ARYA LANEIRES

0 0 0
                                    

Four years ago.

'Uuwi ako o uuwi ako?' Sabi ko sa isip ko. 'Ano na, arya? Uuwi ka o uuwi ka?' Kanina pa ako dito sa labas ng skwelahan kong uuwi ba ako o hindi? Panigurado nandun na naman ang lasing kong tatay.

'Wag kayong lumapit sa kanya mangmamatay tao papa niya'

'Oo nga, sabi din ng mama ko magnanakaw din mama niya panigurado siya din.'

'Nakakatakot na naman siya. Kaya pala walang kumakaibigan sa kanya'

Napabuntong hininga nalang ako sa mga sinasabi nila. Totoo, mangmamatay tao papa ko at magnanakaw ang mama ko. Nagnanakaw lang naman siya para may makain kami at sa pambaon ko. Natatakot akong umuwi sa bahay baka nandun si tatay.

Naglalakad na ako patungo sa bahay namin. Sikat kami sa lahat. Kilala ako ng mga kaklase o hindi ko man kaklase. Kilalang kilala din kami dito sa mga kapit bahay namin at lahat sila natatakot samin. Lahat sila nandidiri samin. Lahat sila kami ang bukambibig. Bakit naman kami hindi sisikat di ba? Dahil lang naman sa tatay kong mangmamatay tao at basagulero.

Malayo palang ako naririnig ko na ang boses ng tatay ko. Nanginginig ako kong tutuloy paba ako sa bahay o hindi.

Malapit na ako ng marinig ko ang mga basag ng pinggan at sigaw ni mama. Tumakbo ako at naabutan kong sinasampal sampal niya si mama.

"Tay, tama na po tay." Kahit anong pigil at iyak ko ay hindi parin tumitigil si tatay sa pagsasampal niya kay mama.

"T-tay... t-tama na p-po." Humihikbi kong sabi. Tinignan ko si mama at marami siyang pasa sa mukha. Tinignan ako ni tatay at bigla niyang hinila ang buhok ko at pinagsasampal. "sabi mo diyan sa nanay mo na wala siyang kwenta! Palagi nalang siyang walang pera at walang pagkain sa bahay nato! Bwisit! At ikaw?!! Tumigil ka na sa pag-aaral! Dagdag panggasto lang yan putang*ina niyong lahat!!" Sinasabi niya yun habang sinasakal ako sa leeg at inuntog sa pader bago lumabas. Walang tigil ang mga luha ko at hindi ko na talaga kayang huminga dahil sa pagsakal niya sakin.

"I-inay...o-ok lang po ba kayo?" Lumapit ako sa mama ko at niyakap siya. Bakit siya pa ang pinili ni inay? Ano bang nakita niya dun sa tatay ko na wala namang kwenta? Palagi ko yun tinatanong sa kanya pero puro sampal lang niya ang makuha kong sagot at wag ko daw pagsalitaang ganun ang tatay ko. Wala akong magawa kundi tanggapin lahat ng pang aabuso samin ng tatay ko. Wala man lang tumutulong samin dito kasi lahat sila takot samin.

"K-kumain ka naba anak?" Sabi ni nanay. Umoo nalang ako kahit hindi pa ako kumakain. Ayaw ko ng magnakaw na naman si Inay para sakin. Ang sakit ng mga salitang binigay ng mga tao sayo. Kahit gusto mo silang sigawan pero hindi mo magawa kasi totoo naman talaga ang sinasabi nila.

"O-opo inay. Binigyan po ako ng kaklase ko dun ng pagkain naaawa po kasi siya sakin." I lied. Hindi naman talaga sila naaawa sakin. Palagi nga nila akong binabato ng kong ano ano. Pero kinaya at tiniis ko kasi gusto kong makapagtapos ng pag-aaral.

"Ganun ba?" Sabi niya at tumayo. Tinignan ko ang mukha ni Inay puno ng dugo at mukha niya at may color violet sa kabila ng mata niya. Puro naman pasa ang mga katawan niya. Naiiyak ako sa nakita ko. Bakit ganito? Hindi ba kami pwedeng maging masaya? Kahit hindi ganun ka yaman pero masaya naman kaming magpamilya? Pero ang labo din mangyari 'yun.

Gusto ko ding magtanong kong bakit siya nagnanakaw kong pwede din naman siya magtrabaho. Pero naiisip ko sikat pala kami kaya walang tumatanggap sa kanya. Naaawa ako kay inay parang ang sagabal ko sa buhay niya. Ginawa na niyang magnakaw para lang mabuhay kami.

Umiiyak akong lumabas ng bahay. Habang naglalakad ako maraming tumitingin sakin at natatakot. Bakit sila ganun? Bakit nila kami pinapakialaman? Wala ba silang trabaho at nakikichismis sa buhay ng may buhay? Kasalanan ko din ba kong bakit anak ako ng mangmamatay tatay at magnanakaw na nanay?

Maraming tanong ang utak ko pero wala man lang makakasagot dun. Even God, hindi niya ako masagot. Palagi ko siyang tinatanong kong anong kasalanan ko at bakit kami nagkakaganito? Hindi ba kami pwedeng maging masaya? Since I was born hindi ko maranasang maging masaya. Hindi ko nga malaman na nasa Junior High School na ako butu naman at nakaabot pa ako dito kahit nagka leche leche na ang buhay namin. Pero hindi ko naman sinisisi si God alam kong may plano siya samin, saakin. Lahat naman may rason diba?

Napadpad ako sa mga panglarong bata. Playground. Dito talaga ako palaging magtatambay kapag may mangyari sa bahay o kung nandun si tatay. Dito ako buong maghapon kong wala akong gingawa. Hindi ko alam pero kapag nag s-swing na ako ay parang nawala lahat ng problema kahit panandalian lang. Ang sarap kasi ng simoy ng hangin nakakawala ng problema.

"Aray!" Nagulat ako ng tamaan ako ng bato sa paa ko. Napatingin ako sa dun sa sumipa. "Sorry." Napatakbo ako at pumunta dun sa likod sa may sliding, nagtatago. Hindi ako sanay na may magsalita sakin ng ganun. Kasi kapag may binabato ang mga kaklase ko kahit hindi sinasadya o sinadya man lang hindi sila mag sosorry at tumatakbo lang sila. Pero 'tong lalaking 'to ngayon ko lang siya nakita. At nahihiya ako sa kanya para pa naman siyang galit.

Nagulat ako ng makita ko siyang nakaharap sakin na nakangiti. "Hi." Sabi niya. Napatakbo agad ako sa kabila. Oh my god, bakit siya ganun? Hindi ba siya natatakot sakin?

"Oy, bakit ka nagtatago? Natatakot kaba sakin kasi naisipa ko sayo yung bato? Sorry na bata." Sigaw niya. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ako kinakabahan? May balak ba siya sakin?

"Oy bata!" Natulak ko siya dahil na naman sa gulat. Hindi talaga ako sanay na ako ang lapitan. Na konsensya naman ako sa pagtulak sa kanya gusto kong maghingi ng sorry pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Natakot ba kita? S-sorry." Sabi niya. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Hindi ko alam kong pano umalis kasi may harang na sa likod ko at hindi ako makaalis kasi nasa harap ko siya. Ano ba ang kailangan niya sakin? At hindi pa siya lumalayo? At bakit ako kinakabahan sa kanya?

"Anong pangalan mo?" Bigla niyang sabi sakin. Hindi talaga ako makapagsalita parang na pepe ako sa kanya. O hindi lang talaga ako sanay na may kumausap sakin. Nakatitig lang ako sa kanya at ganun din siya. Bigla naman siyang ngumiti at napakunot ang noo ko 'bakit siya ngumingiti? May balak ba siya?'sabi ko sa magkabilang isip ko.

"Ako nga pala si Branden Snow. Okay lang kong hindi mo sabihin ang pangalan mo." Ngumiti parin siya habang sinasabi niya yun. Gusto kong sabihin ko din ang pangalan ko sa kanya pero nahihiya ako. "BRANDEN!" May biglang tumawag sa kanyang lalaki. "Oh sht!" Mura niya at sumiksik sakin para magtago. Ang lapit lapit ng mukha namin. Pero hindi man lang kami umiwas at tumitig lang kami sa isat isa. "BRANDEN! Nasan na yung bata na yun? Delikado pa naman dito! BRANDE-EEN!!" Hanggang sa nawala na yung lalaki. Umiwas naman agad siya. "Sorry. Dito ka ba palagi?" Tanong niya sakin. Pero hindi pa din ako sumasagot. "Friends na tayo ha? Wala kasi akong kaibigan. Kung dito ka palagi babalik ako bukas dito. Bye na ha hinahanap na kasi ako." Tumayo siya at tumakbo. Hanggang sa nawala siya di ko pa din maialis ang mga mata ko kung san siya nagpunta. Tumitibok pa din ang puso ko hindi ko alam kong bakit. Dahil ba 'to sa mayroon na akong kaibigan?

For the first time nakangiti akong umuwi sa bahay.

Her StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon