Lance's POV
"Hahaha" sabay naming tawa . grabe ang saya palang kasama nito . mauutas ka sa lahat ng kinumwento . hahaha.
nag bukas ang kwarto ni sera . haha hindi naka tiis . "miss sera ? san ka po pupunta ?" tanong ni mary . "kakain , gutom na ko" sagot nya .
natawa naman ako ng palihim . gawa kase nang mukha nya . mukhang gutom na nga . "miss sera , dito na po kayo kumain . nag tira kami ng pag kain ni lance" ngumisi lang sya . at pumunta sa tabi ni mary .
"anong tinitingin tingin mo ?" sarcastic nyang tanong . "kuware ka pa kase" pang aasar ko . umirap lang sya .
bale inubos nya yung lahat ng tinira namin . "kakain din pala hindi pa kanina" bulong ko na alam ko namang rinig nya . "pake mo ba ! eh bahay ko naman ito ! lumayas ka nga dito" sigaw nya .
tumayo sya at hinitak ako palabas . "mary ! bukas ulit . punta ka nalang sa tagpuan !" sigaw ko nung nasa labas na ko . alam ko namang alam na nya . inulit ko lang naman . bakit masama ba ? hindi naman diba .
so ako ngayon nag lalakad pauwi . pinaalis ba naman ako . asar talo talaga sya . pero atleast nakita ko sya . alam nyo kung bakit kami natawang dalawa ni mary . nag kwekwento kase sya ng mga nakakatawang bagay tungkol sa amo . kaya nga sayang saya ako diba ? haha
pag dating ko sa bahay ay umakyat na ko sa kwarto ko . at matutulog muna ..
***
Sera's POV
pag kaalis na pag kaalis ni lance ay tinignan ko ng masama si mary . "diba kilala mo naman sya ? sya yung sinasabi kong mortal enemy ko ! bat di mo sinabeng sya yung kasama ko nung gabi ?!" ngumiti naman sya . "ano ka ba miss sera ! sa gwapong yun kinakaaway nyo lang ? mas gwapo ito kay sir trayde at mas mabait pa !" abanako matinde . "crush mo siguro si lance kaya ka ganyan" sambit ko .
natatawang hindi naman sya . "miss sera ! quiet baka may maka rinig" sabay tawa . ggggrrrr . hindi naman gwapo bakit may nag kakagusto ?! .
teka bakit ba ako nagagalit ? paki alam ko ba sa buhay nya at paki alam ko sa nga nag kakagusto sa kanya ! ano ba yan !? nababaliw na ko .
'hindi ka tanga . dyosa ka'
ito na naman sya !!! nakaka inis na ! bat hindi ka mawala wala ?!
napa isip tuloy ako . lasing ako nun . baka may nasabi akong mali ? o di kaya nagawang mali ?
oh no !!!
Itutuloy...