ARYA LANEIRES

0 0 0
                                    

Pauwi na ako. Umuulan ng malakas. Sira pa naman yung payong ko. Hay.. ano ba namn ito ang malas malas! Pano nako uuwi nito? Hue. Hindi ako pwedeng mabasa ngayon kasi wala na akong uniforme na sosootin bukas bawal pa naman na hindi naka uniform.

Bahala na. Sakay naman na hindi ako umuwi ngayon diba? Baka nandun si itay at baka inaway na naman 'yun si inay.

Patakbo na sana ako ng may biglang may umabot sakin ng yellow na payong. Hindi ko makita yung mukha niya kasi nakasuot siyang hoodie at tumakbo na. Sumigaw nalang ako ng 'Salamat!' narinig naman siguro niya 'yun.

Salamat naman at may mababait pang tao dito sa mundong ito. Sana pagkauwi ko wala si tatay sa bahay kasi hindi ko na talaga alam kong anong gagawin ko.

Pagkauwi ko ng bahay e walang tao. Wala ding mga pagkain. As expected. Pero okay lang busog pa naman ako. Pupunta nalang ako kong san ako palaging nagtatambay.

Dinala ko 'yung payong na binigay sakin nung lalaki kanina papunta sa playground dun nalang muna ako kasi baka umuwi si itay.

Ano kayang pangalan ng lalaki na 'yun? Hindi ba niya ako kilala? Kasi kong kilala niya ako hindi ba niya ako bibigyan ng payong? O baka hindi siya taga rito? Pero kong ganun naman salamat sa kanya kasi naniniwala pa naman ako na marami pang mababait na tao dito sa mundo.

Habang nagmumuni ako ay may nabangga ako. Hindi ako tumingin sa kong sino man ang nabangga ko yumuko lang ako at sinabing 'sorry' paalis na sana ako ng hilain niya ang braso ko. Tumingin ako kong sino man siya at nagulat ako ng makita ko si Branden sa harap ko. Bakit siya nandito?

"Hi arya" nakangiti niyang bati sakin. Wow, may gana pa siyang ngumiti eh ang basa basa na niya. Pinayongan ko siya

"Wag na, basa naman din ako eh kaya okay lang. Buti naman at dumating ka kanina pa ako nandito."

"H-ha?"

"Diba sabi ko sayo kahapon na magkikita tayo dito? Kanina pa ako nandito. Nakalimutan mo na ba?"

"A-ah.. e-e k-kasi-"

"Hahahaha ang cute mo." Kinurot naman niya agad ako. Ha? Anong cute dun? Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya.

"Wala. Ba't ka naman nauutal? " sabi niya sakin. Eh, kasi diba siya lang naman ang kumakausap sakin kaya nakakahiya kasi hindi ako sanay.

"I-ikaw lang kasi ang may lakas na kumausap sakin." Hay salamat at nasabi ko din habang nakayuko ayokong tumingin sa kanya kasi nahihiya talaga ako.

"Ganun ba? Wala bang ibang kumausap sayo bukod sakin? Bakit?" Hindi ako sumagot. Bigla naman tumigil ang ulan.

Hindi ko kayang sabihin sa kanya na maraming natatakot samin at baka lumayo siya. Ayokong lumayo siya. Siya lang ang kaibigan ko dito at kong sasabihin ko sa kanya ngayon baka matakot siya at layuan niya ako.

"Kung ganon. Ako nalang ang kaibigan mo okay? Kaibigan na tayo ha? Kong hindi ka sanay na may kumakausap sayo pwes masanay kana kasi makulit akong tao." Sabi niya habang ngumingiti. Napangiti nalang ako dahil sa ngiti niyang nakakahawa.

"Oy, ngumiti na siya." Asar niya sakin. Bigla naman uminit ang pisngi ko at tinalikuran siya. Nakakahiya naman sa kanya.

"Oy, arya! Wag mo naman itago 'yang magandang ngiti mo. Ang ganda mo promised kaya palagi ka nalang nakangiti ha, Arya?" Pinipigilan ko talaga na hindi ngumiti kasi baka naman may yellow sa ngipin ko nakakahiya sa kanya ang gwapo pa naman niya at mukhang mayaman.

Pumunta siya sa swing area at umupo. Dun pa naman yung favorite spot ko pero nakakahiya naman kong tatabi ako sa kanya.

"Arya, ayaw mo bang makatabi ako? Halika dito o!" Nahihiya naman akong tumabi sa kanya.

Habang nag s-swing kami tahimik lang kami walang umiimik ang basa basa pa naman niya. Ako, unti lang kasi may dala naman akong payong.

"A-h" bakit ba palagi akong nauutal kapag siya ang kaharap kong kausap?

"Bakit?" Sabi niya pero hindi nakatingin sakin kasi s-swing pa siya.

"A-ah, b-bakit ka nandito? A-ayaw mobang umuwi? Ang basa basa mo na."

"Ayaw mo ba akong kasama?" Malungkot niyang sabi.

"Ha? H-hindi ah. Baka magkasakit ka niyan kasi ang basa basa mo." Sabi ko.

"Okay lang ako. Sanay naman ako na palagi akong basa sa ulan kasi palagi naman akong tumatakas sa bahay."

Gusto kong sabihin sa kanya na bakit siya umaalis ng bahay? Pero baka masabihan niya ako na feeling close e kakilala lang namin kaya tumahimik nalang ako.

"Eh ikaw? Gusto mo nabang umuwi? Mag gagabi na. Gusto mo ihatid kita?" Napailing agad ko. Ayaw kong makita niya dun ang tatay ko kong nandun man siya. Baka kong anong gawin sa kanya.

"WAG!" Napasigaw nalang ako bigla. Natatakot kasi ako eh.

"A-h o-kay?"

"I mean, wag muna ngayon k-kasi baka nandun tatay ko eh." Nahihiyang sabi ko. Bakit ba ako sumigaw? Tumayo ako sasabihin ko na sana na uuwi na ako ng may biglang sumigaw sa pangalan niya.

"BRANDEN!"

"Shit! Tago mo ko dali!" Patago na sana siya pero nahuli na siya. Gusto ko ngang matawa sa expression niya eh nakakatawa kasi parang hindi talaga siya mapakali. Pero pinigilan kong hindi matawa baka ano isipin niya.

"Nandito ka lang pala. Kanina kapa hinahanap ng mommy mo uwi na tayo!" Sabi nung lalaking humanap sa kanya.

"Ayoko kong-"

"Wag ka ng matigas ang ulo! Uuwi kana baka magalit pa ang daddy mo sayo!" Hindi na makapag alam sakin si Branden kasi hinala na siya nung lalaki

Hay... wala na naman akong kasama ayoko pa naman umuwi kasi baka nandun si itay. Bahala na sila dun basta dito lang ako.

Habang nag s-swing ako ay napatingin ako sa langit. Ang ganda. Ang ganda ng mga star. Para bang natapos na niya ang problema niya kasi ang ganda na ng langit at hindi na siya umiiyak. Siguro ang lungkot ng langit kanina kasi sobrang lakas ng ulan. Hindi na ba uulan kasi may mga bituin na? Dun ko lang na realize na gabi na pala. At baka nandun si Inay dun baka napano na siya. Napa desisyonan ko din naman na umuwi na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon