Flashbacks

260 7 14
                                    

The first person that you think of in the morning and the last person you think of at night is either the cause of your happiness or the cause of your pain.

_______________________

After that meeting, hindi na kami ulit nagkita. Well, I guess, sinasadya nyang hindi magpakita sakin. Naalala ko tuloy yung sinabi nya. Nasasaktan ako pag nakikita kita pero gusto kitang makasama. May mas gugulo pa ba sa kanya? Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, sya pa. He's too complicated, his mind's twisted nga ata. Hahahahard Heidi! XD

Change of plans, yan yung unang napakahirap gawin when you're moving on. I admit, dati, ginagawa ko lahat para maabot ko mga pangarap ko hindi lang para sa sarili ko at sa pamilya ko, kundi para rin sa kanya. Bahagi sya ng bawat tagumpay ko. Sa bawat finish line ko, gusto ko kasama ko sya. Pero iba na ngayon.

Flashback

April 1, 2013.

Sa wakas, after looooooooooong stressful years of studying, gagraduate na rin ako. Haha. Dont get me wrong. Nag-enjoy din naman talaga ako sa college years ko. Hindi matutumbasan ng kahit ano yung lahat ng mga experiences ko sa loob ng apat na taon. Hindi mapapalitan ng kahit ano lahat ng natutunan ko, both academics and personal life matters.

Pero ang pinakamasarap na feeling sa lahat? Yun ay yung makita mong proud sayo yung mga taong mahalaga sa buhay mo. Si Mama at si Papa, di ko ineexpect na magbabalak silang maghanda para sakin. Hindi ko naman kasi naachieve yung goal kong magCum Laude. Though pasok naman sa cut off yung general average ko, may isa kasi akong grade na hindi acceptable ng standards ng school. Masakit di ba? Pero ok lang, masaya pa rin ako dahil masaya sila.

At isa pang napakasarap sa feeling ee yung si Jacob na sobrang proud para sa naabot ko. :) :)

Jacob: Ma'am! This issssss it! Congratulations! Sabi ko naman sayo ee, magbubunga rin yung mga pinaghirapan mo. :) :)

Sapat na yung text nyang yun para ngumiti ako ngayon sa kabila ng kabang nararamdaman ko. Naalala ko tuloy yung ginawa nya kagabi bago kami umuwi galing sa church...

"Congrats Ma'am!" Sabay yakap sakin ng sobrang higpit. :) Yung may kasamang lift pa habang yakap nya ako. Ee di ako na masaya. May mas sasaya pa ba sakin? XD In fairness, minsan lang sya maging ganyan kapag may mga kaharap kaming ibang tao lalo na kapag churchmates. Hihi.

Graduation na talaga! Kasama ko ngayon si Mama dito sa Stadia, Dagupan City, Pangasinan. XD And I really cant describe the feeling. Mixed emotions. Masaya pero malungkot. Excited to take the next step pero ang hirap talikuran yung four years sa college. Gusto ng makakilala ng bagong friends pero ang hirap magpaalam sa mga kaibigan. But we all have to move on. We all have our own new paths to follow. :)

Flashback ends..

Si Jacob. Kung meron mang isang taong kayang magpaniwala sakin na lahat ng bagay kaya kong gawin at lahat ng pangarap ko kaya kong abutin, sya yun. Hindi ko rin alam kung bakit pero dahil sa kanya, natutunan kong maniwala sa mga kakayahan ko.

Itong mga bagay na to yung hindi ko kayang bitawan. I have never been the best me until I had him. I have always been so afraid to try anything, and to get out of my shell.

Flashback

September 26, 2013.

Three days from now, LET na. Waaaaaaaaaa! Kabado na talaga ako. Hindi ako nag-enrol sa review center kaya eto, sariling sikap sa pagrereview na hindi ko rin masyadong maharap kasi nga po nagtuturo ako.

He's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon