Chapter 11

4 0 0
                                    

Sera's POV

1:00pm na syempre kagigising ko lang . natulog nga diba ? nag linis muna ako ng katawan bago ako bumaba .

"oh miss sera ? gising kana ?" hindi mary tulog pa ko . bale katawan ko lang to . "malamang" gutom na ko . "ano bang miryenda natin dyan ?" tanong ko .

"bale hinintay ko po talaga kayo bago ako pumunta kayna lance mag luluto po kase sya ng makakain bago kami pumunta sa may tabing dagat" speech ba yan ? haha .
"gusto nyo pong sumama ?" dagdag pa nya . "sure ! friends na naman kami" saad ko . "sa wakas" sambit nya sabay tawa .

nag lakad na kami papunta kayna lance .
nakarating naman agad kami . hindi na kami nag doorbell at agad ng pumasok .

"lance ! lance !" tawag ni mary . close na close na talaga sila . agad namang lumabas si lance . "uy ! aba himala kasama ka" saad nya agad .

ngumiti nalang ako . pumasok na kami sa loob ng bahay nya . "umupo na kayo . gusto nyong kumain ?" alok nya . "busog pa ko" kahit hindi naman . "miss sera anong busog ? eh nag hahanap ka nga ng pag kain ." naku ! mary talaga nilalaglag ako

"nahiya kapa , eh kai-bigan na kita" sabay kindat . "ano ?" tanong ko . medyo chapy kase . umiling naman sya .

"kukuha lang ako ng makakain . tsaka mag aayos na" sambit nya . "tutulong ako lance" ani naman ni mary . edi sila ! sila nang maraming alam . haha

binigyan naman ako ni lance ng carrot cake . hmmm ! yummy . pero na aakwardan parin ako minsan . minsan lang naman . kase ang daming katangahang na gawa ko sa kanya .

hayys ! ang bad ko talaga . "tapos kana bang kumain ?" tanong ni lance . tumango nalang ako . "tara na" pag yayakad nya .

sumunod nalang ako sa kanilang dalawa palabas . nag tungo kami sa may dagat . at aba ! may kubo sa pupuntahan namin .

"at nag pa cottage kapa talaga" natatawang saad ni mary . "baka kase mainitan ka" nag sitawanan silang dalawa . "naku ! lance" saad ni mary . hayys bakit pa ako naka saka sa dalawang ito ? dakilang OP ako eh .

nanguna na akong mag lakad sa kanila . aba hindi naman ako kinakausap eh . ano ako tangakinig ?

nang makarating kami ay agad kaming umupo . "liligo tayo ?" tanong ni mary . duh ! ayoko mangitim pa ako . "kung gusto nyo" saad ni lance . tumingin naman sila sa akin . at agad naman akong umiling .

"mag papalit kapa ba ?" tanong ni lance kay mary . "naku wag na" agad namang sagot ni mary . "so ano pang hinihintay natin ?" masayang sambit ni lance . "hindi ka ba talaga maliligo miss sera ?" tanong muli ni mary . "i'm okey . go ahead" sagot ko .

agad naman ilang tumakbo . nag hubad si lance ng damit nya . and wow . yung abs ang syarap ! hoy sera . ano bang iniisip mo ? pinukpok ko nga ang ulo ko

pinanunuod ko lang silang dalawa . nag tatakbuhan at nag haharutan . bwisett ! at bakit naman ako maaane ? naku baliw na ulit ako .

kumain nalang ako . hmmm ang sarap talaga ng luto ni lance walang papantay eh . hindi kase marunong mag luto si trayde so lagi nalang kaming kumakain sa labas .

*kring kring
*kring kring

"ay ! pusang tumakbo" gulat kong saad . tumutunog ang cellphone ni mary . tumakbo ako malapit sa may dagat para tawagan si mary .

"mary ! mary !" winagayway ko ang cellphone nya at agad naman silang umahon . "bakit ?" tanong nya . "may tumatawag" sagot ko . nag punas muna sya ng kamay bago nya kuhanin sakin ang cellphone nya .

lumayo sya at tinawagan ang tumawag sa kanya . ako naman ay bumalik na sa cattage kasabay ni lance . "mag damit damit ka nga" sabi ko ng makarating kami sa cottage at hinagis ang hinubad nyang damit . "bakit na aakit kaba ?" pang aasar nya . "naku ! mas malaki ang katawan ni trayde kaysa sayo" sagot ko .

"sabi mo eh ." pag suko nya . nakita kong pabalik na si mary . pag lapit nya ay nakita kong naiyak sya .  "miss sera , kaylangan ko ng bumalik sa manila" malungkot na saad nya . "how about me ?" tanong ko . "nanjan naman si lance" napatingin naman ako kay lance .

"mag iingat ka ha !" sigaw ko ng umalis na sya . hindi na ako sumama sa kanya pabalik ng bahay . dahil wag na daw sabi nya . "bakit ka malungkot ?" pag basak ng katahimikan ni lance .

"lahat nalang kase iniiwan ako" (ಥ_ಥ)
"bakit ? nandito pa naman ako" (×_×;

Itutuloy...

That Fate Where stories live. Discover now