salamat." Sabi ko sakanya at tumingin siya sa itaas.

"Nakikita mo ba yun?" Agad ko naman itong tinignan, ang daming bituin. Pero may isang kumikindat, malaki at kaagaw agaw ng pansin.

"Alam mo, sa tuwing may nakikita akong bituin na sindtulad niyan, siya agad ang naiisip ko." Tinignan ko lang siya habang nagsasalita.

"Hindi mo naman siguro kilala. Alam mo ba yung tipong, kakasimula niyo lang.. pero bigla nalang siyang nawala ng walang paalam? F*ck, I've been waiting for so long, 3 years. 3 years akong naghintay." He said. Nakangiti siya pero alam ko. Alam kong malungkot siya at ayaw lang niya ipakita. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot, ganyan din naman kasi ako. Ang galing mag pretend na okay lang.

Biglang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Oh my god, ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak ng ganito.

Umiiyak nga siya peri nakangiti parin siya.

"Nakita ko na siya.." bulong neto at nakatingin sa malayo.

"Pero.." mahinang bigkas niya at saka pumikit.

"Hindu na ata niya ako maalala."

My Idol Is My BoyfieWhere stories live. Discover now