Chapter 13

135 3 5
                                    

(Paalala; may spg sa part nato, pero not as in na spg tulad ng iniisip niyo. hahaha.)

So when we enter the restaurant, nakita ko sila mama na nagwawave sa amin. Hys mama talaga.

"Saan kayo pumunta? natagalan ata kayo?" tanong ni aunte sa amin ni kendrick ng makarating na kami sa table namin.

Napansin kong hindi sumagot si kendrick kaya ako nalang, "nagpahangin lang sa labas." I said saka nginitian si aunte.

"Sus, ang sabihin niyo nag date kayo ng kayo lang dalawa. Bakit naman kayo magpapahangin e may aircon naman dito sa loob." mama said.

Alam niyo pagpasensyahan niyo na nanay ko. Maingay talaga to eh. Pero sa bagay may point din naman siya, may aircon naman sa loob. Hihi.

Nilalamig na talaga ako kahit suot ko na jacket ni ken. Naramdaman ko din na parang mainit katawan ko. Bigla akong nakaramdan ng panghihina.

Kumain na sila habang ako, wala akong gana. Ang lamig talaga.

"Oh anak, bakit di kapa kumakain? ayos ka lang ba?" tumango lang ako at diko sinagot si mama. Nahihilo ako ugh

Tinignan ko si kendrick at kinuha ang panyo neto saka linagay ang ice na nakalagay sa baso sa panyo niya at bigla itong lumapit sakin saka hinawakan ako sa leeg gamit ang palad ng kamay niya.

"may lagnat ka." ken said saka dahan dahan na linalagay ang panyo niya sa noo ko. Nakatulala lang ako habang nakatingin sakanya. Bakit ba talaga ganito siya saakin?

"Rick, ihatid mo na siya sa bahay. Sabay na kami ng mommy mo uuwi ha, mag iingat kayo." my mom said. Rick? parang familiar sa akin ang pangalan na yun. Parang narinig ko na yun noon.

Argh mas lalo akong nilalamig sa ice na nilagay netong si kendrick sa noo ko, pero honestly nahihilo talaga ako. Hindi ko magawan tumayo.

Tatayo na sana ako kasi ng ihahatid ako ni poging ken na idol ko pa sa bahay pero pinigilan naman ako agad neto.

"Buhatin na kita." saka binuhat niya ako na parang bata.

"Ken, kaya ko naman sarili ko. Ibaba mo na ako nakakahiya sa mga tao" sabi ko sakanya pero no choice bitbit na niya ako na parang cinderella. Nagpacute pa ako shemay.

"kaya mo buhatin sarili mo?" he asked me saka ngumiti lang siya na naka focus sa daan. Halos nakatingin na sa amin ang ibang nandito sa restaurant pero diko nato pinansin, parang biglang bumagal ang kilos ng paligid ko at sakanya lang nakalaan anf attention ko, bakit ba sa kahit anong anggulo niya ang guwapo parin niya tignan?

Bakit ba ako pa talaga ang nahanap niya? puwede naman si ashley. Diba? Tsaka ang bilis talaga nf pangyayari, ang iniidolo ng karamihan eh boyfriend ko na ngayon, diko ginusto pero siya naman ang may gusto. Pero diko masasabi na official na talaga kami, biglaan lang ang pangyayari. Biglaan lang.

"Okay kalang?" hala kanina lang pala siya nakatingin sakin. Nahuli niya akong nakatutok sakanya, "Huh?" walang kaalam alam na sagot ko. Tumingin ako sa paligid ko at andito na pala kami sa parking lot saka binalik ko ang tingin ko sakanya at tulala parin ito sakin.

"Arraaay, yung ulo ko. ang sakit. Ipasok mo na please" acting ko pero masakit talaga ulo ko mga bes.

"Ipasok ang alin?" napatutuk ako sakanya, at parang nagulat siya.

"Este ako, ipasok muna ako sa sasakyan." dagdag ko.

"Ugh, nahihilo ka nga talaga." sabi niya na parang nag alala na may halong pandidiri sa mukha niya. Nadulas lang naman dila ko. saka dahan dahan ako na sinakay sa frontseat ng sasakyan niya at linagay ang seat belt.

My Idol Is My BoyfieWhere stories live. Discover now