Heidi's Diary

200 5 3
                                    

Hi readers! We are now down to the last part of my first book. Weeeee! Salamat po talaga sa pagtyatyaga. :)

This part is entitled Heidi's Diary. Nakasulat kasi dito yung mga mahahalagang pangyayari sa araw-araw na buhay ni Heidi. Higit pa dun, nakasulat dito kung ano nga bang totoong nararamdaman ni Heidi pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. Kaya karamihan po talaga ee narration lang.

Since last part na po, paleave naman po ng comments please?

Enjoy!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

March 9, 2014. Sunday.

"Ano na nga ba ulit pangalan nung boyfriend mo?" Tanong ni Father habang nakaupo kami dito sa gilid ng altar. Hindi pa masimulan yung mass kasi late yung bride and groom, may ikakasal.

Gusto ko sanang sabihin yung totoo, na wala na kami. Pero hindi kasi ganun kadali yun. Ewan ko ba kung bakit nahihirapan akong sabihin sa mga taong nakakaalam na wala na kami. Hindi naman na kelangnang iannounce ko pa yun di ba? Torture naman ho.

Ngumiti na lang ako bilang sagot. Pero si Father, makulit.

"Ano na nga bang pangalan nung boyfriend mo?"

Ngumiti lang ako ulit. Ano nga bang isasagot ko?

"Hindi nga, anong pangalan?" Pangungulit pa rin ni Father.

"Si Jacob po?" Sagot ko na lang para matapos na.

"Oo. Kelan nyo naman balak magpakasal?" Awtsu. Yung totoo po Father? Haha. Tawa na lang ako. Basag ako dun aa.

"Nagtatrabaho na ba sya?" Father tama na po. Hahahaha.

"Nag-aaral pa po."

"Aaaaa." Yan na lang naisagot ni Father sakin. Buti na lang. After nun, tumayo na ako. Haha. Sa labas na muna ako. Nakakastress mga tanong ni Father ee. >.<

......

"The mass has ended. Go in peace to love and serve the Lord...."

At natapos na nga ang mass. Blessed Sunday everyone!

Proceed naman kaming mga Youth Ministers sa likod ng church para sa short meeting, routine na po namin to tuwing pagkatapos ng mass. Si Jacob? Wala sya ngayon. Ewan ko ba. Mukhang ayaw pa ni Lord na magkita kami. Kapag kasi nandito sya, ako ang wala. Kapag nandito ako, sya naman ang wala.

"Ate, may ipapanood po pala ako sayo!" Sabi ni Karen. Mukha syang excited. Haha. Ano naman kaya yun?

"Ano yun?"

Iniharap nya sakin yung phone nya. At nung nagplay yung video...

"Oh my gosh! Wala namang ganyanan! Hahaha!" Grabe. Nagulat talaga ako. Hindi ako ready dun aa. Dinaan ko na nga lang sa tawa ee.

Video po yun nung surprise ko kay Jacob nung December 1. Natulala ako dun. Di kinaya ng powers ko yun. Grabe. Wag ganun Karen. Haha.

"Hahaha! Sabi mo ok ka na, di ka na iiyak. Matagal ko na dapat to ipapanuod sayo ee. Nakakalimutan ko lang."

Karen, ok na nga ako. Pero hindi pa ganap. Haha. Saka na yung mga ganyan, ok?

Natahimik tuloy ako dun. Tss. Oh ano ka ngayon Heidi? Yun lang pala katapat mo ee.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

March 11,2014. Tuesday.

Tuesday na! Ang bilis lumipas ng araw nu? Hehe. Very tiring tong araw ko ngayon. Buong araw akong nakinig sa research defense ng mga bata. Nagpanel kasi ako, first time ko ho. Nakakatorete pala. Haha. Pero nag-enjoy naman ako. Marami rin naman akong natutunan sa mga researches na binasa ko.

He's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon