Just Before It Ends

216 9 2
                                    

Hi there readers! Part 3 na ho. :) Salamat po talaga sa pagbabasa. :) 

Hint: THIS PART CONTAINS HEIDI AND JACOB'S LAST ONE MONTH AND TWENTY-FOUR DAYS TOGETHER.

I hope you'll enjoy reading. :) :) :) :)

__________________________

Eto na naman ako, matutulog na nga lang ee kung anu-ano pang sumisingit sa isip ko. Di ba pwedeng diretso pahinga na lang? Heidi naman, utang na loob!

Hindi ko kasi talaga maiwasang maisip ee. Di ba nga gigive-up na sana ako bago kami mag-isang taon? Pero dahil nga sa pinaramdam nya sakin nung araw na yun na mahal nya naman talaga ako, napagdesisyunan kong ilaban pa hanggat kaya pa.

Pero napakalaking sampal lang kasi talaga sakin ee. Na sya pa talaga tong unang bumitiw at sumuko saming dalawa. May pagkukulang nga kaya ako kaya nya ako iniwan?

Parang gusto kong balikan lahat ng nangyari just after the anniversary and just before he said AYAW KO NA...

Flashback

December 1, 2013.

Ee syempre naman di ako papatalo sa surprise nya nung anniversary. Haha. Ako pa! Hidden talent ko kaya yang mga surprises na yan. Hihi. Opo, alam ko tapos na yung araw ng anniversary pero basta! Hahahaha.

Andito kami ngayon sa isang barangay sa lugar namin, may activity kaming mga Youth Ministers. At dito ko isasagawa ang aking evil plan.

Medyo maagang natapos yung activity, marami pa akong oras. Weeeee! Timing din na medyo huli sila maglakad kaya nakausap ko pa mga churchmates ko.

"Uy mga kapatid, susuportahan nyo ba ako?" Sabi ko sa mga churchmates ko.

"Oo naman po ate!" Sagot naman nila. Kaya mahal ko kayo ee!!!!

Pero kelangan ko munang kausapin ang number one partner in crime ko sa pagsasagawa ng mga evil plans ko katulad nito. Haha. Si Erich.

"Erich! Lika, may sasabihin ako!"

He's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon